Chapter 10

96 8 0
                                    

Chapter 10

Daren's Point of View

"Kaede, you stay here! Kailangan kong sundan si Zares!"

"H-Hindi! Kasalanan ko to! Please, sasama ako sayo!" Nagpupumilit pa rin siya na sumama siya sa pagsunod kay Zares at iniisip niyang kasalanan niya.

"Kaede!" I said it with a warning tone.

"Hindi! Sasama ako!" Aniya at nagpatiunang maglakad. Shit!

Dali-dali akong sumabay sa kanya. "Fine! But don't do anything stupid, okay?" Para akong nakatandang kapatid niya na sinusuway siya.

Ngumiti siya at tumango. "Okay!"

Nang makarating kami sa likuran, nakita naming nagbakbakan na sila. Si Zares laban sa marami. Mga 20 ata to eh! Pano namin matatalo to?

"Sir, I need back-up here in midnight club." Tawag ko kay sir Raymond.

["In a minute! Siguraduhin niyo lang na hindi makatakas ang mga yan!"] Ani sir Raymond at pinatay ang tawag.

Napalingon ako sa gawi namin ng sumigaw si Kaede. May lumapit sa kanyang isang lalaki. Lalapitan ko na sana pero nagulat ako nang mapatumba niya ito. Napangiti ako. That's it!

Lumingon ako kay Zares at nakita kong pinandilatan niya ako. "What are you doing here? You shouldn't be here!" Asik niya kay Kaede na nasa gilid. Si Kaede naman, parang hindi alam ang gagawin.

"Um..."

"Bro, sa likod mo!" Sigaw ko kay Zares kaya dali siyang tumalikod at sinuntok sa mukha yung sumugod.

Malapit akong makahalik sa sahig ng may pumalo sa likod ko. "Hahahaha! Akala niyo hindi ko alam na nasa inyo si Mark?" Usal ng pamilyar na boses. Paglingon ko, dun nakita ko si Paolo. "Tsk. Ang gagong yun! Pag nakita ko ang batang yun, papatayin ko talaga yun!" Galit siyang tumingin sakin. "At kayo namang mga pakialamero papatayin ko rin kayo!"

Kaede's Point of View

Nakita kong nagsusuntukan silang lahat sa harapan ko. Wow! Ang galing naman nila. Hindi ko napigilan ang manghang naramdaman ko dahil sa nasaksihan.

Napalingon naman ako sa gilid ko nang may tumilapon dun. Halos tumba na silang lahat. Yung isa nalang ang nakatayo, yung kasuntukan ni Daren.

Napatigil ako nang may naramdaman akong matigas na bagay na nakatutok sa sentido ko.

"Sige, susubukan natin yang tapang niyo! Hahaha! Pakawalan mo si Paolo, kundi sabog ang bungo nito!" Kinakabahan akong tumitig sa kanila.

"Kaede..." kita kong napatigil din si Daren. "Wag kang mag-alala.. walang mangyayaring masama sayo.." rinig kong pangungumbinsi niya.

"Hahahaha! Talaga? Oh Ares, ba't di ka na makakilos jan? Remembering something?" Napatingin ako kay Keiv na tinawag niyang Ares. Di ko pala alam ang buong pangalan niya.

"Acckkkkㅡ" napaubo si Daren ng paluin siya sa likod.

"Daren..." Naisigaw ko ang pangalan niya dahil sa nakita. Oh my god! Kasalanan ko to! Di dapat ako sumama. Kung sana nakinig nalang ako kay Daren.

"I'm fine.." Ngumiti siya kahit halata sa mukha niya ang sakit.

Nagulat ako nang mabitawan ako nung lalaki sa isang iglap lang at tumilapon siya. Hinawakan siya ni Keiv sa kwelyo.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now