UNCERTAIN CHANGES

13 15 2
                                    

WCP18

   "Hi, Nhigelia. Congratulations!" bati sa 'kin ng kapatid ng magiging asawa ko. Yumakap ito sa 'kin kaya naman ay yumakap din ako rito pabalik.

   Nang makahiwalay ito sa pagkakayakap ay kaagad na nangunot ang noo nito matapos masuyod ang kabuuan ko. Naging daan iyon para magpakawala ako nang munting ngiti nang magtamang muli ang mga mata namin.

   "W-what happened to your wedding dress?" tanong nito dahilan para mapatingin ako sa suot ko.

   "Why? Isn't it beautiful? You know... sometimes we need some uncertain changes in terms of the special day in a woman's life." Tsaka ako umikot suot ang wedding dress kong kulay pula.

   "But you know about the tradition. Then, wait—" naputol ang sinasaad nito, marahil ay may napagtanto. Maya-maya nga lang din ay naguguluhan na nitong iniligid ang tingin sa simbahan... na kung saan magaganap ang kasal namin ng kapatid nito.

   "Bakit ikaw ang nag-hihintay sa groom mo? The last time I check, groom is the one who's waiting for his wife-to-be infront of the altar!" naghihisteryang litanya nito.

   "Uncertain changes," tanging sagot ko't itinuon na ang paningin ko sa nakasarang pintuan ng simbahang ito. Hindi na alintana ang pag-awang ng labi pa nito nang sa wakas ay narinig na ang nagsisilbing hudyat na naroon na ang hinihintay naming lahat sa labas.

   Well, tama siya. Imbes na ang groom ko ang naghihintay dito sa harap ng altar kasama ang best man nito'y kabaliktaran ang nangyari. Isa pa, hindi kulay puti ang suot kong trahe de boda. Kulay pula ito. Kung tutuusin ay may malalim akong rason para mangyari ito't malalaman nila iyon pagkabukas ng nakasarang pintuan ng simbahang ito.

   Ang pagtayo ng lahat at ang pagbaling ng mga katawan nila paharap sa pabukas ng pintuan ang nangyari matapos umalingawngaw ang kanta para sa kasal na ito. Mismong ang kaibigan ng magiging asawa ko ang kumanta. Maya-maya lamang ay namutawi na ang ingay.

   "Shit!"

   "Oh my gosh!"

   "I think, I'm going to vommit!"

   "Let's get out of here!"

   Kasabay ng mga komentong iyon ay ang pagbabago ng kanta sa isang nakakapangilabot na tono. Kasunod ay ang pagpapakawala ko nang isang malaking malademonyong ngisi't paglabas ng isang kutsilyo... na itinago ko mismo sa buhok ko. Saglit din muna akong bumaling sa kumakanta; na ngayon ay naka-ngisi na rin sa 'kin at may hawak na kutsilyo sa kanang kamay. Ang kaliwa naman nito'y mahigpit na nakayakap sa leeg ng ama ng magiging asawa ko sana't may natamo ng saksak sa bandang tiyan nito.

   Hindi na nakapaghintay ang loko.

   Ang katabi ko naman ay nahimatay na, marahil ay dahil sa nakita. Samantalang ang mga ibang narito naman ay nakangisi na rin katulad ko't may hawak na kutsilyo. Ang iba naman ay naghihiyawan na sa takot at nag-iiyakan. Meron na ring sumusuka. Isa pa'y ang mga nagtangkang makalabas kanina'y tila'y naging palaman sa pagitan ng mga pintuan ng simbahan na ito... na ngayon ay nakasara na syempre.

   Bakit gano'n ang nangyari?

   Simple lang, pumasok kasi ang groom ko na paika-ika na sa paglalakad. Hawak nito ang dibdib nito na may nakatarak ng kutsilyo. Ganoon din sa ulo nito, may dugo ng inilalabas sa mata't bibig nito. Kaya naman ang suot niya'y nagmistula na ring kulay pula. Pula na galing mismo sa dugo nito—na maihahalintulad sa nangyari sa suot ko. Ang kaibahan nga lang ay hindi ko dugo ang narito. Dugo ito ng mismong groom ko.

   Kung tatanungin naman kung may rason ba para mangyari ito? Ang maisasagot ko'y wala... kasi sadyang gusto lang namin ito.

   "Kill them all!!!" sigaw ko't mas naging magulo ang paligid sa kagustuhan na makatakas sa mga kasama ko; na ngayon ay tumatawa na habang naghahabol at pumapatay.

   Ako naman ay pinagdiskitahan ang walang malay na kapatid ng groom ko. Tumatawa ko itong ilang beses na sinaksak sa iba't-ibang parte ng katawan nito. Maging sa pinakaingat-ingatan nitong gitnang bahagi. Nang hindi pa makuntento'y sinimulang putulin ang mga daliri nito.

   Wala pa sana akong balak na tigilan ito nang natatawa akong awatin ng kumanta kanina. Nang makatayo ako'y kaagad kong iniligid ang paningin ko para lang mapapalakpak matapos makita ang kabuuan. Ginaya rin iyon ng mga kasama kong nandito matapos din nilang masilayan ang mga nagkalat na walang buhay na tao't dugo.

   "We made a unique masterpiece," kapagkuway saad ng kumanta kanina. Kasunod ay ang pagyakap nito sa bewang ko. Walang pakealam kung mas mabahiran pa ng dugo ang suot nito. 

   Kaya naman ay kaagad akong humarap dito't humawak sa magkabilang pisngi nito gamit ang mga kamay kong may bahid na ng dugo. "Yap. We, the artist, has made a great masterpiece indeed." Kasunod niyon ay ang pagsiil nito ng halik sa akin na kaagad ko namang tinugon at sinundan ng kantiyawan ng mga kasama namin.

   Yap, we're an artist. A pshyco artist to be exact.

******

   "Every artist has different techniques in creating their masterpiece unique."
  
                                              -Nhigelia

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now