LIES WITHIN

14 12 1
                                    

WCP15

   "Kj ni Sir. Halloween pero nagpaklase." Saad ng lalaking kaklase ko. Nakaopen ang mic naming lahat, kaya naman ay dinig ko ang pagtawa nilang lahat. Maliban sa akin...

   Ewan ko, pero kanina pa ako kinakabahan. Sa hindi malamang dahilan.

   "Alright, stop na." Kapagkuway paunang sabi ng Maestro namin. Kasunod niyon ay ang pag-open cam nito. Kaya naman ay unti-unti na ring tumigil ang tawanan.

   Pero halos lahat kami'y napakunot ang noo. Nang may isang tumatawang tinig na hindi pa rin tumitigil. Kahit nagsimula ng magbigay ng instruksyon ang Maestro namin. Para sa munting larong magaganap ngayong gabi.

   "Is it clear to you everybody?" Tanong ng Maestro namin. Dahilan para magsalita ang babae naming presidente.

   "Sir, can you repeat the instruction po. Hindi po kasi namin masiyadong naintindihan." Suhestiyon nito, rason para tumango ang Maestro namin. Tsaka muling inulit ang mga sinabi nito.

   Bandang kalagitnaan na ng sinasabi nito'y unti-unti akong napamaang dahil sa sinabi ng Maestro namin.

   "Po?" Tanong ko, umaasang namali lang ako ng dinig kanina sa tinuran nito.

   "Can you open your cam please and turn off your mic. Kanina ko pa naririnig ang pagtawa sa audio mo." Ulit nito, kasabay niyon ay ang pagtaas ng mga balahibo ko. Dahil aminado akong...

   Wala akong naririnig na pagtawa sa paligid ko.

   Kaya naman kahit nanginginig ay pinili ko pa ring magsalita. Para sabihin kung ano ang totoo.

   "S-sir, yung audio po ni Phelv iyon. Hindi po sa akin, tsaka kanina pa po ako naka-on cam." Pagpapakatotoo ko. Kaya naman ay unti-unting namutawi ang ingay sa klase namin.

   "Hoy anong ako! Sa'yo kaya iyon." Tanggi ni Phelv, hudyat para magsipang-ayunan ang mga ibang nasa klase namin.

   "On cam na kasi, Irry. Para magkaalaman."

   "Palibhasa kasi takot mapahiya." Marami silang sinasabi. Pero ang dalawang pangungusap na ito, ang talagang nakapukaw sa atensyon ko...

   Dahil nagpapaalala iyon sa kung gaano ako kahirap pagkatiwalaan ng iba. Na dumating sa punto na nakatanggap ako ng pisikal na pananakit mula sa mga magulang ng kaklase ko noon. Sa kadahilanan daw na ako ang umuubos sa mga baong pagkain ng mga anak nila. Na kung saan ay kabaliktaran naman talaga ang totoo.

   "Just open your cam, Miss Irry. Para makaproceed na tayo." Saad ng Maestro namin. Rason para subukan kong i-off ang camera ko.

   Dahil sa aksyon kong iyon ay parang naging hudyat. Para mahinuha ang pagtataka't pandidiri ganoon na rin ang takot sa mga kaklase ko. Maging ng Maestro namin.

   "Y-yes, halloween ngayon, Miss Irry. But it's not required naman to have a creepy background. So can you just please move to another place." Suhestiyon ng Maestro namin. Kaya naman ay kaagad kong iniligid ang paningin ko sa kwarto ko. Na wala namang kahit anong nabago sa disenyo.

   Creepy background?

   "S-sir, baka po nagkakamali kayo. Wala pong creepy na back..."

   "Meron, Irry! Huwag ka ng magsinungaling pa. Kasi kitang-kita namin ang background mo. Na kung saan ay may nakatayong duguan na babae at may nakakalokong ngiti. Tsaka may hawak pang kutsilyo na nakaamba sa'yo!" Sabat ng babaeng presidente namin. Rason para maramdaman ko ang panginginig ng sistema ko. Hindi lang sa kaba...

   Kundi maging ng takot.

   "W-wala ta..."

   "Please just leave the meeting na lang." Kapagkuway sambit ng Maestro namin. Kaya naman ay unti-unting napaawang ang labi ko.

   Pipindutin ko na sana ang end call button. Nang ilang beses akong mapakurap. Dahil nakita ko mismo ang sinasabi nilang background ko. Sa  kanilang lahat. Akma na sana akong magsasalita. Pero parang nawala ako sa wisyo. Matapos makita't marinig ang sabay-sabay nilang pagsigaw at ang pagsaksak sa kanila...

   Sa isang iglap, naiwan akong mag-isa sa klase. Imbis na ako ang umalis.

   Itutuloy ko na sana ulit ang plano kong mag-leave. Nang unti-unti na akong naiyak, dahil ayaw niyon mapindot. Kasabay ng paglitaw sa screen ko ng background na iyon. Nang mapagtanto kong wala na akong magagawa'y tumigil na ako't pumikit.

   "Hi, I'm Irry! I'm you, right?" Tanong nito, kaya naman ay napalunok akong umiling.

   "Hi, I'm Irry! I'm you, right?" Ulit nito, rason para umiiyak na akong umiling.

   Tatlong beses niya pa iyong inulit. Dahilan para akma ako ulit na iiling, pero hindi iyon natuloy. Dahil sa kirot na naramdaman ko sa likod ko. Maya-maya pa'y naramdaman ko na lang ang pagkatumba ko sa sahig at ang pagbaon ng kutsilyo sa likod ko.

   "Now, Irry is only one." Huling tinig na narinig ko, bago ako tuluyang madala sa kinahantungan din ng mga kasama ko sa klase.

******

   "The one that's within you. Can kill you, not literally."

                                             -Irry

PIECE CREATED BY PLAYWhere stories live. Discover now