Chapter 19

90 8 0
                                    

Chapter 19

Kaede's Point of View

"Hello!" Napaigtad ako nang may nagsalita sa gilid ko habang nagsasara ako sa pinto ng apartment ko. Papasok kasi ako ngayon sa school.

Isang magandang babae ang nalingonan ko. "Hi!" Bati ko pabalik.

"I'm your new neighbor. Kakalipat ko lang." Ngumiti siya ng matamis. "I'm Celine, by the way."

Tinanggap ko ang kamay niyang nakalahad. "Kaede. Nice to meet you Celine."

"Same here!" Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Aalis ka?"

"Papasok ako ng school. Marami na kasing gagawin." Nakita kong ngumuso siya.

"Sayang. Ipagluluto sana kita eh. You know, as my new neighbor." Parang baliktad ata? Haha!

"Um, may next time pa naman hehe." Sabi ko nalang.

Tumango-tango siya. "Oo nga naman. I hope, you'll have a free time. Gusto kasi kitang maging friend, kung okay lang sayo. Wala pa kasi akong friend dito eh." Aniya. Mukhang mabait naman siya, why not?

"Oo naman!" Nginitian ko siya.

"Let's go!" Napalingon kami sa unahan. Nandun si Keiv na papunta sa gawi namin. Nang makarating sa tabi ko, hinawakan niya agad ang kamay ko. "Let's go, mali-late ka na!"

"Teka lang. She's Celine, my new neighbor." Tumingin naman siya Kay Celine na parang wala lang. "Celine, boyfrㅡ"

"Your boyfriend, I see!" Ani Celine. Inilahad niya ang kamay niya sa harapan ni Keiv. "Hi, I'm Celine, nice to meet you!"

Nakatingin lang ako kay keiv. Tinusok ko ng bahagya ang tagiliran niya at nakita kong tinanguan lang niya si Celine saka ako hinila.

"Pasensya na Celine. Kailangan na naming umalis."

"No worries. Ingat!"

Nang makasakay na kami sa kotse nang bigla siyang magsalita. "I don't trust her. Don't go near her, Kaede." Aniya na tumingin sakin ng deretso.

"Bakit? Okay naman siya ah. Mukha naman siyang mabait."

"Just.. don't trust her and don't go near her. Mabuti ng nag-iingat." Aniya with authority. Tumango nalang ako.

Celine (short)

Napangisi ako nang mawala na sila sa paningin ko. Tinawagan ko si sir Fuentes.

"It's confirmed, sir. Girlfriend nga siya ni Ares. At mukhang madali lang utuin ang babaeng yun. Malambot." Sabi ko.

["Good! Pero wag kang magpapakampanti. Knowing Ares, madali lang yun magduda. He's observant so be careful with your actions."]


"Yes sir!" Saka ko pinatay ang tawag.
"Tingnan lang natin ang tapang mo, Ares. I'm sure magiging malambot ka pagdating sayong mahal na girlfriend." Saka ako pumasok sa loob.

Zares' Point of View

"Pag uwian niyo na, tawagan mo'ko agad. Pag hindi pa ako dumadating, wag ka munang lalabas ng university, okay?" Sabi ko kay Kaede. Dapat ng maging maingat.

"Okay! Pero kung busy ka namㅡ"

"Kaede." I said in a warning tone. Natawa ko ng bahagya nang sumimangot siya. "Basta tawagan mo'ko!" Tumango-tango siya. Hinalikan ko siya sa pisngi bago pumasok sa kotse.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now