Chapter 25- Advice

2.2K 110 16
                                    

HE made a poker face to his dad's reaction. Mukhang wala siyang mapapala base sa reaksyon ng mga ito.

"What is the problem son?" he sigh in relief ng mag tanong ang ina niya. Mukhang may isang matino siyang makakausap.

Lahat sila ay nag aabang sa sagot niya. Maging ang butler ay hindi umaalis sa dining area na taliwas sa lagi nitong ginagawa tuwing kumakain silang mag-anak.

"There is a woman whom I want to court. Pero ayaw niya." nasabi niya.

"May umaayaw pa pala sa iyo anak?" his dad ask him teasingly.

"Ehem... Loosen up a bit kasi iho. Sino ba naman ang magkaka gusto sa iyo kung sobrang cold mo." his grandpop said.

"Wardrobe change. Puro ka black and white lagi. Minsan gray. May pera ka naman, why not use other colors? Yan tuloy napaghahalataan kang walang kakulay kulay ang mundo" sabat naman ng lola niya.

Bakit puro negative naririnig niya?

"Basta ang maiipayo ko anak, kung hindi madala sa santong dasalan, daanin mo sa santong paspasan" his dad chimed and laugh evilly.

I already did, magkakaanak na nga bulong niya sa sarili.

"Bakit ayaw niya?" ang nanahimik niyang ina ang nagtanong.

"I think she is insecure with herself mom."

"Then do something, let her feel love. Oo nga pala anak, bakit mo sinasabing insecure?"

"I felt it through her words"

"Felt, not heard nor confirmed. Kausapin mo muna ng masinsinan anak" his mom advised.

"Do we know this girl?" sabad ng lola niya.

"I don't know."

"What is her name?"

"Charlotte Aria McGregor"

"She seems familiar. But I don't know where I have heard that name" anas ng lolo niya.

Lahat sila nagulat. His lolo is not into technology and parties. Lagi pa rin itong nagbabasa ng diyaryo kada umaga. Kaya di nila inaasahang pamilyar dito ang pangalan ng dalaga.

"Can we meet her?" eager na tanong ng lola niya.

"No!" sabay sila ng mom niyang sumagot.

"Mom! Sa halip na matulongan natin ang aking anak baka mas lumala pa. Baka matakot." paliwanag ng mommy niya sa lola.

"Make sense." pagsang-ayon naman ng lolo niya.

"You can do that after, if may improvement na ako sa relationship namin."

"Advance ka iho, anong relationship? Wala pang kayo oy." pang-aasar ng dad niya.

Bigla siyang sumimangot sa sinabi nito.

"Ito ba yung babaeng nakausap ko sa telepono last time?" tanong ng kanyang lolo. Ewan ba niya, pero parang may naririnig siyang pagmamayabang sa tono nito.

He nod to affirm his question.

"What?! Nakausap mo na dad? How was her voice? Hindi ba boses mature? Boses matanda? Knowing my son Damien, hindi malabo yun" apparently it was his dad. Napakunot noo siya sa sinabi nito. Talagang kontrabida sa isang movie na ang tingin niya dito.

What is he? Walang taste at papatol sa gurang? Tinaliman niya ng tingin ang ama niya.

"No offense meant son, but the girls around you are on their 40's and up already. Sila lang ang nakakasabay sa iyo. You can't blame me kung mag assume man ako" then he raised both of his hands na animo'y nagsusurender.

"Ehem... the voice sounds like a young woman" putol ng lolo niya na ikinasipol ng daddy niya. Even his granny and mom are both smiling when they heard him.

"Maiba tayo iho, any repulsions towards this girl?"

"No, that is why I chose her. Besides, I like being with her. I have this certain urge to see her everyday"

"Oh? are you serious? Then I have to visit the temple and give them a generous donation! Sa wakas, natupad din ang dasal ko!" his Chinese mom said.

So that is the reason why his mom got her love to visit temples for these past years. Akala niya naging hobby na nito pumunta sa mga templo kung saan may business meeting ito. Her mom is a buddhist.

"Yohoo! Akala ko tatandang binata ang anak ko!" his dad shouted exaggeratedly.

Are they really that doubtful? Pero come to think of it, kung hindi niya nakilala si Charlotte ay hindi nga malabong mangyari iyon. Kaya hinayaan na lang niya ang mga reaksyon ng mga ito.

"Don't forget the main issue. Talagang tatandang binata if you can't help me." Biglang tumahimik ang lahat sa sinabi ko.

"Oh! Don't worry iho. We got your back."

"What's the fuse? Kung ayaw edi kidnapin!" sabad ng tatay niyang walang hiya.

"Silly, don't forget ilang taon kitang hindi pinansin you creep! Kung hindi lang nabuo si Damien at naghanap ng tatay ay hindi kita tatanggapin!" kastigo ng mommy niya.

Yes, he knows the love story of his parents. His mom is engaged to the other man na nakabase sa China. Typical Chinese business engagement. But his dad apparently fall in love at first sight sa kanyang mommy at kinidnap niya ito that same night nang malamang engaged to be married ang nanay niya.

"Aww, sweetheart. Huwag naman, you know I love you right?" tila maamong tupang naglalambing ang daddy niya.

He didn't feel any disgust like he always do pag nakikita ang sweetness ng mga magulang. Instead, he imagined that he will probably do what his father did kung si Charlotte ang pag-uusapan.

"Mag pursige ka lang iho, lalambot din iyan. If you are serious with her, don't give up. Huwag mong titigilang hangga't hindi mo siya nakukuha. Yun lang ang maipapayo namin sa iyo." wika ng lola niya.

Tumango na lang siya at nag-isip isip. After the dinner ay umalis na siya.


------------------------

3rd Person POV

Nang makaalis si Damien ay muling nagtipon-tipon ang dalawang henerasyon ng Montreal kasama ang kabiyak ng mga ito. Ang kanilang pinagkakatiwalaang butler ang nagserserbisyo sa kanila para sa tea and pastries na kinakain nila.

"I don't agree about this Charlotte woman!" the Montreal patriarch said saka hinagis ang newspapaer na binasa nito ilag buwan na ang nakakalipas. No wonder that name sounds awfully familiar.

Tumahimik ang lahat at kinuha ni Mrs. Lesley Montreal ang diyaryo na inihagis ng asawa. Agad napasinghap sa nabasa.

Habang si Mrs. Miya Koh Montreal naman ay tahimik na sumisimsim ng tsaa. Kanina lang ay tinawagan niya ang mga amiga niya at tinatanong kung pamilyar ba sa mga ito ang babaeng pangalan na sinambit ng anak. Maybe the woman is within their circle at hindi nga siya nagkamali. Nanlumo silang mag-asawa sa nalaman patungkol sa babae. Everything about that Charlotte woman shouts problem.

"Oh my! Sisirain lang ng babaeng ito ang pamilya natin! My poor grandson! That woman is inlove with his cousin! Hindi maaring makapasok ang babaeng iyan sa pamilya natin! Pag-aawayin lang nito ang mag pinsan" hestirikal na saad ni Mrs. Lesley.

"Calm down mom!" sabi ng ama ni Damien habang sinusuportahan ang matandang ina.

Tumikhim ang butler na ikinaligon ng apat.

"I'm sorry for disturbing you. But what about the opinion of young master? Maybe he saw something about her that people can't see. You know him." sa sinabi nito ay muling nanaig ang katahimikan.

Ang bawat isa ay tila malalim ang iniisip.


________________________________

1128 words at last! Sorry sa mga unang nakabasa namali ako ng click at publish. Ito po iyong complete chapter. Nasa 600plus words lang po iyong kanina.

Sorry for the late and slow updates. Pinupuyat na kasi ako ni baby (-_-")

Transmigration Series 1: My Villain PrincessUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum