CAGE OF GRIEF

6 6 0
                                    

WCP20

   "Honey, I'm home!" saad ko. Pagkapasok ko sa sala't kaagad na nangunot ang noo ko, nang walang sumalubong sa'kin. Kaya naman ay kaagad kong inilapag sa sofa ang dala kong business bag. Tsaka nag-simulang maghanap.

   Nagsimula ako sa unang palapag, pero hindi ko siya makita. "Honey?" tawag kong muli. Nang maka-akyat sa kwarto namin at simulang isipin na naroon siya sa loob ng nakasarang banyo.

   Nang walang sumagot ay pinili ko ng maglakad palapit doon. Para lang mapaiktad, nang bumakat ang dalawang kamay nito roon, it's a smoked comfort room. "Are you taking a bath?" I asked, pero sa halip na sagutin ako nito'y ikinumpas nito ang mga kamay nito. Sumisimbolong gusto ako nitong papasukin doon.

   "What are—"

   "Isn't it obvious? Pinaliliguan ko ang dalawang anak natin." Putol nito sa sasabihin ko sana't saglit ako nitong pinukol ng masamang tingin. Bago ipagpatuloy ang ginagawa, kaya naman ay kaagad akong umiling at napabuntong hininga.

   She's doing it again.

   Kapagkuway kaagad nitong tinapik ang kamay ko, nang akma kong balaking itigil ang pagvivideo nito. "What do you think you're doing? I and our children are recording, so we can have new video to be posted." Dahilan para umiling ako't mamewang. Hindi na alam ang gagawin.

   'Mom, you put a drop of shampoo on my left eye! Ouchy!' tinig ng babae naming anak. Rason para natatarantang asikasuhin iyon ng asawa ko.

   "Sorry, baby. Your daddy want to stop our record kasi, so I didn't notice it," pagsusumbong nito.

   "Go, invite your Daddy to join—"

   Bago pa nito maituloy ang sinasabi'y kaagad kong binalibag sa labas ng kwarto ang dalawang kausap nito. Dahilan para mapaawang ang labi nito't kaagad na dumalo roon. Tsaka tumingin sa'kin, nang may maluluha-luhang mga mata.

   "Why did you do it to our children?!" she spat. Kaya naman ay pagalit akong lumapit doon at kaagad na pinagsisipa ang mga kausap nito.

   "Zhord!" maiyak-iyak nitong sambit. Habang pinipigilan ako.

   Nang ito na ang masipa ko'y kaagad na akong tumigil at seryosong pinakatitigan ang mukha nito. "Why did you it, Zhord? This is our child—"

   "No, they are not! My children are not a freaking doll!" putol ko sa sinabi nito. Rason para umiiyak itong umiling.

   "You're lying! I even hear our girl talking—"

   "Because it's her recorded voice a long time ago!" Putol ko ulit sa sinabi nito.

   "You're lying," bulong ulit nito't niyakap nito ang dalawang manika. Na sinasabi nitong anak namin at paulit-ulit na sinambit iyon.

   Nang hindi na ito tumigil sa kaiiyak ay nagpakawala muna ako ng buntong hininga. Bago lumapit dito't lumuhod sa tabi nito. Para aluhin ito.
"Our children are already dead, honey. Matagal na. Why can't you accept it?" Nanghihina kong saad dito't niyakap na ito.

   "Because I just can't, it's our children, Zhord. It's not easy to accept it quickly. Considering that they die because of my own hand," saad nito't doon na bumuhos ang mga luha ko.

   Kasi tama ito, namatay ang mga anak namin sa sarili nitong kamay. She is mentally ill before, akala ko ayos na siya. Kasi hindi naman na siya nagpapakita ng symptoms. Pero mali ako, because she stabbed and chopped our children. Thinking that they are meat. Walang nakapigil sa kaniya that time, kasi nasa trabaho ako't wala naman kaming ibang kasama sa bahay.

   "Then be like me. I already accept—"

   "No, you don't." Dahilan para mangunot ako ng noo.

   "If you really accept it. Then you shouldn't thinking of this instance. You're still cage, my love. You're still cage with the memory of us," saad nito't kaagad akong napaiktad. Nang biglaang bumukas ang pinto ng silid namin. Sunod ay ang pagpasok ng mga nakaputing uniporme.

   "Hold the patient. We need to bring him back at the mental," huling boses na narinig ko. Bago ako tuluyang mawalan ng malay, pagkatapos maiturok sa'kin ang isang bagay na hindi ko alam.

******

   "Free yourself. You're not been created to be cage by something or someone."

                                          -Zhord's wife

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 05, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now