Chapter 8

92 8 0
                                    

Chapter 8

Zares' Point of View

"S-Siya ba?" Malungkot na turan nung lalaki sa harapan namin habang nakaturo sakin. "S-Siya ba ang b-boyfriend mo?"

Tiningnan ko si Nally. Alam kong nahihirapan siya ngayon. Kahit ngayon man lang, matulungan ko ang pinsan ko.

"Ako nga!" Sabi ko sabay lahad ng kamay. "Zares, pare."

Tinanggap naman niya yun. "Teri.." Pagpapakilala niya pero na kay Nally ang paningin. Bumuntong-hininga siya. "S-Sana maging masaya kayo. Zares, pare.. u-una na ako." Nararamdaman ko sa boses niyang maiiyak na siya kasi medyo pumiyok ang boses niya kaya siguro tumalikod siya agad.

Pareho lang nilang sinasaktan ang sarili nila.

Nilingon ko si Nally. Nakatulala siya sa sahig. Kaya para mapukaw ko ang pagkatulala niya, pinisil ko ang kamay niya.

"H-Ha?"

"He's gone."

Ngumiti siya sakin pero alam Kong pilit lang yun. "Now, I feel relief." Aniya at naunang maglakad.

Hinabol ko naman siya. "Are you okay, Insan?"

"Of course!" Pagsisinungaling niya.

"No, you're not!"

Hinarap niya ako. "Zares, I'm really happy now knowing na.. s-safety siya."

Tumango nalang Ako. "Basta pag kailangan mo ng karamay, andito lang ako, okay?" Ngumiti ulit siya at tumango.

"Thank you, Insan. Hindi ko talaga alam ang gagawin pag wala ka."

"Always, Insan!"

Ini-refer na namin sa police station ang mga nadakip namin. Pero bago pa kami makaalis ng magtawanan silang lahat.

"Hahhaha! Makakalabas din kami dito, dahil ilalabas nila kami. At siguraduhin kong humanda kayo samin. Lalo na kay boss! Bwahahahha!" Nginisihan ko lang siya at umalis din.

Hindi ko alam pero inaantok ako. Parang gustong bumawi ng katawan ko ng tulog dahil siguro simula nung mawala si Ailee dalawang taon ng nakaraan, walang araw na nakakatulog ako ng maayos.

Hindi na ako tumuloy sa bahay o di kaya sa condo dahil sigurado naman akong hindi rin ako makatulog dun. Isa lang ang Lugar na nasa isip ko ngayon. Dahil minsan na akong nakatulog ng mahimbing dun.

Computer room..

Pinaharurot ko ang kotse patungong university at dali-daling pumasok at tinungo agad ang computer room. I badly want to sleep.

Sa ilang taong nagdaan, ngayon lang ulit ako gustong matulog ng mahimbing.

Pagkapasok ko sa computer room ay agad akong humiga sa pwesto ko noon at ipinikit ang mata.

Ilang minuto ang nakalipas pero gising padin ang diwa ko. Inis akong bumangon na nakapikit parin. Shit! My head is throbbing.

Napamulat ako nang may maisip. Hindi nga pala ito ang unang beses na nakatulog ako. Sa clinic, dun ko unang nakatulog ng mahimbing.

Parang tinambol ang puso ko sa sobrang lakas ng pintig dahil may isang taong lumitaw sa isip ko. Sa clinic, nandun siya at dito.. kasama ko siya nun dito na nakatulog din ako. D-Don't tell me. . .

Kusang kumilos ang katawan ko at hinanap ang taong posibleng naging dahilan ng pagkawala ng bangungot at paghimbing ng tulog ko. Confirmation is all I need. Yeah, that's it!

He's My Badass Guy | BADASS DUOLOGY #1Where stories live. Discover now