Chapter 34 - Great Grandson

2.3K 117 34
                                    

Charlotte was stupefied wondering how the old man in front of her know her name. She had a quick review on her memories, hindi pamilyar sa kanya ang matanda.

Indeed, she knows a lot of Chinese oldies ang mga patriarch ng mga so called kaibigan niya pag nagpupunta ang dating "Charlotte" sa mga family parties ng mga ito.

But not the old man in front of her! He even seems to know her! Nakakahiya naman at hindi niya nakilala o pamilyar man lang ang mukha nito.

"uhhmmm.. Charlotte?" tanong niya, malay niyo naman iba pala ang apelyedo na tinutukou nito.

"Charlotte McGregor, it is you isn't it?"

Nag-aalangang tumango siya. Magtatanong na sana siya kung ano ang kailangan nito sa kanya ng bumukas ang elevator at may isang naka men in black na pamilyar sa kanya ang nakaharang sa labas.

Damn Damien! Ano ako preso?

" Good day Ms. Charlotte, pwede niyo na daw po mabisita ang anak niyo ni sir Damien ngayon." bungad nito sa kanya.

"Damien?" paano naging pwede eh ang alam niya bawal at wala pa sa visiting hours ang oras ngayon. Madyado pang maaga.

"Sir called, and the hospital made exemptions for you"

Charlotte rolled her eyes, talk about money. Damn Damien! For using his connection and money just now! Edi sana mas mahaba pa sana ang oras na kapiling ang anak dati. But still she can't help it and get excited. Lagi yun ang nararamdaman niya sa tuwing magkikita sila ng anak niya.

She seems she can't get enough of her child who is oozing with cuteness! A typical tsinito na halos everyday ay nagkakaroon ng changes sa growth nito. From makulubot to hindi.

"Tara, samahan mo ako"

"Wait, anak? You have a child with Damien?" ang matandang boses ang narinig nila mula sa likoran niya.

"Seems so, sabi ni Damien sa kanya daw eh" kibit balikat na sagot niya. Totoo naman talaga, kahit na malakas ang ebedensya na siya nga ang ama gusto pa rin niyang magpa DNA ang dalawa para sigurado at malinis ang konsensya niya.

"Wait, do you know Damien?" takang tanong niya. Kung ganoon lahat ng katanongan niya kanina pa ay may sagot niya. She has been waiting for this moment, dahil dadating talaga ang araw a kakausapin siya ng pamilya niya.

"I am Damien's grandfather. I assume you are his woman?"

Charlotte was shocked dahil ang kaharap pala niya ay ang Montreal patriarch at tinitingalaang tao sa bansa. She knows, dahil sa nobela ang lolo ng bidang lalaki ay sikat kapanahonan nito at ito ang nag-angat ng kanilang kompanya at nakarating  kung saan man ito ngayon. Kumbaga nasa tuktok na ito ng pyramid.

"Not sure if I am his woman yet. Since nandito na po kayo, gusto ko pa sana ipa DNA yung baby. Damien won't allow it, dahil he sure as heck that is his. Pero gusto ko pong mapanatag. I believe that you have the power to do that." aniya saka palihim na tinitigan ang katabing bodyguard. Talgang pinapahiwatag niya sa titig niya na bawal itong sinabi niya na makaabot kay Damien.

"Speaking of baby, can I see the child?"

"Sure." aniya saka giniya kung saan naka incubate ang anak niya. Sinundan naman sila ng tatlong naka men in black. Same uniform, same gadgets and same black sunglasses. Mukhag ang dalawa pa ay kasama ng lolo Damien.

 Agad naman silang inasikaso ng head nurse mismo base sa suot nitong nameplate. Charlotte wanted to roll her eyes. Damn Damien and his power! Nainis siya, pwede naman pala nitong gamitin ang pera at koneksyon  sa ospital para anytime niyang mabisita ang anak niya bakit di pa nito ginawa noong nakaraan!

A goody to shoes! Akala niya sumusunod lang ito sa rules and regulations ng ospital iyon pala ay pwede nitong baliin iyon. Plastic!

Binigyan sila ng cap, scrubsuits, facemasks, masking sa ulo at paa ay balot sila. Mariin naman niyang sinuot ang mga ito, it is for her baby anyway. Ayaw niyang siya mismo magdala ng mga infectious bacteria and viruses mula sa labas dito sa loob. Her child's immune system is still weak.

Nang makarating ay may nakapasak pa rin dito, sa tuwing nakikita niya ang anak niya ay di niya maiwasang maawa.

"How is he?" tanong ng matanda sa tabi niya.

"Kulang pa sa nutrients, mahina pa ang baga at di ko na alam kung ano pa dahilayaw sabihin ni Damien. Bawal daw sa akin mag-isip dahil kakapanganak ko pa lang. Silly him, I am the mother mag-iisip at mag-iisip pa rin ako.  Lumabas siya ng prematured. Both the baby and I were in danger, buti na lang dumating si Damien. He saved both of us. The good thing is, all his limbs were already developed ad complete." kwento niya. 

Hindi na niya ini elaborate ang buong detalye kung bakit maaga siya napaanak. The woman who caused all of this, ay mukhang naghihirap na base sa kanyang nakita.

Tahimik lang ito at waring pinagmamasdan ang baby sa harap nila. HIndi maipagkakailang may lahi itong Chinese dahil sa singkit nito mga mata. Every day ay may chnages, nagkalaman laman na rin anak niya kumpara sa una niya itong nakita.

"I agree with the DNA testing but not now. Pero kahit hindi na,  I believe that this child is my great grandson! Can I have his picture?"

"Sure, ibibigay ko po mamaya. Bawal po kasing kumuha ng litrato dito sa loob"

She have many pictures sa gallery ng phone niya, pero lahat ng iyon ay may glasswall na naka seperate sa anak niya.  I don't know the reasons kung bakit bawal.

Tinignan niya ang matandang katabi, napatawa siya base sa mata nito. His twinkling eyes that screams from eagerness is so easy to see.


Nang makalabas sila ay dumeretso sila sa kwartong inuokupa niya. Out of place kasi para isang prominenteng tao ang umupo sa lobby at magpi picture sharing. Besides, her room are full of  healthy food in all varieties, from fruits to snacks. May maibibigay siya sa bisita niya.

Bisita niya, dahil siya naman talaga ang sadya ng matanda at hindi si Damien.

"Bakit nga po pala kayo pumunta dito?" takang tanong niya habang paakyat sa taas.

"Call me lolo Damon iha."

"Lolo Damon, why are you here?"

"I had Damien followed nang hindi na ito nagpapakita sa estate maging sa kumpanya nito. Tada! what a pleasant surprise! He finally had the guts to have a woman!"

Charlotte just grinned, ayaw niya munang kontrahin dahil so far lahat ng evidences ay si Damien ang tinuturong ama ng anak niya. But she still need the paternity test para lubos na siyang mapanatag.

Ang mga bantay sa labas ng kwarto niya ang nabungaran nila pagkabukas ng elevator. Akala niya susundan sila ng mga ito at pagbuksan ng pinto na lagi nitong ginagawa. Ngunit nanatili ang mga ito sa pwesto.

Naiiling siyang naglalakad saka binuksan ang pinto. Nakita niya si Damien na naka de kwatrong nakaupo with his crossed arms and stern looks right in front of her!

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now