Chapter 22 - Legit Chapter

2.6K 132 24
                                    

Author's note: sorry sa mga umasa ng chapter. Nakonsensya ako at may nagpa load pa talaga. This chapter is for you wiffy para di naman sayang load mo. Unedited ito at may pagmamadali kaya pagpasensyahan muna readers. <3

____________________________

UMALIS muna siya sa labas ng pinto kung saan pumasok si Charlotte ng mapag-alamang matagal tagalan ang anak.

Kinuha niya ang phone sa bulsa at nagpunta sa may hagdanan kung saan walang katao tao.

Tatawagan niya ang imbestigador na kinuha niya dati at nag imbestiga noong may mangyaring masama sa anak. Mga ilang ring lang ay may sumagot.

"Yes, hello Mr. McGregor?" ani sa kabilang linya.

"Hello Mr. Ilagan, may gusto akong paimbestigahan kung andoon ba sa hotel ang nagngangalang Damien Montreal sa araw at lugar kung saan may nangyari sa aking anak." seryosong saad niya.

"Hindi na po kailangang imbestagahan. May listahan na po ako sa mga taong dumalo sa engagement party pati na ang mga taong nagsilbi at nanarbaho sa hotel. Give me a few minute, titignan ko"

"Sige. Call me once you found it." saka binaba ang tawag.

Madami ang pumapasok sa kanyang isipan. Mga what ifs sakaling totoo ang haka niya.

Mabuti sana kung hindi si Damien ang ama, dahil mabubuhay naman nilang pamilya ang kanyang apo.

They need to continue their line. Buti may apo na siyang magpapatuloy sa pinaghirapan nilang hanap buhay.

He asked Charlotte dati kung may balak ba itong mag-asawa pero ang sagot nito ay wala.

Hindi na niya ito pinilit bagohin ang desisyon sa pag-aakalang may trauma pa ito sa nangyari.

That is why he is so happy nang malamang magkaka apo na siya.

Ngunit kinakabahan siya, paano nga kung si Damien ang ama? Based on the intense gaze he had on his daughter ay may posibilidad.

Nag-aalala siya. Paano kung kunin ng binata ang apo niya? Mukhang may alam pa naman ito.

No! He need to make decisions.

Babalik na sana siya ng biglang mag ring ang cellphone niya. Nang makitang si Mr. Ilagan ang tumatawag ay dali-dali niyang sinagot.

"May impormasyon ka na?" agad na tanong niya.

"Opo, pinsan ni Matthew Drake Montreal si Mr. Damien. Kaya nandoon po siya sa engagement ng pinsan."

"F*ck! Review the cctv now kung anong oras ito umalis."

"Right away sir." saka pinatay ang tawag. Hindi muna siya bumalik bagkos ay naghintay siya.

Alam niyang hindi magtatagal ito dahil may kopya na ito sa mga cctv footages on that night.

Dahil sa lalim ng iniisip at paghihintay ni Mr. Mcgregor, hindi nito napansin ang dalawang lalaking pumasok sa kwarto kung saan gaganapin ang ultrasound ng anak.

Nang magdalawampong minuto, ay wala pa rin siyang natatanggap na tawag ay napagdesisyonan niyang bumalik.

Nagtanong siya sa nurse station sa tabi ng kwarto kung lumabas na ba ang kanyang anak.

Sumagot naman ito na hindi pa at sa estima ay baka mga labing limang minuto pa dahil titignan daw ng doktora limb by limb ang bata at kung normal ba ito.

Napabuntong hininga siya, maya maya ay tumawag uli sa kanya ang imbestigador niya.

Naglakad uli siya pabalik kanina.

"Sir, nakita ko na po. Sampong minuto po lumipas pagkatapos lumabas si Ms. Charlotte ay umalis na din po ito. Pero base po sa itsura niya, para po siya may dinadamdam at wala sa sarili. Hindi ko na po nasundan kung saan siya papunta dahil naputol na po ang video. Doon na po nag start ang deleted video na binigay ko po sa inyo noon."

Napakuyom siya. Mukhang kilala na niya kung sino ang nagbura. He know that Damien is an expert. A genius in technology world. Kayang-kaya nitong gawin iyon.

" Sige, salamat. I'll wire the money to your account. " sabi niya.

Narinig pa niyang nagpasalamat ang kabilang linya bago pinatay ang tawag.

Pagkatapos ay hinanap ang online banking app saka nagpasa ng pera. Nang makatanggap ng notification na successful ang trasaksyon ay bumalik na siya sakali tapos na ang anak.

Sa maikling oras na pag transfer niya ng pera at paghintay na success ang transaction, hindi niya ulit nakita ang dalawang lalaking lumabas sa kwarto.

Nang makabalik, nakita niya ang anak na tinitignan ang hawak nito. He saw how his wife look at their daughter noong baby pa ito.

He knows that this is the look unique to all mothers.

"How is it princess?" tanong niya. Lumingon ito sa kanya at ngumiti.

"all good dad" sagot nito. Saka pinakita sa kanya ang ultrasound result.

He wanted to cry as he was touched. Nang makitang lalaki ang apo ay nakapag desisyon na siya.

Ilalayo niya ang anak lalo na at lumakas ang hinala niyang si Damien nga ang ama ng apo.

Damien and Drake are cousins. Paano kung di pa nga naka move on ang anak kay Drake? Gugulo lalo kung ipipilit niyang panagotan ni Damien ang anak.


DAMIEN softened as he look at the glass in front. Nakita niyang napaluha si Charlotte habang tinitignan ang anak nila sa monitor.

Inisa isa ng doctora mula ulo hanggang paa ang pagtingin. Kasabay nun ang pagbanggit na normal ang bata.

Rinig nila sa labas ang usapan sa loob dahil sa maliit na speaker sa tabi. Pinalagay niya ito sa kaibigan niya.

It is his privileged after all, as he is one of the major shareholder. The day when he saw the pregnant Charlotte ay binili niya ang ibang shares ng minor shareholders ng ospital na pag mamay-ari ng kaibigan.

His friend cussed at him dahil halos magkapareho na sila ng share but he shrugged. Ito pa rin ang mag mamay-ari at wala siyang paki alam sa management ng ospital.

Nang makitang lalaki ang anak ay naiimagine niya na may maliit na version siya sa kanyang sarili na sumusunod sa kanya o kaya kay Charlotte.

He smiled at the thought. Babantayan nila pareho ang magiging ilaw ng tahanan nila.

"Lets go. Ask for a copy" aya niya kay Sean ng makitang patapos na ang mga tao sa loob saka gumayak na sila umalis.

Dumeretso na siya sa basement kung saan naka park ang sasakyan habang si Sean ay bumaba kanina sa floor ng clinic ni Dra. Toma.

"Let us wait for Sean" saad niya sa driver ng makapasok sa sasakyan.

Maya-maya pa ay pumasok si Sean at binigay sa kanya ang resulta pati ang maliit na nga larawan.

Pinsadahan niya ng kanyang mga daliri ang larawan and he smile. It is a picture of his son. Kamukhang kamukha niya.

-End of Chapter 22-

Teaser: "Sir! Urgent news from our spy. plano po ni Mr. Mcgregor dalhin si Charlotte sa labas ng bansa!"

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now