Chapter 18

96 10 0
                                    

Chapter 18

Zares' Point of View

Papunta ako ngayon sa mall na pinagtatrabahuan ni Kaede. Pagkarating ko ay agad akong pumasok. Kilala na ako ng mga kasama ni Kaede dito dahil sa araw-araw kong pabalik-balik dito para sunduin si siya.

Habang naglalakad ako nang may tumatakbong babae ang sumalubong sakin. Isa to sa mga kasama ni Kaede.

"Kuya, si Kaede po.." kinabahan naman ako.

"What happen to her?"

"Hinimatay po siya kanina at hanggang ngayon hindi pa nagigising." Agad akong tumakbo at ng makitang wala sila dun sa pwesto niya, hinarap ko yung babae.

"Where is she?"

"Sa office po ni ma'am Julie. Tara po!" Sinundan ko siya hanggang sa makarating sa office.

Nilapitan ko agad siya. Andun din si Julie, siya ang nag-asikaso.

"Mataas ang lagnat niya kanina. Sinabihan daw siya ng ibang mga cashier na uminom ng gamot pero ang sabi niya'y tapos na raw. Ang sabi naman nila sakin hindi daw nila napansin na uminom si Kaede. Kaya siguro, hindi na niya kinaya at hinimatay. Painomin mo nalang pag nagising na siya." Ani Julie.

"Thanks!" Sabi ko sa kanya.

"No worries! Sige, maiwan na namin kayo." Tinanguan ko lang siya saka tiningnan si Kaede na nakahiga.

Napabuntong-hininga ako. Bakit hindi niya sinabi sakin? Tinatanong ko siya kahapon kung masama ba pakiramdam niya pero ang sagot lang niya ay hindi, napagod lang daw siya.

Hinaplos ko ang buhok niya. "Wag ka nalang kasi magtrabaho! Ayokong nakikitang nagkakaganito ka. Kaede, andito naman ako. Hindi naman kita pababayaan."

Kaede's Point of View

Nagising ang diwa ko nang maramdamang may humahaplos sa buhok ko at may marinig na boses.

Sinubukan kong imulat ang mata ko pero hindi ko magawa. Ang bigat ng talukap ko. At ang init ng hininga ko.

Oh, god! Sobrang init ng pakiramdam ko!

Naalala ko yung nangyari kanina. Kahapon palang masama na ang pakiramdam ko, parang lalagnatin ako.

Kahit masama ang pakiramdam ko, pumasok parin ako kanina. At alam kong nararamdaman din nila na masama ang pakiramdam ko dahil sinasabihan nila akong uminom ng gamot. Nagsinungaling din ako sa kanila at sinabihan ko silang uminom na ako.

Nahihiya akong uminom ng gamot..

Kaya tiniis ko nalang ang init ng pakiramdam ko. "Hey, hey, you okay?" Tanong ng isang boses na nakapagpangiti sakin. "Kaede.."

Tuluyan na akong nakamulat. "Anong.. ginagawa mo dito?" Mahina kong sambit. Napatigil din ako nang maalalang hapon na kaya siguro andito siya para sunduin ako.

Nakita ko ang madilim na mukha niya. "Bakit hindi mo sinabi sakin?" Aniya. "Kaede, I want you to be honest with me.. always! Hindi mo kailangang itago sakin ang tunay na nararamdaman mo! Ano ba ang silbi ko kung ganun?" Alam ko namang pagsasabihan niya ako. Napayuko ako.

"Sabi kasi ni Daren may inaasikaso ka, ayoko lang namang maistorbo kung ano mang ginagawa mo."

"Kaede.. girlfriend kita! Kahit ano pa man yang importanteng ginagawa ko, kapag kailangan mo ako, syempre.. mas uunahin kita!" Kaya nga eh...

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now