RUINED THING

14 14 1
                                    

WCP13

   "Tignan mo magkasama na naman sila. Kay bata-bata pa lang nila ay naging mag jowa na sila." Rinig naming sabi ng isang matandang lalaki sa kasama nito. Parehas silang nakaupo sa isang parihabang kahoy na upuan na nasa gilid ng kalsada.

   Kaya naman ay nagkatinginan kami ng kasama ko't parehas na bumaba ang tingin namin sa magkahawak naming kamay. Dahilan para matawa kaming pareho at umiling. Matapos muling magtama ang aming paningin.

   "Lolo, hindi po kami mag-jowa. Magkaibigan lang po kami." Turan ni Yheron sa kanila. Rason para natatawa akong nag-iwas ng tingin sa mapanuring mata ng mga kinausap nito. Paano kasi'y pang-ilang beses niya na itong sinabi sa araw na ito. Na kung akala mo'y naaalibadbaran sila tuwing makakakita ng ganito.

   "Asus, 'wag kami ang lokohin mo bata. Dumaan na rin kami sa ganiyan." Panunuyang sabi ng kasama ng matandang lalaking iyon at natatawang sinang-ayunan naman iyon ng pumuna sa amin kanina.

   "Eh kaso nga ho. Kayo iyon, hindi kami." Naiiritang sambit ni yheron at tinangay na ako nito palayo roon.

   "Kung magsipag-asta ang mga tao ngayon. Akala mo kung sino, para isiping lahat ng sinasabi nila'y totoo." Rinig kong gigil na sabi ni yheron, habang tinatangay ako nito. Iyon ang dahilan para matawa akong muli.

   "Hayaan mo na. Basta't alam naman natin kung anong totoo at sinong tunay na nagkamali ng hinala." Ani ko't nilingon ako nito't inirapan.

  "Nagkamali." Natatawang turan ko't nailing. Bago lakas loob na dumaan sa harap ng nagtatawanang sila yheron at dhalia.

   Kung dati'y ako ang lagi niyang kasamang pinaghihinalaan na mayroong kung ano sa pagitan namin. Ngayon ay nabago na, dahil syempre nakikita na nila kung sino talaga ang tunay na karelasyon nito. Sinabi ko noon na hayaan na kasi alam naman namin kung sino ang nagkamali ng hinala. Pero hindi ko inaasahan na madadala ako roon. Kaya naman ay pinili kong lumayo. Lalo na ng marinig ko ang sinabi nitong...

   "I love Vhia, as my princess. But I love you, as my queen." Paninigurado nito't nailing ako't piniling tumakbo. Nang sapuin nito ang mukha ni dhalia't siniil ng halik ang labi nito.

   Because of that one, I realized that all this time. I'm only his princess, but never will pass to be his queen. Pero ruining our friendship is one of my biggest mistake, maliban lang sa pinili kong madala sa mga maling paghihinala nila noon. Kung tutuusin ay tuluyan akong nadala nang marinig ko sa pinsan nito na he's inlove with me. But, I'm wrong. Patunay roon na he already have Dhalia Phery, the girl that he's inlove with.

******

   "Too much assuming can ruin everything."

                                               -Vhia

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now