GLIMPSE OF SMILE

18 14 6
                                    

WCP6

   "Okay class, that's all for today. Goodbye and enjoy your sembreak." Nakangiting sabi sa amin ni Miss Chersel.

   Bagaman hindi pa ito nakakalabas ay kaagad na nagsipaghiyawan ang mga kaklase ko't lumabas. Samantalang ako ay nakapirming nakaupo pa rin sa upuan ko. Maya-maya pa'y lumapit na sa akin si Miss chersel.

   "Tara, uwi na tayo bunso." Aya nito't kaagad na akong tumango. Tsaka kinuha ang bag ko't tinulungan ito sa pagbubuhat ng mga gamit niya.

   Naramdaman kong tumulo na ang luha ko mula sa kaliwang pisngi. Habang inaalala ang mga oras na magkasama kami ni ate chersel. Habang patuloy kong tinititigan ang isang lugar, kung saan ito namatay.

   Dahilan para muling bumalik sa ala-ala ko ang huling sinabi nito.

   "Bunso, tumakbo ka na! Alalahanin mo, mahal na mahal ka ni a.." Hindi na nito natuloy noon ang sinasabi nito, dahil kaagad na itong binaril sa bandang puso nito. Subalit nakaya pa nitong tumingin sa akin at bigyan ako ng huling ngiti. Kasabay ng pangingilid ng luha nito, na kalaunan din ay tumulo. Lalo na ng bumagsak na ito sa sahig.

   Iyon din ang dahilan para hindi ako kaagad na nakatakbo. Ngunit nanginginig din akong tumakbo noon, dahil ako ang sunod na tinutukan ng isa sa estudyante ni ate.

   Dahil sa pangyayaring iyon, nawala ang gurong ate ko. Doon ko rin nasilayan ang huling ngiti nito.

   Malungkot kong niyakap ng mahigpit ang damit ng aking ate. Kasabay niyon ay naramdaman ko ang malamig na bagay na nakatutok sa tagiliran ko. Pumikit na lamang ako, tinatanggap ang mga susunod na mangyayari.

   'Mahal din kita ate, sa wakas magkakasama na tayo.' Sambit ko sa isipan ko't kasunod niyon ay pagtama ng bala ng baril sa tagiliran ko.

   Dahilan para unti-unti akong manghina't tumumba. Subalit hindi ko hinayaang mabitawan ang damit ni ate chersel. Maya-maya pa'y nakatayong dinungaw ng estudyante rin noon na pumatay kay ate ang mukha ko. Kaya naman ng makita pa rin nitong dilat ang mga mata ko'y itinutok nitong muli ang baril sa akin.

   "Kita mo nga naman ang pagkakataon. Kung saan namatay ang paborito kong guro, rito rin mamatay ang kapatid niya." Rinig ko pang sambit niya, kasabay ng pagputok nito sa baril sa tapat ng puso ko.

******

   "Don't let your anger, eat the whole you. Then you'll see that killing someone, can't lessen your anger or pain."

                                                -Chersel

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now