CHAPTER 18

3.5K 110 9
                                    




"Magpahinga ka na ah, halos wala ka nang maayos na tulog." ani ni Harvin pagkababa ko ng van, nauna kasi nila akong ihatid dito sa condo.

I smile and step out of the van together with my bag, and smile at them, "Yes, I'll see you guys tomorrow," pilit ang ngiti kong sambit bago sila pinanood na umalis dito sa parking ng building.

I just waited for a couple of seconds, at pagkatapos non' ay agad kong hinanap ang susi ng sasakyan ko sa loob ng aking bag. Kahit na gusto nang magpahinga ng katawan ko mas pinili ko pa'ring umalis at puntahan si Vlad.

Dumiretso agad ako sa aking sasakyan at tumuloy sa lugar na sinabi ni Conrad. During the call, Conrad said that Vlad has been acting so rude towards their staff and he wasn't able to work well because of his temper.

They even lost a concert collaboration because he punched one of the singers from the other band.

Nag Drive ako ng mabilis para lang mabilis makarating doon, at pag akyat ko sa nasabing building. Sinalubong kaagad ako ni Max at sinamahan papunta sa silid kung nasaan si Vlad at ang manager nitong si Conrad.

The door opened and I instantly saw him seated there, with his arms upon the headrest of the couch, while leaning his head a bit and his eyes were closed.

Napansin ko din na may sugat ito sa gilid ng kanyang labi at may pasa sa kaliwang pisngi niya. Hindi ko alam pero siguro ay sobrang pagod lang ako sa trabaho kaya napabuntong hininga na lang ako ng makita siya.

I'm not really in the mood to act the way he wants me to act right now. I'm just tired but I'm still happy to see him again.

"Kacey, you're here," sambit ni Conrad habang palabas ito sa kusina ng silid na ito at may dala-dalang cold compress. I urged a smile and walked towards him.

Nakita ko ang pagmulat ng mag mata ni Vlad ng marinig ang pangalan ko, seryoso niya akong tingnan habang papalapit ako kay Conrad. Sa uri ng seryosong tingin na binabato sa akin ngayon ni Vlad, alam kong galit pa rin siya hanggang ngayon.

"Have a seat," Conrad offered me a seat beside Vlad, but I chose to sit on the chair in front of him. Kaya ang umupo na lang sa tabi ni Vlad ay si Conrad at inabot dito ang cold compress para sa mukha nito.

I saw him clenched his jaw as he watched me sit in front of him, and put that cold compress on his cheeks. Imbis na isipin ko ang galit niya mas pinili ko na lang harapin si Conrad at pakinggan ang sasabihin nito.

"This asshole had a fight again, and look what happened to his face. I have too much to handle for today, marami akong aayusin na problema dahil sa kagagawan niya." sambit ni Conrad na tila ubos na ang pasensya para kay Vlad.

"And you see that," itinuro nito ang pasa ni Vlad at sugat sa gilid ng labi, "He got that from the bandmates of the guy he punched, I don't know what to do with him right now, so I called you, I can't even stand to ride him home tonight because I might kill him out of stress, so, please can you take him home and I'll give him a fucking three days to rest!" madiin ang pagkakasabi ni Conrad habang tinitingnan ng masama si Vlad.

Pero parang wala lang ito kay Vlad at seryoso lang ang tingin sa akin. I nodded and avoided his gaze, "Ok, I'll take him home—--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng tumayo si Vlad.

"I'm not going anywhere with her, I can go home by myself," he was about to grab the keys of his big bike, pero naunahan siya ni Conrad. "I'll confiscate your damn bike, learn your lesson jerk," galit na sambit ni Conrad, bago ito tumayo at umalis ng silid.

Her Worst Contract (LOA 2 #2)Where stories live. Discover now