Chapter 24- It Is About A Woman

2.5K 139 25
                                    

Sorry for the late update! This chapter is dedicated to my papa. Lovelots <3

___________________________

NGAYON lang naranasan ni Charlotte ang kabahan.

Dali-dali niyang tinawagan ang binata. She is not yet ready.

"Don't Come!" aniya ng sumagot ang kabilang linya.

"Why? I'm on my way."

"If you are serious, then sinasabi ko na sa iyo na wala kang pag-asa sa akin!" sigaw niya. She admits that the man is gorgeous but not to the point that she likes him!

"Wait, what? Why?! I need to hear your explanation."

"Can't you see I am pregnant?!" balik tanong niya.

She doesn't have to say na wala siyang gusto dito. O sabihin na lang natin na wala talaga siyang balak magka jowa.

"So? I don't care. I can be the father of the child."

"You are fucking insane!"

"I'm not and I am not kidding"

"Fine, let us meet tomorrow. Huwag kang pupunta ngayon! I need time" sigaw niya saka dali-daling binaba ang tawag.

Her heart is beating so fast. Talagang baliw na ang lalaking iyon! She need time to process everything. Kung hindi, ay siya ang mababaliw!

Damien is not a bad guy. But the problem is her! He is so good to be true. From his family background, looks and other qualities ay perfect na.

Bukod sa wala pa siyang nararamdaman sa lalaki, ay hindi pa siya baliw para patulan ito.

 She know her own circumstances very well. Buntis siya, napagsasaan na ng lalaki kung hindi man isa, baka marami pa dahil more than one goon ang binayaran ng dating Charlotte para sana sirain ang bidang babae.

At kung maging sila man ng lalaki, paano ang pamilya nito? Malamang hindi papayag ang mga ito na ang isang perpektong lalaki mapupunta sa isang desgrasyadang babae na katulad niya.

Nakikita na niyang pupuntahan siya ng isang magarang babae at sasampalin ng cheke. Sasabihing layoan ang anak nito. Ayaw niyang umabot pa sa punto na ganoon.

Maiintindihan pa niya kung business matters like pinagsama ang dalawang kompanya but sadly, it is not.




AS he ended the call, nakaramdam siya ng panghihinayang. Hindi niya alam kung saan ito nanggaling.

Regret that he can't see Charlotte? Or regret sa sinabi ng dalaga. Dahil ramdam niya ang insecurities nito.

He wanted to comfort her, that there is nothing to worry about. Dahil siya naman talaga ang ama ng dinadala nito.

"Manong Rudy iliko niyo po. Doon  tayo sa Montreal Estate." saad niya sa driver na ang tukoy sa isang malaking compound sa Makati. The land area is so big, na sakop nito ang halos 1/8 na kabuoan ng buong syudad.

An hour later, pumasok sila sa isang napakalaking gate. Dinaanan nila ang unang villa sa loob kung saan nakatira ang uncle niya. A few minutes later they stop on the second villa.

The second villa is his father's home. Father, dahil may mansion din siya sa other side. The two villas were seperated by a manmade lake.

His grandparents decided to build the compound para may solidarity ang pamilya at magkalapit lang. Nasa center ng buong compound ang villa ng mga ito. 

Nagkataon lang na may kaya talaga ang ninuno nila. His lolo is a Chinese-American. Nagkakilala ang great grandparents niya noong patapos na ang world war II sa Pilipinas.

Then his lolo bought the land during his prime. A feng shui master told him that they must buy the land dahil ito ang magbibigay ng swerte sa pamilya nila and the future generations. 

Hindi pa ganoon ka develop ang bansa at puro puno at damo pa lang noon ang lugar. Then he invested his remaining funds in the mining industry and contracted a mountain sa government.

 Then boom! naswertehan dahil gold vein ang nasa loob. Doon nag umpisa ang yaman talaga nila. But the government retained the mountain after the contract ended and build a reforestation project sa lugar. So he decided to build a real estate empire.

Wala naman ng problema ang lolo niya doon dahil naubos na nito ang ginto sa lugar bago pa matapos ang kontrata. A typical chinese capitalist. Proud pa itong namana nito ang lahi ng ina nito na isang chinese.

Pinagbuksan siya ng butler sa bahay ng makarating.

"Welcome back young master." bungad sa kanya ni Butler Jang. Mula pa ito sa China sa grandparents niya on his mom side. His mom is also a half Chinese, a rich heiress sa China. 

Sa mga ito niya nakuha ang kahiligan sa computer at programming. Ang lolo niya ang nag train sa kanya sa hacking ng makitaan siya ng kahiligan sa larangan.

One of the reason na rin na hindi pinapakialam ng dad niya ang Montreal Empire dahil busy ito sa kompanya ng mommy niya na namana sa mga magulang.

"Where is mom?"

"Your parents are having their early dinner with yoir grandparents." sagot nito habang ginigiya papunta sa dining area.

Napatigil siya sa narinig, ngunit mabilis niyang inungosan ito. He need to ask an important question to his mom. Wala siyang pakialam kung andun ang lolo at lola niya.

Maybe it is the better, mas marami mas maraming opinyon.

"Hi granny, mom, papi and dad" bati niya sa mga ito. Habang hinalikan sa pisngi ang mga babae.

"Oh, iho buti napadalaw ka. Come! Join us." saad ng lola niya and as if on cue, may dumating ang maid at naglagay ng plate and cutleries sa tabi ng daddy niya.

"Akala ko wala na akong anak. Anong nakain mo at sa tagal mong naisipan mong umuwi?" taas kilay na tanong ng ina niya.

He grinned at look at his mom sheepishly.

"I need an advice." sagot niya.

"Oh? Is it about your business?" tanong ng lolo niya.

"No papi." sagot niya sa lolo.

"What is it son? Maybe we can help." - dad niya.

Lahat sila ay nag aabang sa sasabihin niya. He look at them nervously and clear his throat.

"It is about a woman." mahinang sambit niya.

Lahat ng mga ito napatigil sa pagkain at tumingin sa kanya.

"Come again?" nangingislap na tanong ng mommy niya.

"It is about a woman" medyo may kalakasan na ang pagkakasabi niya. He is so damn sure that they heard it.

Napakunot noo siya ng may may marinig na singhap. Tinignan niya kung sino iyon, it is his granny.

"Sorry for the word, but F*ck! You are finally enlightened son!"

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now