Chapter 22

88 9 0
                                    

Daren

Tinungo agad namin ni Ares ang apartment ni kaede. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon.

All this time, n-nakakasama ko lang pala ang kapatid ko? Kaya ba.. magaan ang pakiramdam ko sa kanya at gusto ko siyang makitang masaya?

"God, I am so happy and at the same time.. shocked." Naiusal ko habang nagmamaneho.

"Yeah, me too!" - Zares.

Hang in there, kaede. I'm gonna take care of you from now on... as my little sister.

Naalala ko yung time na tinawag ni mommy si kaede na Xia kahit pa yun ang unang beses na nakita ni mommy si kaede. Alam kaya niya?

Bumaba agad kami nang makarating at hindi magkandauga-uga sa pagpasok.

"Kaede?" Sigaw ko. Kinabahan naman ako ng makitang bukas ang pinto ng apartment niya naalala ang sinabi ni daddy kanina na nasa panganib siya.

"Oh fvck!" Nasambit ni Zares. "Daren.. they have her already!"

Sh*t!

Nilapitan ko ang kwarto niya dahil bukas din yun. Pagpasok ko, may nakita akong nakatuping papel. Binasa ko naman yun.

If you want your girlfriend to live, come to this address alone. Remember not to tell anybody or else she's dead!

PS: By the way, your girlfriend's not alone. She's with her friend, I guess?

Binigay ko kay zares ang papel. She's with her friend? Who could that be?

Ares

Pinunit ko yung papel pagkatapos kong basahin ang nakasulat dun.

"Don't tell me.. pupunta kang mag-isa?" Ani Daren.

Tinanguan ko siya. "Hahayaan mo bang may mangyari sa kanya? Lalo na ngayong alam mong kapatid mo siya?" Umiling-iling agad siya.

"Syempre hindi! Tara, sasamahan kita."

"Daren, ako lang dapat ang pumunta dun."

"What? Nagpapaniwala ka dun? Zares, alam mong may mangyayaring masama parin sa kanya kahit pa sundin mo sila!" Napaisip naman ako sa sinabi niya. He's right.. "Sasamahan kita. Kapatid ko ang nasa panganib, bro. Hindi ko hahayaang may mangyari sa kanya lalo na ngayong nalaman ko ang totoo." Desidido niyang turan. "Pero syempre may plano tayo. Ikaw lang ang magpapakita at ako naman gagawin ang lahat para makapasok din. Okay?"

Dali-dali kaming lumabas at tinungo ang kotse.

Kaede

"Hey, hey! Wake up! Wake up or else we're both gonna die here!" Anang boses na nakapagpagising ng diwa ko.

Minulat ko ang mata ko at pumasok agad sa isip ko ang nangyari kanina. Si Celine.. Tama nga si Keiv. Masamang tao nga si Celine.

"Hey!" Napalingon ako sa bandang kilid ko ng may umalingawngaw na boses dun. "Tsk. It's all your fault why I am here! If I die, I will scare you to death!" Napakunot-noo ako ng mapagtanto kung sino yun.

"Athena?" Gulat kong sigaw. Naalala ko kasi ang pangalan niya nung magpakilala siya kay Daren.

"Oh, you know my name? Did Daren told you that?" Biglang lumiwanag ang mukha niya.

Ahh! Englishera na nakakaintindi ng tagalog!

"Uhm h-hindi. Naalala ko lang nung magpakilala ka kay Daren nung sa grocery store." Pagkasabi ko nun ay sumimangot agad siya.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now