Chapter 20

80 8 0
                                    

Chapter 20

Zares' Point of View


["Is that Kaede?"] Narinig kong tanong ni mommy sa kabilang linya. Hindi ko iyon pinansin dahil nakatingin lang ako kay Kaede na deretsong nakatingin sakin.

"Kaede.." nasambit ko. Kumalabog ang dibdib ko sa isiping baka narinig niya ang sinabi ko.

Kahit pa may kumakatok sa pintoan ay hindi namin pinansin.

"Y-Yung narinig ko.. i-ikaw yun?" Nakita ko ang sakit na bumalatay sa mukha niya. "I-Ikaw yung taong yun? T-Totoo ba?" Nakita ko ang luhang namimilibis sa mukha niya.

"Kaede.." hindi ko alam ang sasabihin ko. "Please.. let me explain.."

"Bro? Anong nangyari?" Alam kong si Daren ang pumasok pero di parin namin siya pinansin.

"Totoo nga! Totoo ngang ikaw yun! Tama si Tina! Kung sana naniwala ako sa kanya.." lumapit ako sa kanya pero nasaktan ako ng umatras siyang umiling-iling. "W-Wag kang lumapit. Alam mo bang sinabihan ako ni Tina kanina na ikaw yun. Na ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang ko, pero hindi ako naniwala! Dahil alam kong hindi ka ganun! A-Alam kong.. kung ikaw man yun.. s-sasabihin mo sakin agad pero bakit? Bakit ganun? Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"I.. I was scared.. b-baka iwan mo'ko.." napayuko ako. "Please Kaede.. let me explain everything.. d-don't leave me, I.. I can't.."

Kaede's Point of View

Nakaramdam ako ng sakit namg makita kong umiiyak siya. Pero mas masakit nung nalaman kong siya pala yung taong matagal kong hinahanap, yung taong gustong pagbabayarin ko sa nagawa niya.

Lumalapit siya sakin pero umaatras parin ako. Ayoko! Baka kapag tuluyan siyang lumapit sakin, magiging mahina lang ako at kusang yayakap sa kanya.

Masyadong masakit ang nararamdaman ko ngayon pero pinilit kong magsalita. "Explain!" Pinatigas ko ang boses ko. Nag-angat siya ng tingin na nanlaki ang mata. Nakita ko ang munting kasiyahan sa mga mata niya. "Just explain. Kahit papano, hindi naman ako katulad ng iba na hindi pinapakinggan ang mga paliwanag. I.. I wanna hear your side too." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Kaede.. nung mga panahong yun, andun ako." Sabi ni Daren. "Bro, let me explain to her."

"No, ako dapat angㅡ" pumiyok pa yung boses niya.

"Hindi, ako na. Alam kong hindi mo kakayanin." Bumuntong-hininga si Daren. Hinintay ko lang na magsimula siya. "Masyadong nasaktan noon ni Zares nang mamatay si Ailee kaya kahit dalawang linggo na ang nakalipas, nasasaktan parin siya. Nung mga panahong yun, palagi lang siyang umiiyak at nagkukulong sa kwarto niya. Kahit anong gawin naming pagpapasya sa kanya, bigo kami." Naalala ko yung sinabi ni Tita. "Kaya nung isang araw, hinahanap namin siya sa bahay nila pero di namin siya nakita, yun pala naglalakad siya sa kalsada na parang baliw." Natawa pa si Daren ng banggitin niya ang baliw. Nakayuko lang si Keiv. "Nung mga panahong yun, gusto na kasi niyang mamatay na rin kaya siguro naisipan niyang sa kalsada pumunta. Hanggang sa nabalitaan nalang namin na may naaksidente at may mga pulis na itinuturo siya." Tiningnan ako ni Daren. "At.. ang na-aksidente nun, ay.. kayo."

Tumulo ang luha ko nang maalala ang panahong yun. Sinabi ko rin sa sarili ko noon na sana.. kasama nila akong nawala, na sana.. namatay narin ako. Pero alam kong may.. may rasok kung bakit ako nabuhay.

"Kaede, patawarin mo rin ako, may kasalanan din ako sayo." Hindi ko tiningnan si Daren bagkus nanatili ang tingin ko sa kawalan.

Lumunok ako bago nagsalita. "Naiintindihan ko ang mga naranasan mo noon. Hindi naman makitid ang utak ko para hindi maintindihan yun." Umangat naman ang ulo niya at tiningnan ako. "Pero.. magiging selfish ba ako kung hihilingin kong.. w-wag ka munang magpakita sakin? W-Wag ka munang lumapit sakin. Baka kung ano ang masasakit na salita ang masabi ko sayo, at ayoko nun." Napapahikbi kong usal. Ayoko muna.. ayoko munang makita siya.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Där berättelser lever. Upptäck nu