Chapter 7

102 10 0
                                    

Chapter 7

Daren's Point of View

Natatawa ako sa reaksyon ni Zares nang sinigawan niya ako. Seryoso? Anong problema nito? Ano bang nangyayari sa computer room at galit na galit to?

"Tsk. Because of that fvcking reports of yours.. na-lock kami sa computer room at nag-overnightㅡbwisit!" Namula na ang mukha niya sa kakasigaw.

"Hahahaha! Easy bro! Wag ka ngang sumigaw, hindi naman mahina ang pandinig ko!" Natatawa ko ring sabi. Napatigil ako nang may maalala sa sinabi niya. "Wait, what do you mean kami? May kasama kang na-lock dun?"

Nagulat pa siya at nag-iwas ng tingin. "Kaede!" sagot niya na hindi tumingin sakin

Ako naman ang nagulat. "K-Kaede? Ano namang ginagawa niya dun?"

"Ano nga ba ang ginagawa ng isang estudyante sa computer room?"

Hahahahha! Hindi ko talaga maintindihan to! What's the big deal anyways?

Oh my god! Don't tell me

"Ni-rape ka niya?" Kunyaring nagulat kong usal sa kanya. Ahahaha! Inaasar ko lang naman to eh. Nakita ko namang nanlaki ang mata niya.

"W-What the fvck are you saying?" Sigaw na naman po niya.

"Hahahha! Why? Bakit ka galit-galit na na-lock dun? Wala naman kayong ginagawang masama." Pinipigilan kong wag kumawala ang tawang kanina ko pa pinipigilan.

Nag-iwas siya ng tingin na nakakunot-noo. "Nothing..." tumayo naman siya at naglakad papalabas ng pinto.

"Where are you going?"

"Uuwi muna ako." Hindi ko talaga maintindihan to. Kanina galit na galit, ngayon naging kalma na. Weird. I'm sure there's something that had happened last night. I wonder what is it?


Zares' Point of View

Hindi ko alam kung bakit galit na galit ako kanina at sumigaw-sigaw pa ako kay daren.

Di ko lang kasi matanggap na t-tumawa talaga ako kahapon.

Mula nung mawala si Ailee, lahat din sakin ay nawala. Parang buhay ako na patay.

Basagulero talaga ako noon, pero nang makilala ko si Ailee, nagbago ako at nagtino hanggang sa maka-graduate.

Iniisip ko nun na si Ailee ang buhay ko at wala ng isasarap at isasaya pa ang naramdaman ko ng kasama ko siya. Siya ang kauna-unahang babaeng minahal ko and at the same time first heartbreak ko.

Kaya nung nawala siya sakin, nawala rin ang lahat sakin. Hindi na ako naging masaya. Mga pamilya ko nga ginagawa nila ang lahat para bumalik ako sa dati at maging masaya pero hindi sila nagtagumpay. Ngayon, naiintindihan na nila ako.

Ewan ko, hindi ko naman sinasadyang wag maging masaya. Trabaho lang talaga ngayon ang inaatupag ko at natuto na ako. Ayoko ng magmahal kung kukunin lang din naman sakin at hindi ko rin kayang palitan si Ailee sa puso ko dahil para sakin siya na ang panghambuhay na makakasama ko. Kaya.. h-hindi ko talaga matanggap yung kahapon na.. effortless siyang napapatawa ako.

Nang dumating ako sa bahay ay wala sila mommy at daddy. Ang tanging nandun lang ay si Nally na seryoso na naman ang mukha.

Kung nagtataka kayo kung bakit nandito si Nally ay dahil dito na talaga siya namin pinatira sa bahay dahil maaga siyang naulila sa mga magulang niya at wala rin siyang kapatid.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang