Chapter 2: Changes

3.6K 161 6
                                    

NANG makita ang halos maiyak iyak na anak, bumuntong hininga si Mr. Mc Gregor. Kasalanan niya at ng asawa niya kung bakit nagkakaganoon ang dalaga. Dahil unica hija, binibigay nila ang lahat ng kagustohan nito mapa resonable man o hindi. Huli na ng marealize nilang mag asawa ang pagkakamali at hirap na silang mai-ayos ito dahil malaki na ang anak.

"I'm sorry Dad" yun lang ang naiusal ng dalaga.

"Look Charlotte, you are only 24. Marami pa ang mga lalaki diyan para sa iyo. Kahit sino pa yan, mayaman man o mahirap wala kaming pakialam ng mommy mo. Ang sa amin lang, mabuhay ka ng masaya kasama ang mga mahal mo. Hayaan mo na si Matthew Montreal anak, engage na yung tao at may mahal ng iba." malumanay na saad niya sa anak kahit ilang beses na niya itong pinagsasabihan.

"Okay, Dad." sagot nito. Nakita niya ang misis na kakapasok lang sa kanyang study. Marahil ay nakikinig lang ito sa labas.

"Sa bahay ka muna sa ngayon. Next time magbakasyon ka malay mo.... ano?" naputol ang sinasabi niya ng mag sink in sa utak niya ang sagot nito.  Kung sasabihing nagulat ang misis niya sa sagot ng anak, ay mas lalo na siya na laging naglilinis sa pinag gagawa nito simula ng mahulog ang loob sa anak ng mga Montreal.

"Di ko na po gugulohin ang mag nobyong iyon. Dito lang po ako sa bahay sa susunod na mga araw at hindi lalabas ng walang pirmiso niyo po ni mommy."

"Good, but... I will still cut off your allowances and cards" kilala niya ang anak niya. Araw-araw nasa labas ito at laging nag sho-shopping kasama ang mga good for nothing friends nito. Maybe because she has money that she can hire those thugs. Kahit mukhang seryoso ito sa sinabi, mas mabuti ng makasigurado lalo na at mainit pa ang mata ng mga tao dahil sa ginawa. Bawal muna itong lumabas hanggat hindi pa niya naayos ang gulong ginawa nito.

"Okay"

"Makakaalis ka na" nang wala na siyang masabi ay pinaalis na niya ang anak. Mag uusap pa sila ng asawa niya. 

"Thanks dad" sweet na sagot nito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. Nang lumingon ito sa likod ay nakita nito ang mommy nito saka hinalikan rin sa pisngi bago tuloyang umalis.


NANG masiguradong nakalabas na ang anak nila, lumapit si Mrs. Mc Gregor sa asawa.

"I heard the maids, yung katulong na inutosan mong papuntahin si Charlotte ay naabotan kong nakikipag chismis sa mga kasamahan niya. Isa raw napakalaking himala na maayos ang pakikitungo nito sa kaniya. Nag "Thank you" pa nga raw ika mo sa kanya, na parehas nating alam na di nito ginagawa. Do you think she has a change of heart?" seryosong tanong niya sa esposo. Sa naoobserba niya kasi, napaka behave at docile nito ngayong araw. Baka may himala at reflection na nangyari kagabi at naisipan ng anak nila ang maging mabait.

"I don't think so. Baka nagbago lang yan para mapansin ni Matthew, dun maniniwala pa ako" siguradong sagot ng asawa sa kanya. Hindi niya rin kasi masisisi ito, kung ibabase sa mga past actions ng dalaga, talagang gagawin nito ang lahat para mapa sa kanya si Matthew.

"But she look serious sa sinabi niya" gusto niya pa rin paniwalaan ang anak niya. Any positive change is good enough para sa kanila. Ina siya, gusto niya ang kabutihan para sa anak nila. Base sa ugali ng anak, baka mas marami pa itong nagagawang kaaway kesa kaibigan.

"Huwag ka muna umalis ng bahay, obserbahan muna natin. Baka acting lang niya yan para makalabas. Kilala natin ang anak natin, she can be a bitch if she wanted to." nang marinig ang sinabi ng esposo, nakita niya sa mga mata nito ang pag-asa na mag babago din ang anak nila. Kahit maling salita ang gamit nito, alam niyang mahal na mahal nito ang anak. Papasaan pa ba ang pinagpagoran nito, kundi para sa anak lang din nila.

"Huwag kang magsalita ng ganyan, anak natin yan. Sasamahan ko siya sa susunod na mga araw. She might be too broken and too much in love kaya nagkakaganyan yan." pakonswelo niya.

"Let's see." anito.


ANG maliit na dialogue ng mag-asawa ay hindi na narinig ni Charlotte. Gusto niyang mag madaling makapunta sa kwarto kung saan yun lang ang natatanging safe haven niya. Buti na lang at matalas ang memorya niya, kaya alam niya ang daan pabalik sa kwarto kung saan naganap ang lahat.

Habang naglalakad, napasin niyang ilag na ilag sa kanya ang nakakasalubong mga katulong. Kahit ningingitian niya ang mga ito, nakayuko pa rin at halatang binabawasan ang mga presensya nila sa harap niya. Ano ba ang meron siya at parang takot ang mga ito sa kanya?

Hindi na niya pinansin ang mga ito, bagkus ay masayang nagpatuloy siya sa kanyang kwarto. Bakit siya masaya? Dahil excited siyang matulog. Bigla niya kasi naisipan na babalik din siya sa orihinal niyang mundo. Kung gagayahin lang niya on how she got here, maybe there is a chance. Sa naalala niya, natulog lang siya sa hotel room at nagising siyang nasa ibang lugar na. Kung susumahin, matutulog lang siya uli at viola! Nasa hotel na ulit siya.


HALOS mangiyak ngiyak si Charlotte ng magising. Nalaman niya kasi na hindi siya nakabalik sa mundo niya. Pero dahil pinalaki siyang positibo ng mga magulang niya, pinilit niya ang sarili para bumangon at ayosin ang sarili.

Inobserbahan niya ang kanyang paligid at doon niya nakita ang mga bote ng gamot sa tabi ng kama. Sa naalala niya, namatay nga ang orihinal na Charlotte Mc Gregor dahil sa overdoze. Nakita niyang halos wala ng laman ang bote kaya na conclude niya nainom lahat iyon ng babae. In short, patay na ang original na kaluluwa sa katawan niya!

Sa hindi malamang dahilan, ang kaluluwa niya ang pumalit sa katawan. Inisip niya kung ano ang nangyari sa kanya sa kanyang mundo, kung ano din nangyari sa kawatawan niya. Nagpalit ba sila ng kaluluwa? Or inatake din siya habang natutulog ng di niya alam? At dahil sa awa ng Diyos ay inilipat siya sa katawan na ito?

Kinuha niya ang cellphone na nasa sofa. Gaya ng iniaasahan, bumukas ito gamit ang kanyang finger print. Nakita niya na mag aalas otso na rin ng gabi. Wala siyang balak kumain ng haponan dahil wala siyang gana. Di bale, iisipin naman ng mga tao sa bahay na nagmukmok pa siya dahil sa engagement na nangyari sa kunway mahal niya.

Nakita rin niya ang mga nakakahiyang texts at tawag na ginawa nito sa nag-ngangalang Matthew at may heart emoji pa. Sigurado siyang si Matthew Montreal iyon. Ang second greneration rich kid na papalit sa ama nito bilang may-ari ng Montreal Real Estate and Hotels Corporation. Siya din ang bidang lalaki sa kwento. Binura niya ang lahat ng text messages niya na hindi naman nirereplyan ng lalaki, pati na rin ang numero nito. Dapat siya ay lumayo sa mga bida.

Ang mga kontrabidang kagaya niya ay namamatay ng maaga pag  lumalapit sa mga bida. Madalas ganoon ang mga kwento. It is better to be safe than sorry.


Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now