RIVERSIDE SET

17 13 1
                                    

WCP12

   "Tharie, bilisan mo hindi na natin makikita mamaya yung pag lubog ng araw!" Sigaw ko kay Tharie, bestfriend ko. Habang patuloy kaming tumatakbo papunta sa dalampasigan para matunghayan ang pag lubog ng araw. Paano kasi'y ilang dipa ang layo pa nito sa akin, halatang binabagalan.

   "Zhas!" Rinig kong sigaw ni Tharie at nakarinig ako ng medyo malakas na pagkabagsak. Nang lingunin ko ito'y doon ko napagtanto na nadapa ito. Kaya naman ay umiiling akong lumapit dito.

   "Tatanga-ta..."

   "Ang huling makapunta roon! Siya ang manlilibre!" Kapagkuway sambit nito't kaagad na itong tumayo't mabilis na tumakbo. Dahilan para mapamura ako't kaagad na tumakbo pasunod sa babaeng ito.

   Nandito ako sa dalampasigan at
muling tinutunghayan ang pag lubog ng araw. Nangingilid ang luha't dinadamdam ang bawat pagdampi ng malamig na simoy ng hangin sa balat ko. Habang inaalala ang huling sandali na kasama ko si Tharie.

   Hindi ko alam na sa pag takbo niyang iyon ay hindi niya makikita ang isang nakaharang na bato. Dahil panay ang lingon nito sa akin. Kaya iyon ang naging dahilan para madapa ito't mauntog ang ulo nito sa isa pang bato. Kung dati ay siya ang kasama ko sa pag punta sa dalampasigan para makita ko ang pag lubog ng araw...
  
   Ngayon ay mag isa na lamang ako na nanonood niyon. Palagi ko ring dala ang kuwintas na binigay nito sa akin. Nang makapasok ako sa isang prestihiyosong unibersidad sa maynila. Unti-unti kong ipinikit ang mata ko, matapos maramdaman ang banayad na tikatik ng ulan. Pero muli akong napamulat ng may maramdaman akong humawak sa hintuturo ko sa kanang kamay.

   Paglingon ko'y isang cute na batang babae na may pag kakahawig kay tharie. Segundo munang nanatili ang paningin nito sa papalubog ng araw, bago ito tumingin sa akin.

   "You love watching sunset?" Tanong nito't tumango ako. Tsaka ako panandaliang nangiti, nang parang nakapikit na ito dahil sa pag-ngiti nito na kita ang ngipin nito.

   Pero kaagad akong naalarma, nang sa muling paglingon nito sa tanawin na nasa harap ay kaagad na itong naiyak. Kaya naman ay luminga ako't hinahanap kung may kasama ito. Nang wala akong makita'y lumuhod na ako't inalo ito.

   "I miss my Kuya Gy." Saad nito't yumakap ito sa akin at bahagya akong kinabahan. Nang sa pagyakap ko rito pabalik ay mas lalo lang itong naiyak.

   "I hate how the sun's disappear. Like how my Kuya's gone in a one blink." Dagdag nito.

   "But, I'm still watching it. Kasi it reminds me of my kuya." Sambit nito't hindi ko na rin naiwasan pang maluha...

   Dahil parehas kami, pinapanood namin ito. Kasi iyon na lang ang paraan para kahit papaano'y maibsan ang pangungulila sa kanila. Siguro'y sa iba'y ang paglubog ng araw ay simbolo ng panibagong kabanatang darating. Pero sa amin ay sumisimbolo iyon ng isang alaalang pilit pinapanatili.

******

   "Not all people has the same perception when it comes to one thing. So it doesn't mean na may isang mali, dahil lang sa magkaibang pananaw."

                                                    -Zhas

PIECE CREATED BY PLAYWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu