Chapter 23

83 7 0
                                    

Chapter 23

Daren's Point of View

Dahan-dahan kong tinungo ang likuran ng lumang malaking building. Pagkapasok ko sa pintong nandun ay agad bumungad sakin ang isang babaeng nakatungo na parang zombie.

Nang tuluyan akong nakapasok, nag-angat siya ng tingin sakin at sinugod ako na may hawak na kutsilyo.

Nagulat ako ng mamukhaan ko siya. Athena? Naalala ko kasi ang pangalan niya.

Sinugod niya ako at sinubukang saksakin. Siya ba ang tinutukoy nila na kasama ni Kaede?

Sinangga ko lang ang kamay niya at ng mahawakan ko ang kamay niyang may kutsilyo, kinuha ko yun at tinapon ang kutsilyo.

Napayakap narin ako sa kanya para mapigilan siya sa pagpupumiglas. Ano bang nangyayari sa babaeng to?

Kinapa ko ang batok niya at mahinang pinisil ang ugat na nandun kaya nawalan siya ng malay.

Binuhat ko siya at pinahiga muna sa isang sulok, yung hindi kita.

Pagkatapos, nagpatuloy ako. Nakakasalubong ko rin ang mga tauhang nandun.

Hingal akong tumayo nang mapatumba ko silang lahat.

Dali-dali din akong nagpatuloy sa kabila ng paghabol ko ng hininga. I have to be there! I have to save my sister!

Nang makarating ako sa isang hallway, nakita ako ng mga tauhan ni Fuentes at sinugod na naman ako. Ang dami!

Hinabol ko muna ang hininga ko bago sumugod din. May nakita akong pamalo sa gilid ko kaya kinuha ko yun at pinalo sa taong nasa harapan ko.

Napaabante din ako agad nang may pumalo din sa likod ko.

"Shit!" Ang sakit nun ah!

May sumipa din sa tagiliran ko kaya nabitawan ko yung pamalo at natumba.

Nag-angat ako ng tingin habang sapo ko ang tagiliran ko, kaya nakita ko ang isang taong may hawak na baril at itinutok yun sakin.

Fvck! Ngayon ko pa lang nalaman na buhay ang kapatid ko tapos ako naman ang mawawala.

Mapakla akong natawa dahil sa isiping yun.

Napapikit nalang ako ng umambang kalabitin nung lalaki ang gatilyo.

"Hindi pa naman kami huli, diba?" Anang boses na pamilyar sakin kaya nagmulat ako.

At dun ko nakita si Teri na may kasama pang dalawang lalaking hindi ko kilala.

Napatingin din ako sa lalaking nakahandusay na sa sahig. "You're welcome, by the way!" Napangiwi ako ng sabihin yun ni Teri. "Ahm this is my cousin, Ace and my friend, Levin. Guys, this is Daren, kaibigan siya ng pinsan ni Thana!" Pagpakilala ni Teri samin.

Nagbatian lang kami pagkatapos inalalayan akong tumayo ni Teri.

"Asan sinaㅡ" naputol ang sasabihin ni Teri ng may magsalita sa likuran namin.

"Where's Zares and Kaede?" Nagulat kami ng makita namin si Nally na prenteng nakahilig sa pader.

"What are you doing here?" Bulalas ni Teri at nilapitan si Nally. "You shouldn't be here!"

"Tss!" Nilagpasan ni Nally si Teri at nilapitan ako. "Tara na, iligtas natin sila!"

Nagpatiuna sa paglalakad si Nally at sumunod kami. Iika-ika pa akong naglakad pero buti nalang inalalayan nila ako.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now