Chapter 8 - Male Lead

2.9K 125 16
                                    

TATLONG araw bago siya nakapunta ng ospital dahil sumama ang pakiramdam niya. Suka siya ng suka at nanghihina. Sinamahan na rin siya ng mommy niya magpa check up dahil sa pag-alala.

"I'll refer you to our OB, base sa symptoms I think you are pregnant." sabi ng doktor na kausap nila matapos ang magtanong tanong. Agad siyang namutla at tinignan ang ina. Nauunawaang hinawakan nito ang mga kamay niya.

Hawak niya ngayon ang pregnancy test na binigay sa kanya ng sekretarya ng OB na inirefer sa kanila. Habang pinagmamadan ang dalawang linya ay gusto niyang maiyak. What have you done Charlotte?! Kastigo niya sa original na kaluluwa sa katawan niya ngayon. Is it karma?

"Congratulations mommy, you are pregnant! Do you want to know kung ilang weeks na si baby?" nakangiting sabi ng doktor.

"Yes doc."

"Kita mo iyong parang circle? That's the embryo. Yang naririnig niyo naman is the heartbeat" umpisang pag eexplain ng doctor. Maya maya pa ay sinabi nito

"Congratulations! You are almost 17 weeks pregnant. Any questions?"

Tinignan niya ang mommy niya at nakita niya itong lumuluha habang pinapakinggan ang tibok ng bata. Maging siya ay naiiyak na rin. May matatawag na siyang lehitimong pamilya sa mundong ito. Hindi na siya nag-iisa. Bigla siyang nataohan ng may maalala.

"2 or 3 days after the intercourse, I tried to kill myself doc thru overdose ng medicine. Natumba ako and I don't know what happened after. Nagising na lang ako. Does that affect my baby doc?" pag aaalangan na siwalat niya. Narinig niyang napasinghap ang mommy niya marahil ay di alam ang nangyari. Pinisil nito ng malakas ang kamay niya.

"So far di pa natin malalaman kung naka apekto ba yun sa bata, better we will monitor it during the whole duration of your pregnancy okay? Do you want me to refer you to our resident psychologist?" the doctor said professionally.

"No need doc." agap na sagot niya.

"I'll give you the vitamins that you need to take and request for your laboratories. I'll see you after two weeks with the lab results. Take care mommy dahil dalawa na kayo ni baby diyan sa katawan mo." may mapag unawang saad nito saka nginitian sila ng doctor.

"Don't worry baby, andito kami ng dad mo okay? Excited na ako sa apo ko! " wika ng mommy niya. Kaya natatawang tumango siya.

"Thank you mom" saka niyakap ang ina.

Pauwi na sila when her mom ask her to wait at first dahil naiihi ito. While waiting iniisip niya kung sino ang ama ng dinadala, is it the goon that the original owner hired during the engagement banquet? Ano na gagawin niya? Ayaw niyang may koneksyon pa sa taong yun. Hindi naman siguro siya pipiliting ipakasal di ba? Alam niyang naiintindihan siya ng mga magulang at alam nito ang lahat ng mga pinag gagawa niya noon. Base sa pagmamahal ng mga ito, susuportahan siya ng mga ito ano man ang magiging desisyon niya. Noong araw kasi ng engagement party ng dalawang bida ay araw din ng pagkawala ng pagkabirhen niya. Hindi man niya maalala pero may pagdududa siya kung sino ang kasama nito ng gabing iyon. Hindi nga lang inilaborate ng author pero alam niya parang may mali. Nasa kalagitnaan siya ng pag-iisip ng may bumunggo sa kanya.

"What the..." bago pa man siya makapagsalita ay naunahan na siya ng nakabangga.

"Charlotte?! Ano na naman ba?! Sinusundan mo na naman ako? Kailan ka ba magtigil, di ka pa nahiya ginawa mo?!" bulyaw ng lalaking nakabunggo niya.

Matiim na tinitigan niya ang nakabangga, gwapo ito at matangkad. May pagka mestiso rin pero kita niyang namumula ito sa galit. May hinala siya kung sino ito base sa sinabi. Bigla niya itong tinalikoran at di pinansin. Walang sabi-sabi ay umalis at pupuntahan sana ang ina. Madalas sa kwento, minamalas ang mga kontrabida kapag andiyan ang mga bida. Di pa siya nakakalayo ng may humablot sa kanya.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now