Chapter 11

101 8 0
                                    

Chapter 11

Daren's Point of View

"Hey there, mom and baby sis!" Bati ko sa kanila habang hinahaplos ang mga lapida nila. Magkatabi lang kasi silang inilibing. "Sorry kung ngayon lang kami nakabisita ulit."

"Eto kasing anak mo, Kaerelle, nagpakabusy." Segunda naman ni mommy.

"Hahaha! Alam mo, mom, palaging galit si mommy sakin kapag hindi ako nakakauwi ng bahay. Alam ko namang namimiss niya lang ako eh hahaha!" Napaigik ako ng kurutin niya ako sa tagiliran. "You see that, mom? Kinurot niya ako." Nasanay na kami sa ganito. Halos ganito ang nangyayari pag bumibisita kami sa puntod nila.

"Kausapin mo muna si Xia."

Lumipat naman ako sa puntod ni Xia. "Kumusta ka na, baby sis?" Hinahaplos ko ang nakaukit niyang pangalan. "Alam mo ba baby sis, may bago akong kaibigan. She's Kaede. Siguro kung nandito ka ngayon.. magkaedad siguro kayo at magkakasundo kayo. She's a good person." Napangiti ako ng maalala si Kaede. "And ipinapangako ko sa harap ng puntod mo na poprotektahan ko siya. Baby sis, wag kang magselos ah? Syempre mas mahal naman kita." Napabuntong-hininga ako. "Siguro kung andito kaㅡkayo ni mommy.. aalagaan at poprotektahan ko rin kayo. Sana masaya kayo ni mommy kung nasan man kayo ngayon."

"And I promise again, Kaerelle na aalagaan ko ang anak mo sa abot nang makakaya ko." Napangiti ako ng marinig ko yun.
"Daren, magpaalam ka na. Uuwi na tayo. Papasok pa ako sa kompanya." Si mommy na kasi ang namamahala sa kompanya ni daddy since nakakulong pa si daddy sa ibang bansa.

"Mom, baby sis.. uuwi na kami. Kita nalang tayo sa susunod. I love you both." Tumayo na ako at nilapitan naman ako ni mommy.
Natawa ako. "Mom, I'm not gonna cry!" Natatawa kong usal.

Kapag kasi bumibisita kami dito, umiiyak talaga ako pag uuwi na kami. Feeling ko kasi ayoko silang iwan, feeling ko ang bigat ng pakiramdam ko.

"Really?" Nagtaka naman ako ng haplosin niya ang kaliwang pisngi ko at ipinakita niya ang kamay niya sakin. Nakita kong basa yun kaya pinahiran ko ang pisngi ko.

Di ko namalayang tumulo na pala ang luha ko. "You can't fool me, you know that I'm your mother so why not be honest?" Napayakap ako sa kanya ng napaiyak na talaga ako. "Hahaha! And here I thought you're a man!" Aniya na hinahagod ang likod ko.

"I'm a man!" Nakanguso kong sabi. "Thank you, mom.. thank you for everything. For being here, even though I'm not yourㅡ"

"Oh cut the crap! You're my son and I'm your mother, get it?"

Natawa akong tumango. "And we're so lucky!"

"Oh god, I'm late!" Sinamaan niya ako ng tingin.

Natawa lang ako. "Let's go!" Sumakay na kaming kotse at hinatid siya sa kompanya namin. Pagkatapos, ako naman dumiretso sa UH.

Zares' Point of View

"Hahaha! Sorry na, bro. I was just teasing you." Natatawang pang usal ni Daren. Ginising-gising pa ako ng alas kwatro kasi may pupuntahan kami yun pala mamayang hapon pa. Bwisit! "Uy! Ba't galit na galit ka? Ahh... ayaw mo pang pumunta dito no? Gusto mo pang matulog? Matulog ka nalang dito, sayong-sayo ang buong UH." Sinamaan ko siya ng tingin.

"Tss." Ewan ko ba. Nasanay naman na ako na hindi nakakatulog pero bakit galit ako ng istorbohin ako ni Daren kanina. Bumabawi nga kasi ang katawan ko!

*****

Nandito kami ngayon sa bakanteng lote na sinasabi ni  Mark.

Isang bahay ang nadatnan namin pagkarating at walang tao ni isa. Sobrang kalat pagpasok namin. May isang malaking rebolto pang nakatayo.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now