Chapter 13 - New Character?

2.8K 125 8
                                    

"HI Ms. Charlotte, this is Si... Damien Montreal. Who is interested to do business with you." pagpapakilala ni Sean sa katabi nito at nakipagkamay.

Biglang tumaas ang kilay niya sa apelyido nito. Ang apelyidong pinaka iiwasan niya.

"Hello Sean and Mr. Damien this is Claddey my business partner and a friend." pagpapakilala niya rin sa kaibigan sa mga ito saka nakipagkamay rin sa mga bisita.

Kahit kay Sean siya nakikipag usap ay nadidistract siya sa katabi nito. Di siya nakatiis at tinanong ito nang sa kanya na siya nakipagkamay.

"So, Mr. Damien how are you related with Drake Montreal?" tanong niya at inobserbahan reaksyon nito.

"Cousins" sagot nito pero batid niya ay may pagka disgusto sa tono nito.

She raised her eyebrow ng makitang pinasadahan siya nito ng tingin at tumagal sa umbok niya.

Pinisil pa nito ang magka hawak nilang mga kamay. The nerve of this jerk.

Tumikhim siya saka bahagyang hinila ang kamay. Nawalan siya ng gana makipagtransaksyon dito.

Although business is business, kaso iniiwasan niyang magkaroon ng koneksyon sa bidang lalaki.

"The business deal is off, you may go." mataray na saad niya kahit di pa naririnig ang business offer ng kabila.

Nakita niyang umasim ang mukha ng kaharap, marahil ay di inaasahan ang pagtataray niya.

"Give me a valid reason why you decide without hearing the proposal." malalim at may pagka paos ang boses nito.

"The fact that you are related Drake is enough reason."

The guy smirks of what he heard. Mukhang inaalam nito ang koneksyon nila ng bidang lalaki.

"One of his flings I presume?"

Nagalit siya sa narinig. Simula ng ma assimilate niya ang memories ni Charlotte Aria ng mundong ito parang naging isa sila.

It may be that both of them are broken souls and now connected becoming one. Naapektohan siya ng mga emosyon nito.

Hindi naging kanya si Drake ever since. Not even his fling.

"No. Let us say I was once a fool and a former diehard fangirl. Pero nataohan na."

Napansin niyang biglang dumilim ang mukha nito. She even saw Sean flinch, kaya kinabahan siya.

Hindi naman siguro mamatay tao itong lalaking ito di ba?

"What if I tell you na hindi maganda ang relasyon namin ng pinsan kong iyon? Would you like to listen to our proposal then?" parang nakakatakot ang boses ng magsalita ito.

Kinalma niya ang sarili. She is one of the main characters in this story. A villainess in fact. Unless ang mga bida ang mababangga niya, ay di siya takot sa ibang side characters sa kwento.

She felt powerful thinking like that.

Side character nga ba?

Pilit niya inaalala ang kwento. Damien Montreal is a familiar name. Bigla siya nagpanic, now is not the right time to reminisce.

"Paanong hindi maganda?" pag-uusisa niya. As of now, maging friendly muna siya hanggat di pa alam ang role na ginagampanan ng lalaking ito.

"Both of us are competing for the family fortune. Kung sino magiging presidente ng kompanya ni lolo, so?"  a beautiful smirk formed on his lips.

Napaisip siya sa sinabi nito, the enemy of her enemy is a friend. Kaya biglang naging maganda ang pakikitungo niya sa mga ito.

"Mr. Damien and Mr. Sean, please take a sit" giniya niya ang mga ito sa isang upoan sa sulok. Pagkatapos ay inutosan ang isang staff na dalhan sila fries, burgers and drinks.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now