Chapter 3 - Goal

3.4K 152 3
                                    

Kung hahayaan niya ang author ng kwento at gagayahin ang ginawa ng kontrabida na magpaka overdoze, walang guarantee na makakabalik pa siya sa kanyang katawan doon sa mundo niya. Hindi din niya alam kung ano nangyari sa kanya habang tulog. Inatake ba siya? or ewan. 

Nagpalit ba kami ng kaluluwa? biglang pumasok sa isip niya. Pero sigurado siyang wala na ang orihinal na kaluluwa sa katawan niya ngayon, nagkakalahati kasi ang nawala na laman sa bote na nakita niya. Di ba pag namatay, napupunta ang kaluluwa either sa heaven or hell?  Pero dahil binigyan siya ng Panginoon na mabuhay uli sa katawan ng kontrabida, gagawin niya ang lahat para mamuhay ng matiwasay.

Nang makapag desisyon, kinuha niya ang maliit na notepad at ballpen na nakita niya sa paghahalungkat ng bag kanina. Kailangan niyang eh organisa ang lahat.

Must:

1. Keep away from the male lead.

2. Keep away from the female lead.

3. Live happily and worry free.

Things to do:

1. Familiarize the surroundings and place.

2. Familiarize my so called "family".

3. Know those people who are "fakes"

4. Save money.

Una, kailangan niya eh familiarize ang sarili sa lugar. Lalo na sa bahay na tinitirhan niya. Ang isiping naliligaw siya sa sariling bahay ay..... hindi ko kayang isipin. Ang bobo ko naman kung ganoon?

Pangalawa, kailangan niyang alamin ang mga taong nasa paligid niya. Mahirap ng may magdududa sa kanya. Kahit may tinatawag siyang mga magulang, pamilya pa rin iyon ng orihinal at hindi sa kanya. Besides, hindi niya pa alam kung ano ang ugali at pakikitungo nito sa kanya. Ang nangyari sa study kanina ay sobrang bilis, kaya hindi siya nagkaroon ng oras para mag obserba.

Yung pangatlo na nasa list niya, alam niyang may maraming fake na kaibigan ang kontrabida. Base sa binasa niya, isa sa mga fake friends nito ang nagsumbong sa supporting male lead kaya nag backfire sa kontrabida ang plano. Ang kontrabida lang din ang nagbabayad sa mga kinakain at gala kasama ang tinatawag na kaibigan.

As for the fourth list, she needed money to back her up. Sakaling hindi naaayon sa gusto niya ang kwento, may pera pa siya para mabuhay ng matiwasay sa malayo. Besides, may nabasa siya sa epilogue ng nobela na bumagsak ang kompanya nilang magpamilya. Simula kasi nang mawala ang anak, nawalan ng motibasyon ang mag asawang Mc Gregor.  Bumagsak ang kalusogan ng mga ito hanggang sa magkaroon ng malalang sakit. Dagdagan pa na nagkaroon ng sabotahe sa kompanya nila. 


NANG mai-ayos ang lahat, tinignan niya ulit ang cellphone. Nakita niya ang group of friends na panay ang text kanya na mag shopping daw ulit sila. Kesyo may bagong labas daw ng ganitong brand blah blah. Inilista niya lahat ang pangalan na nag text sa kanya ng ganoon, para alam na niya kung sino ang iiwasan sa susunod. Pero sa lahat ng friends, may nag iisang kaibigan ang nangumusta sa kanya. Sa naalala niya sa kwento, kinaibigan ng kontrabida si Claddey para taga bit-bit ng mga pinamili niya sa tuwing nag shoshopping. Hindi niya lubos akalain na ito pa ang taong mag aalala sa kanya.

"Hi Claddey, I am alright." ani niya.

"Okay ka lang ba talaga?" paninigurado agad nito, which is normal lalo na at alam ng lahat ng tao ang nangyari sa kontrabida.

"Yup. Let me ask, bakit mo ako kinaibigan? I want an honest answer. Sa naalala ko, bigla ka na lang sumulpot at nag offer ng friendship. Even though my other friends look down on you, hindi ka sumuko" pranka na saad niya. Gusto niya kasing malaman ang rason nito, kung makakapagkatiwalaan ba ito o hindi.

"You saved me when I'm down. Umiiyak ako sa parke at umupo ka sa tabi ng bench. Di ko alam kung naalala mo, pero ikaw lang ang natatanging nagbigay sa akin ng panyo. Sabi mo pa na punasan ko ang mga luha ko dahil nagmumukha akong pangit. Haha." matagal bago ito nakasagot.

"Pero di enough na reason yun. Besides, how do you know that it was me?"

"Nang umalis ka kaagad sa tabi ko, nakita ko ang cheke na nakatago sa panyo na ibinigay mo. Nung mga panahon na iyon, kailangan operahan ng nanay ko at malaking halaga ang hinihingi ng ospital. Nang wala na kaming malapitan at makitang pera, doon na ako napaiyak. Kaya ng makita kita ulit sa restaurant na pinagtatrabahoan ko, gusto kong ipilit sarili ko sa iyo para naman ako ay makabayad sa'yo"

"During your stay with me, alam mong hindi maganda pagtrato namin sa iyo. Lalo na ako, alam mong maldita ako. O ginawa mo iyon dahil sa utang na loob? "

"To be honest Charlotte, ang rason sa umpisa ay utang na loob. Pero kalaunan, ako ay naawa sa iyo. Base sa nakikita ko, napapaligiran ka ng mga taong walang pahalaga sa iyo. Maliban na lang sa mga magulang mo. Kaya sa isip ko, kailangan mo ng kahit isang kaibigan na tapat at may malasakit sa iyo."

"Okay lang na itakwil mo ako dahil sa sinabi ko, pero kahit ano man ang mangyari, andito pa rin ako para sa iyo" bago pa man siya makapagreply ay may karugtong na kaagad ang text nito. Alam niya na sincere si Claddey sa kanya. Kung tutuosin baka ito pa ang maging unang kaibigan niya sa mundo niya ngayon.

"Okay, come to our house tomorrow. Bawal ako lumabas dahil sa nangyari. Here is the address." Pagkatapos maibigay ang address, inisip na niya kung ano sasabihin sa kaibigan kinabukasan. Kailangan niya ng taong tutulong sa kanya para eh familiar ang sarili sa lugar. Mga ilang minuto pa bago siya ulit nakatanggap ng nareply.

"Sige, anong oras? May dapat ba ako dalhin sa unang pagkikita namin ng pamilya mo?" napangiti siya sa nabasa. Alam niyang mahihirapan ang kaibigan sa pag-iisip ng maibibigay. Sa yaman ba naman ng mga magulang ko, halos nasa kanila na ang lahat.

"Nothing, just be yourself. 10 am would be good." saka itinabi ang phone. Kailangan na niya mag beauty sleep. Sayang ang ganda niya ngayon kung di niya aalagaan.


MAAGANG nagising si Charlotte kinabukasan, pagkalabas niya sa kanyang kwarto ay saktong nakita niya ang magandang babae na sa tantiya niya ay siya ang sadya. Base sa mukha, alam niya na mommy na niya ito. Nakita na niya ito kahapon saka kanino pa ba magmamana ang ganda ko? Edi sa magandang babaeng nasa tapat niya! 

"Good that you are up. Gigisingin sana kita para sabay na tayong mag breakfast." bungad nito sa kanya.

"Good morning mom. Sure." agad niya itong hinalikan sa pisngi at matamis na ngumiti saka yumapos sa kamay nito. Ang bango! Ganun din kaya ang amoy ko? Siguro naman parehas lang kami ng amoy. Parehas ang aming gamit na sabon at shampoo di ba? Nasa iisang bahay lang naman eh.

Nakita niyang napatigil ito saglit at biglang lumawak ang ngiti.

"It's been a long time..." narinig niyang bulong nito. Makikinig pa sana siya nang hindi nito itinuloy ang sasabihin. Nagpatiuna siya dahil niyakag na siya nito papunta sa hapag-kainan.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWo Geschichten leben. Entdecke jetzt