CURSE OF GOING HOME

14 14 2
                                    

WCP14

  "Mom, nandito na po kami sa tapat ng bahay nila Tito Dharie. Hindi po makadaan yung sasakyan namin kasi namatay pala yung pinsan ni tito dharie at ngayon ang libing." Kinakabahan kong sabi kay mom habang kausap siya sa telepono. Samantalang ang pinsan ko namang si Chier ay nanatili ang tingin sa nasa harapan.

   "Jusme, oo nga pala. Nakalimutan kong sabihin sa'yo. Ohh siya, manatili muna kayo riyan." Saad nito mula sa kabilang linya.

   "Mom, hindi kaya..."

   "Nako, Lia. Tigilan mo iyang mga pinagsasabi mo! Sadyang natataon lang na may namamatay, tuwing uuwi kayo." Sabat nito. Totoo iyon, pang-anim na beses na ata itong nangyari at sunod-sunod pa. Kaya nga may parte sa loob ko na ayaw ng umuwi, dahil dito. Pero hindi ko rin naman matiis ang mom ko.

   "Dito raw muna tayo. Daan na rin tayo mamaya sa kanila, kapag nakabalik na." Ani ko sa pinsan ko't tinanguan lang ako nito. Nanatili pa rin ang tingin nito sa naroon sa harapan. Habang ako naman ay inabala na lang ang sarili ko, kasi natitiyak ko na kapag naroon ang atensyon ko. Mas lalo lang akong kakabahan at malulunod sa naroon sa isipan ko.

   Nandito ako ngayon sa sala, nakatulala at kanina pang bumubuhos ang aking mga luha mula sa aking mata. Pagkatapos kong makitang naliligo sa sariling dugo't nakahandusay ang mom ko sa sahig. Nasa likuran ko ang pinsan kong si chier, ito ang pang-pitong beses na umuwi kami. Na sana'y hindi ko na lang itinuloy.

   "Damn this curse!" Gigil na saad ko't bago pa man ako mapaluhod. Dahil sa panghihina'y naramdaman ko na ang  pagpulupot ng kanang kamay ng pinsan ko sa bewang ko. Ramdam ko rin ang hininga nito sa batok ko. Matapos nitong ilagay sa kaliwang gawi ang buhok ko.

   "T*ngin*, ano ba!" Kapagkuway mariing sambit ko't pinilit kong kumawala sa pagkakapulupot ng kamay nito sa bewang ko. Nang maramdaman ko ang pagdampi ng labi nito sa batok ko. Pero hindi ko iyon nagawa, dahil dalawang kamay na ang ginamit nito sa pagpulupot sa bewang ko't bahagya niya iyong hinigpitan.

   "Ano bang nangyayari sa'yo! Bitiwan mo nga ako!" Angal ko ulit, paano kasi'y nawiwirduhan na ako sa mga ikinikilos nito. Lalo na ng amuyin nito ang buhok ko't dinampian ng halik ang kanang balikat ko.

   "Hmmm, no." Turan nito't nangunot ako ng noo. Sa kakaibang himig na naroon. Himig na tila ba'y may ibang gustong mangyari. Kasunod niyon ay ang muli kong pagpiglas at muling naiyak, nang muli nitong ilang beses na dinampian ng halik ang balikat ko't ganoon na rin ang leeg ko.

   Maya-maya pa'y ipinaharap na ako nito sa kaniya. Pero nanatili ang mahigpit nitong pagkakapulupot sa bewang ko. Kaya naman kahit nanlalabo na ang paningin ko dahil sa luha'y kita ko pa rin ang pamumungay ng mata nito't naroon din ang damdamin na hindi ko mawari kung ano.

   "Can you f*cking stop!" Sigaw nito sa akin, kahit kaunti lamang ang distansya namin. Matapos kong pumiglas at pilit na igawi ang mukha ko sa kabila. Nang siilin nito ng halik ang labi ko.

   Mas lalo na lang akong naiyak ng mapagtagumpayan nitong siilin ng halik ang labi ko. Pagkatapos nitong sapuin ang mukha ko't pinilit na ipirmi paharap dito. Nang mapagtanto kong masiyado na itong nalulunod sa halik na ginagawa'y kinuha ko ang pagkakataon na iyon. Upang sipain ito sa pagitan nito, gamit ang tuhod ko. Kaya naman ay napamura ito't nakakuha ako ng tiyansang tumakbo. Nang mapakawalan ako sa bisig nito.

   Pero hindi pa man ako nakakalabas ay nakaramdam na ako ng pagsabunot sa buhok ko't muling pagpulupot ng kamay sa bewang ko. Tsaka ako muling nagpumiglas, nang maramdaman ko ang kamay nitong humahaplos. Na tila'y ang katawan ko ang piniling paglaruan, nang mga galamay nito.

   "I didn't have plan to do this. But, don't worry. Your body will be pleasured, after this." Saad nito't naramdaman ko na lang ang ilang beses na pagsaksak nito sa akin. Nang ramdam na nito ang panghihina ko'y ito na mismo ang tumulong na maipahandusay ako sa kinatatayuan namin.

   Muli pa ako nitong siniil ng halik, kasabay ng pagtarak ng balisong na hawak nito sa bandang puso ko. Bago pa man tuluyang pumikit ang mga mata ko'y narinig ko pa ang sinabi nito. Na mismong itinutok pa nito ang labi nito sa kaliwang tenga ko.

   "This is not a curse, baby." Sambit nito't sinundan niya pa iyon ng munting halakhak. Dahil sa pagtangay ng pagkakataon sa katawan ko. Sa isang pangyayaring hindi ko inaasahan ay hindi na ako nakapiglas at naka-angal. Nang isagawa nito ang kilos, para sa sinabi nito bago ako nito ilang beses na saksakin.

******A DEDICATED PIECE FOR CHIER

   "This world have a tons of people, who can betray you and turn you blind. To hide the true reality."

                                                  -Lia

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now