Chapter 7 - Family Problem

2.8K 118 12
                                    

MALAKING problema ang meron sila. Hindi niya inakala na ang best friend niya at COO ng kompanya ang magtatraydor sa kanya. Dahil sa warning na sinabi ng anak, naging maingat siya. Pinamanmanan niya lahat ng tao na involved sa proyekto. Sa una lower level staffs muna, at ng makitang walang problema saka pa siya nagpaimbistiga sa mga opisyales ng kompanya. Huli na ng malaman niyang ang kanyang best friend pala ang traydor ng maipasa na ang bid.

At dahil best friend niya, nabanggit niyang nagpapamanman siya sa mga empleyado kaya binayaran nito ang imbestigador niya. Nakipag kutsaba pala ito sa mga Montreal na kalaban nila sa negosyo. Ang 10 billion project nila sa gobyerno kung saan nakapag invest na sila ng limang bilyon sa mga materials, labor at makinarya ay naglaho ng parang bula. Nakipag usap pa ito sa mga investors and shareholders at pinipilit na ibenta ang kompanya para man lang makabawi sa loss and damages.

"Nothing Charlotte" rinig niyang sagot ng misis niya sa anak nila.

"Tell her." mariing usal niya. Sa nakikita, may karapatan na malaman ng anak ang nangyayari sa kompanya. Base na rin sa obserbasyon niya nitong nakaraan, naging responsable at sensible na ang  dalaga and he hope it is for good. Di na rin ito humihingi ng pera, kahit binabaan niya sa limang libo kada araw ang allowance nito. Unlike before na umaabot sa 30 to 50 thousand ang allowance na kung minsan ay kulang pa para rito.

"Let it go" natigilan siya sa sagot ng anak. Nanghinayang siya sa narinig. Mukhang hindi pa nga ito nagmature. Hinilot niya ang kanyang sentido, kasalanan nilang mag-asawa dahil lumaki itong spoiled.

"No! Pinaghirapan yan ng mga magulang ng mommy mo" matigas na sagot niya. He can't. Pinangako niya sa mga yumaong byenan na aalagaan niya ang prinsesa ng mga ito. Hindi niya kayang makita na malungkot ang asawa dahil sa pagkawala ng pinaghirapan ng mga magulang.

"You can dad. Besides, pinapasakit lang niyan ang ulo niyo ni mommy. I don't want you to be stressed okay? Baka yun pa reason ng pagbagsak ng health niyo ni mommy and I don't want that to happen. May kompanya ka pa naman na isa na pinapatakbo di ba? Doon na lang tayo magfocus. Ang lifestyle lang natin ang magbabago. Not the usual lavish and extravagant style anymore. I can do that." sagot nito.

Natahimik sila mag asawa. Maybe just maybe naging sensible ito. Ang dalaga lang naman ang iniisip ng misis niya. Tinignan niya ang asawa saka sumagot
"Let us think."


BIGLANG lumambot si Charlotte ng marinig ang ama. She don't want to lose her loving parents. Stress and heartaches makes the body sick. Alam niyang mahirap para sa ama ang bitiwan ang kompanya ng yumao niyang lolo. Pero sa panahon ngayon, kailangan na nitong mag let go. Ayaw niyang umabot pa sa punto na umuntang pa ito sa bangko para ipagpatuloy ang operations ng kompanya at pinipilit na isalba. Yun kasi ang nangyari sa nobela ayon sa nabasa niya, nag hirap muna ang mga ito bago namatay. Sa pagkatalo sa bid, bumagsak ang kompanya. At dahil sa gustong isalba ng ama, nabaon ang mga ito sa utang dahilan para ibenta ng mga ito ang isa pang kompanya. Sa inisip bigla siyang kinilabotan. Mukhang matindi ang kapangyarihan at plot ng nobela pero hanggat sa maaari gusto niyang isalba ang parents niya. Besides, she is perfectly healthy and fine now. Yun ang mahalaga. Majority ng pagkabagsak ng kalusogan ng mga ito ay ang pagkawala ng nag iisa nitong anak.

"Fine, all I want is for you to be well and healthy. Pwede pa rin naman tayong makabawi sa susunod di ba?" aniya.

"No need to think, let it go hon. Maiintindihan nina daddy at mommy kung bakit nawala sa atin ang kompanya. Mas gustohin pa nilang mawala ito para sa ikabubuti ng ating pamilya." sagot ng ginang. Mariing tinignan sila ng ama bago napabuntong hininga.

"Fine. I'll sell the company. Hopefully isasama ng bagong may-ari ang mga empleyado sa kompanya." anito.

Napangiti siya ng marinig ang sagot at naglalambing na lumapit dito.

"Everything will be fine dad. Andito lang kami ni mommy sa likod mo. Group hug?" saka tinignan niya ang ina. Nangingiting lumapit ito sa kanilang mag-ama at sumali sa yakapan.

"Our baby has grown up" naiiyak na sabi ng mommy niya habang hinahaplos ang buhok niya. Bigla siyang nag blush sa narinig.

"Mom! I am no longer a baby!" maktol niya na ikinangiti ng daddy.

"You are still our baby." natatawang segunda ng ama. Napangiti siya dahil parang okay na ang mga magulang. She did an eye roll and said,

"Fine! I am your baby so you have to spoil me with your love more!" humagikgik siya at kiniss ang mga magulang. Nakita niyang natigilan ang ama at ang masayang atmosphere ay biglang naglaho.

"Will it be okay to you? We can no longer support your rich lifestyle. Although may allowance ka pa rin, pero not as much as before." anito kapagkuwan. Bigla siyang napa facepalm sa utak, oo nga pala. Ang tingin ng mga ito sa kanya ay gastos ng gastos. Lahat branded ang mga damit, sapatos at bags. Pati accessories and jewelries ay nagkakahalaga ng milyon bawat isa sa laki at dami ng mga bato.

"Nakalimotan niyo ata dad, kahit di niyo ako bigyan ng pera ay magkakapera at magkakapera pa rin ako. In the future ang pera mismo ang lalapit sa akin. Maghintay ka lang." pagmamayabang niya saka sinabayan ng halakhak ang sagot at pinapagaan ang mga ito. Nakita niyang tumahimik ito at animo'y parang may inaalala saka ito ngumiti.

"I forgot that our baby is a businesswoman now."

"What are you two talking about?" nalilitong singit ng ina niya.

"It is a secret. Just wait hon, maybe next year and the following year mauungosan tayo sa yaman ng batang yan." nangingiting bulas ng ama niya at marahil nakikita ang business prospects na binanggit niya nung nakaraan.

Makikipag-asaran pa sana siya ng biglang may nag-iba sa sikmura niya at bigla siya naduwal. Maya-maya tumakbo siya sa kalapit na sink at nagsusuka.

"Are you okay baby?" nag-alalang hinahaplos ng mommy ang likod niya.  Yung dad naman naman niya ay matiim na nakatitig sa kanila.

"I'm fine mom. May nakain lang siguro ako" sagot niya pagkatapos magmugmog. Gusto  niyang pumanhik na sa kwarto dahik di siya mapakali. Parang may mali. Deep inside alam niyang hindi sira ang kinain niya kanina, saka naalalang tatlong buwan na siyang di nadadatnan. Akala niya irregular lang talaga ang orihinal na Charlotte kaya pinagsawalang bahala niya.

"I have to go to my room mom and dad, sumama po ata pakiramdam ko. " nauunawaang tumango ang mommy niya saka umalis.

Pagkarating sa silid dali-dali niyang tinignan ang kalendaryo. Bibilangin niya sana kung kailan huling regla ng katawan ngunit wala siyang nakitang palatandaan kung nag mononitor ba ito. Tinignan niya ang apps sa cellphone niya at ganoon din. Napagdesisyonan niyang pumunta na lamang sa ospital dahil ayaw niyang madaming iniisip. Gusto niya eh confirm na irregular talaga siya at hindi buntis gaya ng unang inakala. Tinignan niya ang sarili sa salamin, walang bahid na lumaki ito o kung ano pa man. Gaya ng dati, sexy pa rin siya. Pagpapagaan niya sa sarili niya. Ayaw niyang makadagdag sa alalahanin ng mga magulang.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now