Chapter 21

82 11 0
                                    

A/N: Guys, pasensya na kung maraming wrong grammar, typos at kung ano pang napapansin niyong mga mali. Di ko talaga napapansin yan pag nagsusulat ako. Pag ni-review ko minsan, tsaka ko lang napapansin tapos tatamarin na ako sa pag-i-edit. Pasensya na talaga. I hope you'll understand. 🙏☺️

***********

Chapter 21

Kaede's Point of View

"Papasok na muna ako, Celine." Paalam ko kay Celine.

"Sige, ingat ka, Kaede!" Aniya at pumasok sa room niya.

Pagkatapos kong ma-i-lock yung pintoan ko, bumaba na ako ng building para magpara ng taxi. Nagulat pa ako ng parehong taxi na naman ang huminto sa tapat ko. Sa nagdaang apat na araw, ito palagi ang sinasakyan ko ah!

Parang ang weird na ata. Pero wala naman akong napansing kakaiba kaya sumakay narin ako.

"Sa school niyo po ba, ma'am?" Tanong ni manong.

"Opo manong, pero daan po muna tayo sa north cemetery, may dadalawin lang po."

"Sige po, ma'am." Napangiwi ako sa pagtawag niya sakin ng 'ma'am'.

Napaisip ako kay Celine. These days, may napapansin talaga akong kakaiba sa kanya. Palagi siyang may kausap sa cellphone niya at palagi ko siyang nahuhuling nakatingin sakin. Siguro tama si Nally, dapat nga akong mag-ingat sa kanya. Wala namang masama ron.

"Andito na po tayo, ma'am Kaede." Bababa sana ako pero napatigil ako.

"Alam niyo po ang pangalan ko, manong?" Gulat kong tanong.

Bahagya naman siyang nabahala. "Ah eh.. n-nabanggit niyo po nitong nagdaang araw, diba po?" Aniya na hindi tumingin sakin.

Napaisip naman ako. Wala naman akong maalalang binanggit ko ang pangalan ko.

Di ko nalang pinansin saka lumabas.

Death anniversary kasi ngayon ni mama at papa. Naglakad ako bitbit ang bulaklak. Hindi ako matatagalan sa paglalakad dahil malapit lang sa gate sila nakalibing.

Nang makapasok ako sa gate ay nanigas ako sa kinatatayuan ng makita ko siyang nakaupo sa harap ng puntod ng mga magulang ko. A-anong.. ginagawa niya dito?

Dahan-dahan akong lumapit para di niya mapansin ang presensya ko.

"I'm very sorry, ma'am, sir. Kung sana hindi ko ginawa yun, di sana andito pa kayo at kapiling ang anak niyo." Narinig kong usal niya. Napatitig lang ako sa likuran niya at napa-angat ang tingin ko sa kalangitan ng maramdamang tutulo ang luha ko. "It's all my fault. Kasalanan ko kung bakit.. mag-isa siyang nagpatuloy sa buhay niya." Narinig kong bumuntong-hininga siya. "Kung sana.. sana nawala narin ako." Nang marinig ko yun, mas lumapit pa ako sa kanya at pinalo ang ulo niya gamit ang bulaklak na dala ko. "Aray!--" lumingon siya at nanlaki ang mata niya. "Kaede.." Masama ko siyang tiningnan saka paalis na naglakad ng mabilis. "Kaede, wait!"

Bahala ka sa buhay mo, peste ka! A-akala ko pa naman.. s-sasabihin niya sa harap ng mga magulang ko na aalagaan niya ako pero ang bwisit, yun pa ang sinabi. Yun pala ang gusto niya ha. Pwes, magpakamatay siya kung gusto niya! Magpasagasa siya para agad-agad! Wala akong pakialam sa kanya, bwisit siya! Aarrgghhhh!

Naiinis akong sumakay sa taxi at tiningnan ang kalsada. Hindi man lang ako sinundan!

"Manong, tara na po!"

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora