Chapter 15 - So Called Date

2.8K 135 9
                                    

HINDI mabitaw bitawan ni Charlotte ang card na hawak niya. Alam niyang di ito basta basta dahil may bar code at chip na nakalagay gaya ng nakikita niya sa debit at credit card.

She got curious kung ano ang use nito kaya sinearch niya sa internet ngunit wala lumabas.

"That man likes you Charlotte" tumaas ang kilay niya sa sinabi ng kaibigang si Claddey.

"Huh?"

"Ayaw niya pasingit sa usapan niyo, at buong oras ay sa iyo lang nakatitig si Mr. Damien" susog ulit nito.

"Baka nakalimotan mong buntis ako? Kung matino siya di niya ako papatolan"

"Mali, kung matino siya ay papatolan ka niya."

"Ha?" mas lalo siyang nalito sa turan ng kaibigan.

"Look at you, maganda ka at may pinag aralan. Hindi pa man halata, pero may motherhood aura ka na" sabi nito.

"Asus maniwala ka, you know my history and that I am a Queen bitch" proud na sabi niya.  Napapailing na lang ang kaibigan sa kanya.

Imposible naman kasi. Besides, disgrasyada na siya. Tanggap na niya, it is a consequence of her actions.

Ang kailangan pagtuonan na lang niya ay magiging anak niya. Hindi niya kailangan ng lalaki sa buhay
niya.



LAKAD takbo ang ginawa niya pagkatapos maipark ang sasakyan. Kahit ganun pa man, sinigurado niyang nag-iingat siya para sa baby niya.

She received a text message from Mr. Damien Montreal for a dinner meeting tonight.

Kahapon niya natanggap ang text ilang minuto pagkatapos umalis ang mga ito.

Chineck niya ulit ang oras at lugar, it is a French Restaurant na sikat sa bansa. Ten minutes late na siya dahil na traffic pa siya sa daan.

Pagkapasok niya, she told the staff na may reservation si Mr. Damien pagkatapos ay iginiya siya nito sa table.

Nakita niya ang lalaki na panay tingin sa wristwatch nito. Tuloy ay naguilty siya.

May isang paper bag din sa tabi nito pero di na niya pinansin dahil  napansin na siya nito and look and him again.

Wala naman sa itsura nito ang nainis dahil late siya, instead bakas dito ang pagpasensya at pag alala.

"I apologise for being late Mr. Montreal, traffic." sabi niya saka umupo sa tapat nito.

"It is alright and call me Damien" tumango siya bilang pag sang-ayon.

"I hope you won't mind, umorder na ako sa ating dalawa." anito.

"Nope, actually nagugutom na nga ako." pagkasabi niya at tinawag agad nito ang waiter at sinabing eh serve na ang order nito.

"Let us continue our talk yesterday, gusto ko ng gawing 20 branches ang kukunin. I will put 10 here in Luzon and 5 braches each in Visayas and Mindanao. May lawyer ka na ba draw up a contract? "

"I will ask my father for the lawyer. Bukod sa franchise fee, I will take 5% annually for the royalty. Okay lang ba?" napag isipan na niya ito kagabi.

Binilang niya ang mga products na may royalty siya. Fastfood, drive thru building, at heated table/kitchen na desinyo para sa loob.

Kagabi pa siya na excite sa pagbibilang, dahil milyon milyon matatanggap niya.

Naging instant millionaire siya without her parents money.

Sarili niyang kita ang lahat. Pwede na siya hindi magtabaho dahil kusang papasok ang pera sa kanya gaya ng pinapangarap niya.

Naputol ang pagmuni muni niya ng dumating ang pagkain. As they were eating, napansin niyang panay titig sa kanya ang lalaki na kinailang niya.

"Why are you staring?" tanong niya ng di makatiis.

"I want to imprint this memory with you. You look beautiful while you are eating by the way" madamdaming sagot nito. Bigla siyang napaubo sa narinig.

Alam niyang maganda siya, pero oag sinabihan ka ng isang gwapong nilalang ng harap harapan ay iba ang pakiramdam. Bigla siyang pinamulahan.

Doon niya napansin ang nag vaviolin sa likod ng table nila at bulaklak na parte ng aesthetic design ng mesa. Kung sa mata ng ibang tao, para silang nag dedate dalawa.

"Silly, alam kong maganda ako." sabi niya para mawala ang awkwardness habang tinanggap ang tubig na binigay nito. She saw him smile.

Dug. dub. dug. dub. Dug. Dub

Napahawak siya sa puso niya, bigla kasing lumakas ang tibok nito. Sheeeet, I think na love at first sight ako.

Sa namumulang mukha she changed the topic.

"Your card is unique, mukhang may ibang usage pa ito. I want to give it back." aniya saka kinuha ang black card sa back.

"Once I give it, then it's all yours" cold na pagkakasabi nito. Nawala ang ngiti dito kaya kinabahan siya.

"Eh kasi parang may ibang usage pa dito. May barcode at chips. Tingin pa lang, mukhang mahalaga na" pagrarason niya.

"You can use it when you visit my company. Eh swipe mo elevator, yang ganyang card na yan ang bukod tanging makapunta sa top three floors. Alam mo ba ang history ng company namin?" umiling siya.

Gusto niya mismo marinig dito ang kwento ng DM Group. It is an honor, sa dami ba naman gusto makipagkilala sa kanya.

"Well, we are focus on the information technology industry. Ngayon ay nasa robotics ang aming pinagkaka abalahan. The top three floors of the building ay reserved for our IT experts. Only thirty individuals lang ang nandoon whom each of them has an access no more no less"

Namangha siya sa narinig. Bigla niyang naalala ang youtube platform ng mundo niya ng malaman na IT business sila.

Maganda sana kung may youtube, para habang nasa bahay ay nag yoyoutube lang siya.

"Nasa IT industry kayo? Pwede ba kayo gumawa ng online platform? Hehe. Iyong pwede maka upload ng videos ang mga may account and everyone can watch." ungot niya. Malay niyo naman, baka pagbigyan siya.

"What benefit can we get?" tanong nito.

"Ads dun kayo kikita. You can share the profit to the uploader na may millions of views and subscribers. O kaya pwede kayo gumawa premium accounts sa mga gusto kumita, magpabayad kayo." sulsol pa niya.
Para namang napaisip ito.

"What benefit will you get ng sabihin mo sa akin yan?" he ask at hinihintay ang sagot niya.

Napatda siya sa tanong nito. Hindi niya kasi inaasahan.

"Well, I can find my leisure time watching the videos. Besides, nasa bahay lang ako boring ng walang ginagawa. Ayoko naman magtrabaho."

Honesty is the best policy ika nga. She heard him chuckle.

"Alright"

Marami pa silang pinag-usapan ng kung ano-ano. Nang ma conclude na ang business dinner ay binigay nito ang paper bag sa kanya.

"I hope you like it, meeting gift ko sa iyo." mariing saad nito. Gustohin man niyang tumanggi pero nakita niya ang font ng hermes sa paper bag.

Bigla na excite ang katawan niya. Siguro innate na dito ang hilig sa luxury items. Walang hiya hiya at tinanggap niya ang bigay nito.

She opened it and saw a beautiful bag. It is the latest hermes kelly bag. Sa pagkakaalam niya wala pa ang ganito sa Pilipinas, tanging sa Paris lang mabibili.

As she was busy scrutinising the bag, di niya napansin na may mga tao na palang nakalapit sa kanila.

"What a surprise seeing both of you here, magkakilala pala kayo?" tuya ng isang lalaki na nakatayo sa kanilang tabi.

She looked at Damien, bumalik ito sa pagiging poker face at di pinansin ang mga bagong dating.

Ganoon din sana ang gagawin niya, ang huwag pansinin ang mga asungot kaso narindi siya ng marinig ang boses ng dating kaibigan.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessDonde viven las historias. Descúbrelo ahora