Chapter 4 - Claddey

3.1K 144 5
                                    

MAAGA silang nagising ng kabiyak niya ng araw na iyon. Dahil sa issue na kinasasangkutan ng anak, pareho silang hindi  makatulog. Kailangan pa nilang linisin ang epektong dulot nito.

"Good morning dad" bati  agad nito sa kanya saka humalik sa pisngi. Medyo natigilan siya sa akto nito. Mula kasi ng magka edad ito, hindi na ganoon ka sweet ang dalaga sa kanila.

"Wala akong perang maibibigay sa iyo Charlotte." sabi agad niya at nakita niyang natigil ito. Marahil tama siya, naging sweet ito dahil may kailangan. 

"I don't need it dad. Gusto ko lang po ipagpaalam na may darating akong kaibigan  mamaya." paalam nito habang nagsasandok ng pagkain.

Nagkatinginan silang mag-asawa.

"Sinong kaibigan?" tanong ng kabiyak.

"Si Claddey, oh! You might not know her. Hindi siya kagaya ng mga ibang kaibigan kong plastic."

Natigilan silang mag-asawa. Kung ganoon, alam nitong plastic lang ang mga walang kwentang kaibigan nito?

"How did you know that they are plastic? Did they do something to you?!" medyo tumaas na wika ng asawa niya. Kilala nila ang circle of friends ng anak. Pinaiimbistigahan nila ang mga taong nakapaligid rito. Puro mga second generation rich kids na walang inatupag kundi ang mag lakwatsa. Ang iba naman, ginagamit ang anak niya para sa koneksyon at maiangat ang sarili sa lipunan. 

"Hindi naman po. Out of all my friends, si Claddey lang po ang nangumusta." tumatango tango siya sa sagot ng anak.

 Tinignan niya uli ang asawa niya, parang ang lalim ng iniisip nito.  Kung may maganda man sigurong naidulot ang nangyari, yun ay alam na nito kung paano pumili ng kaibigan.

"Dad, kumusta ang kompanya?" narinig niyang tanong nito sa kanya. Nagulat man, ay hindi niya pinahalata. Never pa kasi itong nangumusta o nagbanggit ng kung ano patungkol sa kompanya nila.

"Mabuti naman." sagot niya at iinoobserbahan ang dalaga. 

"Wala bang naging problema?" tanong ulit nito na parang wala lang at patuloy na kumakain.

"Wala naman. Bakit naging interesado ka? Balak mo na bang magseryoso at willing na matuto sa operations at eh manage ang kompanya?"

"Nope. Still the same. I'm not interested. Pero based on the books I've read, ang ganito na tahimik at walang problema ay may nagbabadyang bagyo pala. Observe those people who are close to you dad. Wag ka basta basta magtitiwala lalo na pag patungkol sa bid."

"How did you know that there is an upcoming bid with the government?" gulat na tanong niya. Sigurado siyang walang alam ang anak sa negosyo nila. Ang family company ng asawa niya ay nasa real estate at kadalasan contactor sa mga government projects ng bansa. Dahil nag-iisang anak din ang wife niya, namana nito ang negosyo na itinayo ng mga magulang nito.

"Wala lang, feel ko lang." kibit balikat na sagot nito sa kanya.

 Dahil ito ang unang beses na interesado ang anak, mas minabuti niyang sumunod sa payo nito.


"Papunta na ako Charlotte."  text sa kanya ni Claddey ng mga oras na iyon. Kasalukuyan siyang nasa garden matapos maglibot sa villa nila.

"Ingat, papabili nag rin ako fries at spaghetti sa Jollibee . Salamat." sagot niya. Namimiss na niya kasi ang pagkaing yun. Bago kasi ang conference niya, nasa bundok siya ng isang buwan upang maghanap at pag-aralan ang mga bagong species ng halaman. Pagkababa niya galing bundok ay dumeretso na kaagad siya sa airport. Kaya ng dumating siya hotel, bagsak kaagad katawan niya at nakatulog.

A few hours later...

NAG-aalalang tinawagan niya si Claddey ng mga oras na iyon. Mag aalas dose na kasi at wala  pa rin ito. Mabilis lang naman kung mag drive thru sa Jollibee, besides kaninang alas nwebe pa siya nag text

"Charlotte! I'm sorry." naiiyak na boses ang bumungad kaagad sa kanya.

"Bakit? What happened?" 

"Hindi ko mahanap ang restaurant na sinasabi mo. Sinearch ko na sa internet, wala talaga." halos maibuga niya ang iniinom na juice sa nabasa. Walang Jollibee????!!! saka dali-dali niyang binuksan ang search engine sa phone. Wala siyang mahanap na Jollibee, Mcdo, KFC o anomang fastfood na sikat sa mundo niya.

Dali-dali niyang tinignan ang location, oo at nasa Pilipinas pa rin siya. Nadiskubre na ang internet at medyo advance na rin in terms sa technology. Napansin niya ang search engine sa phone niya, instead of google, McSearch ang nakalagay.

"Hello? Charlotte? Andiyan ka pa ba?" narinig niyang tanong ni Claddey.

"Oo, di bale. Pumunta ka na dito." sagot niya saka pinatay ang tawag. Akala niya na kagaya ng mundo niya ang lahat sa mundo ngayon. Hindi pala. May pagkakaiba rin. Tinignan niya kung may youtube or any platform na pwedeng tumingin ng video sa internent. Laking pagkadismaya niya ng wala siya mahanap. Paano na lang ang susunod na araw niya? Ano ang gagawin niya?


"Miss, may naghahanap po sa inyo" wika ng katulong.

"Sige, papuntahin mo dito." sabi niya at inayos ang sarili. Hinanda na niya ang sarili at nagpractice para sa acting niya. Nang marinig ang mga yabag na papalapit sa kanya, medyo nagslow motion siyang umikot at pinilit ang mga matang lumuha.

"Claddeyyyyy!! Buti na lang may nag-iisa akong kaibigan na kagaya mo." maluha luhang sambit niya. Nakita niya itong natigilan at hinawakan maigi ang mga itlog na dala nito.

"Charlotte, teka! Ano ba ang nangyayari sa iyo?" sabi nito at pinilit na inalis ang kamay nitong hawak niya.

"Para saan ba iyang itlog?" tanong niya na ikinakamot ng ulo nito.

"Wala kasi akong maisip na pwedeng dalhin sa inyo. Eh itlog lang meron kami, fresh yan. Kakakuha ko lang niyan sa manokan namin." sagot agad nito. Sinenyasan niya ang katulong na nasa di kalayoan at pinakuha ang itlog na hawak.

"Thank you." touched na sabi niya. Ang galing ko talagang pumili ng kaibigan! Iniisip kalusogan ko. Health is wealth.

"Teka, ano ba ang nangyayari sa iyo? nabalitaan ko ang nangyari ah, sa inyo ni Matthew" sa tanong nito, bigla niyang iniayos ang sarili at nag drama.

"Claddeyyyyy, may sekretong malupit akong aaminin sa iyo" wika niya.

"Ano?" medyo kinakabahang tanong nito.

"Promise mo muna sa akin na sa atin lang at walang makakaalam." paninigurado muna niya.

"Promise." pangako nito saka lang niya intinindi ang iyak niya.

"Claddey, may amnesia ako!" mangiyak iyak na pag amin niya na naging dahilan kung bakit nakatikim siya ng batok mula rito.

"Seryoso Charlotte, okay ka lang ba? Kahit mabaliw ka, kaibigan pa rin kita." naaawang tingin nito sa kanya na ikinalito niya. Bakit ito naaawa?!

"Seryoso ako Claddey, may selective amnesia ako. Dahil sa sakit na idinulot sa akin ni Matthew, nagtangka ako magpakamatay. Nagpaka overdoze ako ng gamot, kaso ako ay nabuhay. Kailangan ko ng tulong mo, I don't know my friends anymore. Ikaw lang ang natatanging nangumusta sa akin kaya alam kong mapagkakatiwalaan ka." mabilis na paliwanag niya.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now