Chapter 12

95 8 2
                                    

Chapter 12

Zares' Point of View

"Kaede.. pwede mo ba akong bilhan ng mansanas sa baba? Nagki-crave kasi ako eh." Sabi ni Daren.

"Sige, sandali lang ako."

Pagkalabas ni Kaede ay saka ako hinila ni Daren palapit sa kanya. "Ano ba? Nakakadiri ka! Kung makahila ka parang may gagawin ka!" Agad akong lumayo.

"Hahaha! Ulol mo, bro!" Nakita kong umayos siya ng upo at pasulyap-sulyap pa siya sa pintoan.

"Bakit ba? May sasabihin ka ba?"

"Baka ikaw ang meron? Psh! Naglilihim ka na ah!" Nagtaka naman ako sa sinabi niya.

"Ano ba yang sinasabi mo?"

"Ha! Akala mo di ko alam? Wala ka talagang balak sabihin sakin na dun ka natulog sa apartment ni Kaede nung isang araw." Aniya na ngumunguso pa.

"Kasi alam ko namang malalaman mo rin. Sa tsismoso mo ba namang yan!" Sabi ko na nakapagpalaki ng mata niya. "And what's the big deal?"

Naging seryoso siya bigla at bumuntong-hininga. "Bro, ikaw na nga ang nagsabi na hindi kayo close pero naglakas-loob kang matulog dun? Atsaka lalaki ka at babae siya, hindi magandang tignan na natulog ka sa lugar niya samantalang wala naman kayong relasyon."

"I didn't have a choice. I was so sleepy and I wanted to sleep so badly." Totoo naman yun.

Tiningnan naman niya ako ng di naniniwala. "Bro, it's okay. Sabihin mo nalang katotohanan, maintindihan ko naman eh."

"What the hell are you talking about?" Naguguluhan ako sa iniasta niya.

"Zares, I know you like her. But still I do want to hear it from youㅡ"

"I... what?" Napatitig ako sa kanya. "Jesus! Gumagawa ka na naman ng ilusyon!" I can't believe him! Yun pa talaga ang sinabi niya.

"Zares, don't deny it, I can see it through your eyes." Baliwalang aniya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "I told you, I don'tㅡ"

"Okay, okay, sige sabihin na nating hindi mo siya gusto. Kung ganun, bakit may patulog-tulog ka sa apartment niya?" Nagdilim ang mukha niya bigla. "Wag mong sabihing ginagamit mo lang siya? Zares, sinasabi ko sayo wag mo siyang gagamitin para lang makatulog ka. Hindi siya unan para gamitin mo nalang kung kailan mo gustong matulog." Naging seryoso na siya.

"No! I don't want to use her either!" Pasigaw kong sagot.

Para naman siyang nakahinga ng maluwag. "Good! You're my friend indeed! Kung hindi mo siya gusto, bakit mo siya pinuntahan kanina? Gayong sinabihan na kitang wag siyang puntahan at baka malaman niya."

"She's worried about you! She's... she felt lonely.."

"See? Sa tingin ko, pinagmamasdan mo lang siya dun. Kasi maaga kang nawala ng magising ako kanina."

"Of course, umuwi muna ako!"

"Nah! I called your house." Ako naman ang napatigil. Shit! Bat di ko naisip yun! Ngumisi naman siya.

"Fine! I was watching her from afar but that doesn't mean... g-gusto ko na siya." Pero halatang hindi siya naniniwala. "Dahil malayong-malayo ito sa nararamdaman ko kay Ailee noon." Pagpatuloy ko.

"Kasi nga gusto palang naman. At mahal mo si Ailee noon kaya syempre, magkalayo! Bro, hindi ka naman na bata na parang walang alam sa ganito!" Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pinto.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now