Chapter 2

135 8 0
                                    

Chapter 2

Zares' Point of View

"B-Bitawan mo ko!" Nakita kong nagpupumiglas ang babae sa pagkakahawak ng isang lalaki habang papalapit ako.

Nilakad ko lang dahil mahirap na. Baka basagin pa ang bintana ng kotse ko. Maraming beses na akong nakaranas niyan.

"HAHAHHAHA! Sa tingin mo, makakatakas ka pa dito nang di ko natitikman? Hahahhaa!" Atras nang atras ang babae at humakbang naman ng humakbang.

Tss. Di man lang napansin ang presensya ko.

Umatras din ako ng papalapit na sakin ang babae sa ka-aatras niya. Nasa bandang likuran niya lang kasi ako.

Napakunot-noo naman ako ng may maatrasang bulto ng tao.

Tsk!

"Oh, saan ka pupunta?" Tumatawa siya at nakitawa din yung Isa pagkakita sakin. "Sa tingin mo, makakalabas ka rin dito ng buhay?"

Sasakalin niya sana ako ng naunahan ko siya at dali akong yumuko para sikohan siya sa tagiliran niya.

"Aaahhhhhh!" Napatingin ako sa gilid ko at dun ko nakita ang lalaking pilit hinahalikan ang babae. Talagang lumalabas pa ang dila niya na parang adik.

Napamura ako nang may lumitaw na imahe sa isip ko. Tangina! Kaya dali-dali kong pinuntahan ang lalaking yun at sinuntok ng malakas sa mukha. Nang di pa ako makuntento ay sinuntok ko ulit siya nang sinuntok.

Napalingon ako sa likod ko nang may humawak dun at biglang sinalubong ang mukha ko ng isang suntok. Kaya napaatras ako.

"Kala mo ah! Tss. Di mo kami kilala!" Galit na usal nung nagsuntok sakin.

Galit ko siyang sinugod at nagiging blurry ang paningin ko. Basta natauhan nalang ako nang may humawak sa braso ko.

"T-Tama na. B-Baka mapatay mo siya." Anang marahang tinig sa likuran ko kaya tumigil ako at tiningnan ang nakahandusay na lalaki na wala ng malay.

Bugbog-sarado na ang mukha nila, pati narin yung isa.

Tumayo ako at hinawi ang pagkakahawak sakin ng babaeng to.

Di-nial ko ang number ni Daren.

"Damputin niyo to. Just trace me para malaman niyo ang address." Sabi ko.

["Sige, in a few minutes!"]


Binaba ko ang linya at nagsimulang maglakad habang hawak ang mukha kung sa'n ako nasapak kanina.

Argh! Ang sakit nun ah!

Natigilan ulit ako nang may humawak na naman sa braso ko. Tiningnan ko ng masama ang kamay niyang nakahawak sa braso ko kaya dahan-dahan niya itong binitawan.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at yumuko naman siya. "Ahm.. a-ano.. s-salamat." Nakayuko parin siya ng magsalita siya.


"Psh!" Iniwan ko na siya at nagpatuloy.

Parang magnet! Lapitin ng masasamang tao!

Siya rin pala yung hi-nostage ni Linton. At siya rin pala yung babaeng waitress kanina sa bar.

Peste! Ang sakit ng mukha ko!
Sumakay na ako sa kotse ko at pinaharurot patungong condo.


Kaede' Point of View

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now