Chapter 5 - Business Venture

3K 141 3
                                    

ALAM niyang hindi naniniwala si Claddey sa kanya, kaya agad niya itong dinala sa kwarto niya, Nang masigurong walang taong nakasunod, kinuha niya ang mga pills na nakatago sa ilalim ng kama. Nang makita ang halos wala ng laman na bote, nakita niyang sumeryoso ang ekspresyon ng kaibigan.

"What did you do Charlotte?!"

"Like what I've explained." sagot niya. Nakita niyang natigilan ito at napabuntong hininga.

"Ano pa ang nakalimotan mo?"

"Everything. Except sa mga deductions na naconclude ko these past days." sagot niya. Although may alam siya sa kwento, hindi pa rin niya alam ang lahat ng pangyayari at mga taong nasa paligid niya.

"As in everything?" paniguradong tanong ni Claddey sa kanya.

"Yes." firm na sagot niya. Nakita niyang lumambot ang mukha nito.

"Okay. Let's start. I am Claddey Mamacos, gaya ng napag usapan natin. Napakalaki ang utang na loob ko sa iyo. Kaya gusto ko munang magpasalamat sa iyo dahil sa ginawa mo" pag-uumpisa nito na ikinangiti niya.

"I'm Charlotte Mc Gregor and you are welcome. Can you be my true friend?" tanong niya at inilahad ang kamay. Gusto niyang maayos na umpisahan ang lahat. 

"Yes, friend" nakangiting sagot nito at kinamayan siya.

Kinumusta niya ang naging buhay nito at pamilya. Doon niya rin nalaman na nagtatrabaho ang kaibigan sa isang restaurant, kung saan naging waitress ito at kasalukoyang graduating student. Gamit ang kanyang phone, pinakilala sa kanya ni Claddey ang mga tao sa pictures at videos. Kung ano ang mga pangalan, attitude at gusto ng mga ito ay alam ng kaibigan. Buti na lang at may maganda siyang memorya kaya hindi siya nahirapang alalahanin ang mga itinuro nito sa kanya.

Napagtanto niyang magaling din si Claddey. Lahat ng naoobserbahan ay naaalala nito.. Habang tinitignan ang mga pictures, nakikita niyang nasa background lang ito at naging dakilang taga bantay at tagabitbit ng mga pinamimili nila. Bigla siyang nanlumo at tumingin kay Claddey. Andun pa rin ang ngiti at tiyagang ibinibigay nito habang tinuturoan siya.

"I'm sorry." sinserong hinging paumanhin niya. Nakitang niyang natigilan ang kaibigan at mayamaya pa ay napahikbi ito. Nakita nito ang sarili sa background. Alam niyang nahihirapan at nafufrustrate ito dahil sa ginawa ng original soul at mga kaibigan nito sa kanya.

"Sorry din at pinilit ko ang sarili ko, gustohin ko man pero ayokong magka utang na loob. Kahit sa mga serbisyo kong ganyan, nababayaran ko ang ibinigay mo sa akin."

"No, there is no need. In fact, ako pa ang may utang sa iyo. Ang isiping ginawa mo ang lahat na iyan, ang physical and emotional sufferings na nidudulot ko sa iyo. Matagal ka ng bayad Claddey. Kaya I am very sorry. Sana tanggapin mo pa rin akong maging kaibigan" maluha luha niya ring sagot.

"Sira, syempre kaibigan pa rin kita. Best friend." sinserong sabi nito sa kanya. At dahil pareho silang nabunotan ng tinik sa saloobin, mas naging close pa silang dalawa. Ang dami pa nilang napag-usapan lalo na mga pangarap. Gusto nitong magkaroon ng restaurant at maipatikim ang recipe ng nanay nito sa lahat ng tao.

"Pinagmamayabang mo luto ng nanay mo, aasahan ko yan ah! Dapat mong ipatikim yan." natatawang sabi niya sa kaibigan.

"Oo ba! Huwag mo din akong kalimotan sa future humanitarian projects mo ah." pang aasar nito sa kanya.

"Anong humanitarian?! Wala akong pakialam sa human. Sa environment at nature ako may paki. Haha." pagsasakay niya.

"Ang yaman niyo kaya, madali mo lang makamit yan." siguradong sabi nito sa kanya.

"Hindi ah, ang mga magulang ko ang mayaman. Hindi ako." pagkakaila niya at bigla naalala ang sinabi ng ama niya habang kumakain. Wala itong maibibigay na pera sa kanya. Di kaya nagsinungaling ang daddy ko sa kalagayan ng kompanya?! 

Naalala niya sa libro na dalawang kompanya ang pinapatakbo ng daddy niya. Ang kompanyang namana ng mommy niya, at ang kompanyang pag-aari din ng dad niya. Ang negosyong itinayo ng daddy niya ay nasa technology. Gumagawa sila ng iba't ibang klaseng machines na nakakatulong sa mga tao. Pero sa ngayon, alam niyang nag fofocus ang daddy niya sa pagdevelop ng agricultural machines para makatulong sa magsasaka. Ang mommy naman niya ay nasa construction industry na ngayon ay pinapamahalaan na rin ng daddy niya. Malakas ang connection ng mommy niya sa mga nanunungkolan sa gobyerno.

Kung ayon parehong kompanya ang bumagsak, saan pupulotin ang pamilya nila? Base pa naman sa interaction niya sa mga magulang, mapagmahal at mabuti ang mga ito. Kailangan niyang gumawa ng paraan para sa pamilya nila.

"Hello? Earth to Charlotte." pagwawagayway ni Claddey sa harap niya.Nakalimotan niyang may kausap siya at hayun siya nagde-daydream.

"Ano ba iniisip mo?" pagtatanong nito sa kanya.

"Claddey, naghihirap na ata kami." nag-aalalang sagot niya.

"Ha? Bakit?" sinabi niya ang usapan nilang magpamilya kanina. Parang nagtitipid sila.

"Naku seryoso yan, bakit ayaw mong mag business? Nang sa ganun kaya hindi kayo mahirapan sa pag iba ng lifestyle niyo." suggestion ni Claddey sa kanya.

"Wala akong alam sa business Claddey..." naputol niya ang sasabihin niya ng maalalang walang Mcdonalds and Jollibee sa mundong ito. I'm such a genius! Wala naman masama kung gagayahin ko ang idea di ba? Iba ang mundong ito sa mundo ko. Tila na excite siya naisip.

"Buti at may naisip ka." saad ng kaibigan ng maobserbahan siya.

"Gusto mo makipag partner?" tanong niya.

"Wala akong pera" sagot agad nito.

"No. Ikaw lang ang mag mamanage at sa iyo naman ang recipe. Di ba masarap magluto ang nanay mo?" 

"Oo. Graduating pa lang ako Charlotte, wala pa akong alam sa manage manage na iyan"

"Alam kong kaya mo yan. 80-20 tayo sa kita." alam niyang natetempt si Claddey sa shares.

"Ano ba yan?" tanong nito na agad naman niyang sinagot. Sinabi niya ang idea ng operations ng fastfood sa mundo niya. Buti na lang at nakapag part-time siya Mcdo. Nabasa niya sa handbook at manuals ang operations na hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa isipan niya. 

"Sakto! Pagka graduate mo, tapos na ang lahat. 80 percent share sa akin dahil ako na bahala sa manpower, machines, supplies, location at kung ano pa kakailanganin sa business natin."

"Di ba dapat 95 percent sa iyo, 5 percent lang sa akin? recipe lang naiambag ko Charlotte." 

"Hindi, okay lang. Ikaw naman magma manage. Besides, forever na iyan. Pangarap mo iyan Claddey, own it." ngiting sagot niya. Pero ang malaking rason kung bakit niya binigyan ng malaking share ay upang mahirapan ito traydorin siya. Bukod pa sa magsisipag ito sa trabaho.

Madami pa silang napag-usapan ni Claddey. Nang gumagabi na, kumain muna sila ng haponan bago niya ipinahatid sa driver nila ang kaibigan sa bahay nito. Nang maalala ang gaganaping business venture nila ng kaibigan, nai excite siya. Nakikita niya ang kikitain niya.

Transmigration Series 1: My Villain PrincessWhere stories live. Discover now