Chapter 25: Last Chapter

107 7 0
                                    

Pagkalipas ng ilang buwan matapos silang ikasal..

Zares' Point of View

Napangiti ako habang pinagmamasdan ang babaeng nagpatunay sakin na hindi pa huli ang lahat para maging masaya. Lahat ng narating namin ngayon ay hindi ko inaasahang mararating ko. Kundi dahil sa kanya ay hindi ako magiging kung ano man ako ngayon. I'm a lucky man, indeed!

"Bilisan mo!" Sigaw niya habang nakaupo sa sofa.

"Opo!" Sagot ko at minadali ang pagtimpla ng gatas.

Nung maikasal kami ay niregalohan kami ni mommy ng house & lot kaya dito na kami nakatira ngayon.

Ngayon, ako na ang namamahala sa kompanya ni daddy. Nagpupurisgi na ako sa trabaho sa kompanya. Kailangan kong magsikap lalo na ngayong magiging tatlo na kami.

Ang UH naman, si tito Raymond parin ang namamahala pero yung mga trainees namin noon ay ang mga agents niya ngayon.

"Zares Keiv!!" Sigaw na naman niya na nakapagpabalik ko sa ulirat. Kung ano-ano ng naiisip ko.

Kinuha ko yung tinimpla ko pumuntang sofa. Inilapag ko yun at tumabi sa kanya saka hinawakan ang tyan niya.

Well.. she's 2 months pregnant now hehe! "Hello baby, masungit na naman si mommyㅡaray!" Tinampal niya kasi ang kamay kong humawak sa tyan niya.

Isang buwan na siyang ganito. Inaaway ako ng walang dahilan, sinasaktanㅡpisikal, tapos minsan tinataboy niya ako dahil ayaw daw niyang makita ang pagmumukha ko. Nung una nga, akala ko ayaw na niya sakinㅡna baka nagsawa na siya sakin pero nung nagpatingin kami sa doctor, nalaman kong normal lang yun sa isang buntis.  Kaya wala akong nagawa kundi ang intindihin si Kaede.

"Anong tinitingin-tingin mo jan?" Singhal niya sakin.

"Ang ganda talaga ng asawa ko." Lambing ko sa kanya sa pag-aakalang lalambing din siya pero nagkamali ako.

"Heh! Umalis ka nga sa harapan ko! Ang panget mo! SHOO! Layas!" Pagtataboy na NAMAN niya sakin.

Ngumuso ako. "Baby namㅡ"

"Wag mo kong tawagin ng ganyan, hindi ako bata! Wag mo ring itulis ang nguso mong yan kung ayaw mong maputol ko yan!" Matigas na aniya na ikinangiwi ko. "Alis!"

Bagsak ang balikat kong tumayo at umalis.

Pumunta nalang ako ng kusina at nagluto. Oo nga't ayaw daw niya akong makita pero ayaw din niyang hindi natitikman ang luto ko kaya ako ang pinapaluto niya araw-araw.

Nagha-hum lang ako habang nagluluto nang may nag-door bell.

Kaya in-off ko yung stove dahil tapos narin naman saka tumungo sa pinto.

"Dad.." napangiti ako ng makita ang daddy ni Kaede. "Come in! Mom!" Mas nagulat ako nang sumulpot si mommy. "Anong meron? May okasyon ba?" Takang tanong ko.

"Bawal na bang bisitahin kayo?" Si mommy ang sumagot.

"Of course not! It's just that.. nakakagulat lang na sabay-sabay kayong nandito. Where's daddy, mom?"

"Ah! Akala ko hindi moko hahanapin." Sumulpot si daddy sa likod ni mommy. Seriously? Parang may okasyon ah!

"Pasok po kayo.." Pumasok kami.

"Where's your wife?" Tanong ni daddy.

"She's in the living. Pumunta lang po kayo dun. Ayaw niya akong makita eh." Ngumuso pa ako.

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें