Chapter 17

95 8 2
                                    

Chapter 17

Kaede's Point of View

Nakatayo ako sa harap ng isang maliit na shopping mall ngayon. Dito na ako magtatrabaho bilang cashier. Buti nalang talaga naghahanap sila ng cashier na nalaman ko kaya nag-apply agad ako na nakapasa naman.

"Good morning! Ikaw na ba si Kaede, ang bago naming cashier?" Bungad sakin ng isang magandang babae pagpasok ko.

"Opo, ako po yun. Magandang umaga din po!"

"Hmm. Pretty young lady right hereㅡlike me hehe. Hello, I'm the owner of this mall, you can call me Julie, no ma'am and anythingㅡjust Julie. How old are you?"

"19 po."

"And I'm 23. See? Hindi lang magkalayo ang edad natin so just call me Julie and oh, cut the 'po', okay?"

"Yes, Julie."

"Great. You can start now. Sorry ah, I have to go. May date pa ako eh hehe! Bye!"

Ngumiti lang ako at kumaway. Ang ganda naman niya. Sa murang edad niya, may sarili na siyang shopping mall.

Nagtatrabaho lang ako buong araw. Nakakapagod din pala ang pagiging cashier. Nade-deliryo ako sa mga numbers. May iba pang ang la-laki ng mga pera. Hindi kasi tumatanggap ang mall na ito ng mga cards dapat talaga cash. Kaya, nakakadeliryo.

Nag-ayos na ako bago nagpaalam sa kasama kong mga cashier din.

Pag alas kwatro na ng hapon, may iba na kasing papalit samin, bali sila ang pang-night shift at kami ang pang umaga.

Dahan-dahan akong naglakad palabas habang nakahawak sa batok ko. Ang sakit ng batok ko kakayuko.

Napaigtad pa ako nang may humawak dun. Nanlaki ang mata kong lumingon. "Let me.." kinuha niya ang kamay kong humilot sa batok ko at siya na ang gumawa nun.

"Ayos lang.." pero hindi siya nagpatinag.

"Sabi ko naman kasi wag nalang. Ako nalang ang magbabayad ng renta ng apartment mo."

"Tsk! Hindi nga pwede, ayokong umaasa sa iba."

"Hindi naman ako iba ah. Boyfriend mo ako kaya responsibilidad ko na ang girlfriend ko."

"Ah basta ayoko!" Sabi ko nalang. "Hindi lang kasi ako sanay maging cashier, kaya naninibago lang ang katawan ko." Narinig ko namang napabuntong-hininga siya. "Ayos nga lang ako.." natatawa kong usal.

"Sa nakikita ko, hindi! So stubborn!" Natawa ako sa huling sinabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya. "Wala bang naging problema sa loob?" Tanong niya habang sinusuotan ako ng seatbelt. Gustong-gusto niya talagang ginagawa to. May kamay naman ako pero hindi niya ako hinahayaang ako ang magsuot ng seatbelt ko.

"Wala naman. Maayos naman ang lahat."

Tiningnan niya ako. "Pero sure ako maraming gwapo dun."

"Oo naman. Ang mga gwapo pakalat-kalat sa mundo kaya hindi na nakapagtataka yun." Sabi ko nakapagpabusangot ng mukha niya.

"Tsk!"

"Oo nga't gwapo sila pero hindi naman sila ang gusto ko." Kibit-balikat kong sabi.

"Sino kung ganun?" Madilim ang mukhang saad niya.

"Sino sa tingin mo?" Balik tanong ko na mas lalong nakapagbusangot ng mukha niya. "Hahaha! Syempre ikaw, alangan namang si Daren? Gusto mo siya na lang?" Biro ko sa kanya.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now