Epilogue

166 10 0
                                    

After a few months

Third Person's PoV

"Mang Magno, samahan niyo po muna ako. May pupuntahan po ako saglit." Sabi ni Kaede sa driver nila. Kumuha na kasi sila ng driver dahil nagiging busy na si Zares sa kompanya.

"Opo, ma'am Kaede." Hinanda na ni Magno ang sasakyan at ipinarada ito sa harap ni Kaede. Sasakay sana siya nang may sumigaw galing sa loob.

"Where are you going?" Nakapameywang na tanong ni Zares at daling nilapitan ang asawa.

Akala ko, umalis na siya.. anang sa isip ni Kaede.

"Bibisitahin sina mama at papa sa sementeryo saka si Ailee." Sagot ni Kaede.

Bumuntong-hininga si Zares at tiningnan si Magno. "Mang Magno, ako na po ang magmamaneho sa kanya."

"What? No! May pasok ka sa trabaho ngayon!" Daling usal ni Kaede sa asawa.

"So, mas pipiliin ko dapat yun? Sa tingin mo ba hahayaan kita lalo na ngayong kabuwanan mo na?" Nakataas ang kilay ni zares. Nang hindi makaimik si Kaede, kinausap ulit ni Zares si Magno. "Sige na po." Aniya.

"Opo, sir." Maya-maya pay, tumunog ang cellphone ni Zares.

"I told you not to disturb me!" Bungad ni Zares sa secretary niyang lalaki matapos sagutin ang tawag.

"I'm sorry sir, I didn't mean to disturb you. May isang kliyente kasing naghahanap sa inyo sir, nagkasundo daw po kayong magkita ngayon." Sabi ng sekratarya niya. Palihim na minura ni Zares ang sarili dahil nakalimutan niya ang bagay na yun.

Malalim siyang napabuntong-hininga. "Okay, I'll be there." Sabi niya saka ibinaba ang linya.

Nilingon niya ang asawa niya na nakataas na ang kilay sa kanya. "I told you. Kaya pumunta ka na dun." Simpleng saad ni Kaede.

"I forgot about that matter." Aniya. "But I am not comfortable leaving you alone."

"I'm not alone, Kasama ko nga si Mang Magno diba?"

"But stillㅡ"

"Zares Keiv! I'm okay, and you're just one call away right?" Sabi ni Kaede na ikinatango niya.

Tinawag niya si Mang Magno at ibinigay ang susi. "Just call me if you need anything, okay?"

"Okay." Sagot ni Kaede. "You need to be there. Aalis narin kami."

"I love you." Hinalikan siya ni Zares bago nagpaalam at umalis.

Siya naman, sumakay narin sa kotse at umalis na rin.

*****

"Pasensya ka na Ailee ha, kung ngayon lang ako nakadalaw ulit sayo. Hindi nakasama si Keiv dahil nagiging busy na siya sa kompanya." Aniya habang hinaplos ang lapida. "Alam mo, marami akong dapat ipagpasalamat ngayon. Tama nga sila, na kapag may mapait kang nakaraan, may maganda ka namang hinaharap. Salamat Ailee, salamat sa pagtitiwala mo sakin. Maituturing ko ang sarili ko na swerte kasi, may mga taong dumating sa buhay ko, na pinapasaya at minamahal ako. Na may dadating saking isang lalaking magmamahal sakin at hindi ako pababayaan." Napapangiti pa siya habang iniisip ang asawa. "Nga pala Ailee, may good news ako! Sa wakas, magiging tatlo na kami. Sa wakas, may dadating na samin na little Kaede at little Keiv." Hinahaplos niya ang tyan niya.

Tumingin siya sa orasan niya. Kailangan pa niyang puntahan ang mga magulang niya. "Sorry Ailee ha, kailangan ko ng umalis. Pero sa susunod, dadalaw ulit ako sayo. Bye Ailee!" Dahan-dahan siyang tumayo at inalalayan pa siya ni Magno dahil talagang malaki ang umbok ng tyan niya.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now