SIR?!

18 16 9
                                    

WCP2

   "Ms. Kharlene! Stay beside Ms. Vharline!" Kapagkuway seryosong sambit ni Sir Rhaizen. Dahilan para matigilan ako sa pakikipagtawanan sa katabi ko't mapatingin dito.

   "Sir?!" Takang turan ko, rason para humalukipkip ito't mapataas ang isang kilay nitong tumingin sa akin. Na kung akala mo'y hinihintay nito na makuha ang ibig nitong sabihin.

   "Ano nga ulit yung..."

   "I said, lumipat ka sa tabi ni Ms. Vharline!" Sabat nito, rason para mabitin ang sasabihin ko sana kay lhex.

   "Pasalamat ka sir gwapo ka." Bulong ko, kasabay ng pagtayo ko't pagkuha sa bag ko. Pero bahagya akong napaiktad nang may humawak sa kanang balikat ko.

   "May sinasabi ka?" Tanong ni Sir Rhaizen at sinundan niya iyon ng ngisi. Rason para mapalunok ako.

   "Sir?! Wala po sir! Wala po akong sinasabi!" Tugon ko kasabay ng pag-iling ko. Dahilan para natatawa itong tumango.

   Nang akma ulit akong makikipag-usap kay lhex ay kinuha na ni Sir Rhaizen ang bag ko. Kaya naman ay sinundan ko ito ng tingin. Inilagay niya iyon sa katabing upuan ni Vharline. Kasunod niyon ay hinila na ako nito't ipinaupo roon.

   Matapos iyon ay sinimulan na nito ulit na magturo. Hindi ko alam kung bakit, pero laging si lhex ang tinatawag nito. Para sumagot o magbasa.

   "Sir?! Ako naman po!" Angal ni george. Nang hindi ito ang tinawag, kahit ilang beses na itong nagtataas ng kamay.

   "Next time Mr. Fuerte. Hayaan na muna nating si LHEX ang manguna sa klase ninyo ngayon. Diba lhex?" Tugon nito, at alinlangang napatango si lhex sa huling sinabi ni sir. Na kasabay niyon ang seryosong paghawak ni sir sa kaliwang balikat nito.

   "Go! Find the x value! The time is ticking!" Kapagkuway turan ulit nito kay lhex. Dahilan para ipagpatuloy na ni lhex ang pagsasagot, sa sampung problem na kailangan niyang sagutan na nakasulat sa white board.

   Maya-maya pa'y tumingin ito sa akin na parang nanghihingi ng tulong. Dahilan para natatawa kong ikumpas na kaya niya na iyon. Kaya naman ay hindi na nakakapagtakang nakita iyon ni Sir. Rason para mas madaliin nito si lhex.

   "Ano? Kaya pa ba lhex?" Tanong ni Sir sa kaniya, nang natagalan ito sa panghuling problem. Kaya naman ay kaagad na napailing si lhex. Iyon ang hudyat para kunin na Sir ang hawak ni lhex na white board marker. Tsaka ito inutusang bumalik na sa upuan nito.

   "Okay, next time. Huwag kayong tatabi sa mga BABAE ninyong kaklase. Kung hindi niyo naman pala kayang sagutan ang mga ipapasagot ko." Turan ni sir at hindi ko alam kung ako lang ba ang nakapansin. Sa diin ng pagkakasabi nito sa salitang 'babae' at ang saglit na pagbaling nito ng tingin sa akin.

   "Naintindihan niyo boys?" Tanong nito ulit, dahilan para sabay-sabay na sumagot ang mga lalaki naming kaklase.

   "Malinaw ba iyon sa'yo lhex?" Kapagkuway pangungumpirmang sabi pa nito. Rason para kaagad n tumango si lhex at magbaba ng tingin sa desk nito.

   "Sige, Class dismiss!" Turan nito't lumabas na ito sa silid namin.

   "Ghourl, Trip ka talaga ni sir." Kapagkuway natatawang turan ni vharline sa akin. Kaya naman ay saglit akong napatigil sa pag-aayos ng mga ginamit ko. Tsaka kunot-noong tumingin dito.

   "Eh?" Sambit ko.

   "Hindi mo ba napapansin. Pangpitong lalaki na si lhex sa mga ginawan niya ng gano'n." Natatawang turan pa rin nito.

   "Hindi ko napapansin." Tugon ko't pinagpatuloy ko na ang pag-aayos ng gamit ko.

    "Sus, huwag ka na kasing tatabi sa mga lalaki." Natatawang turan nito, kasabay ng paghaplos nito sa buhok ko.

   "Huwag ka ngang assumera!" Tugon ko rito, pero mas lalo lang ako nitong tinawanan.

***

   "Bakit ngumingiti ang asawa ko?" Malambing na sabi ni rhaizen, kasunod ng pagyakap nito sa akin mula sa likuran at ang pagpirmi ng ulo nito sa kaliwang balikat ko.

   "Naalala ko lang yung mga ginawa mo noon Sir." Pang-aasar ko rito, rason para mapatigil ito sa pag-amoy sa buhok ko.

   "Well, kung hindi ko iyon ginawa. Hindi ka mapapasaakin." Kapagkuway may bahid sa tono nito ng pang-aasar. Kasunod ay ang pagdampi nito ng halik sa leeg ko. Rason para mapalunok ako. Hindi ko alam kung bakit, pero parang bago pa rin sa pakiramdam ang lahat ng mga ginagawa nito sa akin.

   "Mommy!!!" Kapagkuway patakbong umiiyak na sabi ng anak naming si lhien. Dahilan para marinig ko ang mahina ngunit mariing pag-angal ni rhaizen. Kaya naman ay saglit akong natawa't wala na itong nagawa. Nang tanggalin ko ang pagkakayakap nito sa akin mula sa likuran. Para makandong ng maayos ang anak namin.

   "What's wrong baby?" Tanong ko sa anak namin, habang inaalis ko ang mga nakatabing na hibla ng buhok sa mukha nito.

   "Kuya aizen said, that I'm not allowed to have a boyfriend!" Pagsusumbong nito, kaya naman ay natawa ako. Samantalang ang katabi kong lalaki ay natigilan na.

   "Well, you're still young for that darling." Nakangiting turan ko rito.

   "But someday I can have a boyfriend, right mommy?" Umaasang turan nito. Dahilan para bigyan ko ito ng ngiti.

   "I said you can't have a boyfriend lhien!" Kapagkuway seryosong sabat ng kuya nito. Dahilan para mas umiyak si lhien. Samantalang ako naman ay nakapirming nakangiti at si rhaizen naman ay mas lalong natigilan.

   "See, nakuha ng anak ng kaibigan mo ang ugali mo." Bulong ko kay rhaizen, dahilan para samaan ako nito ng tingin.

   "Shut up." Iritadong sambit nito, habang nagpapapalit-palit ng tingin sa anak namin at kay aizen. Kaya naman ay mas lalo akong natawa.

******

"Kung may gusto ka sa estudyante mo. Ilipat mo."

                                       -Rhaizen

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now