TWIST OF FATE

16 14 2
                                    

WCP11

  "Pre, may irereto ako sa'yo" nakangiti kong turan sa kaibigan kong si Qhiell.

   "Tangina, Aila. Ganoon na ba kahalatang gusto kong magkajowa kaya nangrereto ka na!" Sambit nito't nakita ko pa ang pag-irap nito. Kaya naman ay natawa ako.

   "So, ayaw mo? Sige, akin na lang." Seryoso kunwaring sabi ko. Tsaka itinuon ulit ang atensyon ko sa litrato ng irereto ko kay Qhiell.

   "Maganda pa man din, matangkad, mapu..." Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko, dahil inagaw na nito ang phone ko.

   "Ano bang pangalan nito?" Usisa nito. Habang nakatingin sa litrato na nasa phone ko.

   'Psh, sabi ko na nga hindi ito kailanman tatanggi sa mga nirereto ko.' Hindi ko muna siya pinansin, dahilan para hawakan nito ang kanang kamay ko at tinanagay papunta sa nagtitinda ng street foods.

   "So anong pangalan niya?" Umaasang tanong nito sa akin. Napairap nalang ako at sinimulan ng kumuha ng baso at tumusok ng kakainin ko.

   "Oo na kumuha ka lang, kasi libre ko." Naiinis na sabi nito kaya naman napangiti ako dahil alam talaga nito kung ano ang gusto ko.

   "So ano ngang panga.."

   "Chryshel A. Zamero, 'yan yung fb account niya." Sabat ko't sinimulang kumain ng fishball.

    "Libre lang talaga ang kahinaan." Natatawang bulong nito't naiili g pa. Habang tumitipa na sa kanyang phone. Na malamang ay hinahanap na ang pangalan ng nireto ko.
   
   Kaagad kong pinunasan ang luhang pumatak. Nang maalala ko ang dahilan kung bakit ako nasasaktan ngayon. Nakaupo akong mag-isa rito sa isa sa mga upuan dito sa hardin. Habang nakatingin sa kawalan at banayad na tinatangay ng hangin ang nakaladlad kong buhok.

    "Hoy! Napakalalim naman ng iniisip mo!" Kapagkuway turan ng lalaking kakalapit lang sa akin...Lalaking ang akala ko dati kaibigan lang ang turing ko. Ang lalaking, kahit kailan hindi ako magugustuhan.

    "Teka, umiiyak ka ba, Aila?" Tanong nito nang makaupo na ito sa tabi ko. Dahilan para umiling ako at nameke ng tawa.

    "Tanga! Anong umiiyak? Naghahalluccinate yern?" Pagbibiro ko rito, pero nanatili lang ang seryosong tingin nito sa akin.

    "Sige na, aalis na ako. Naalala ko na may gagawin pa kami ni Ate." Sabi ko rito't tumayo na ako sa harap nito. Halatang hindi nito inaasahan iyon. Kaya naman ng maulinigan kong magsasalita na ito'y inunahan ko na.

   "Congrats ulit. Aasahan kong mabibigyan ako ng wedding invitation, hah. Paalam!" Litanya ko't nakangiti kong ginulo ang buhok nito na parang bata.

   Matapos iyon ay kaagad na akong tumakbo palayo. Habang nag-uunahan ang pagpatak ng mga luha ko.

    Siguro nga mas mabuti ng magpaalam...Magpaalam sa nararamdamang ito. Kasi masaya na siya, masaya na ang lalaking mahal ko sa piling ng nireto kong babae.

   Napakatanga ko kasi hindi ko inakala na ganito ang magiging kinahinatnan...Pero, sa isang iglap naiiyak na lang ako't nasasaktan. Tuwing nakikita ko silang magkasama. Ngunit, ano pa nga bang magagawa ko...Huli na ang lahat ng nangyari iyon.

******

   "Sometimes, the unexpected one is the most painful."

                                              -Aila

PIECE CREATED BY PLAYDonde viven las historias. Descúbrelo ahora