Chapter 32 - Marga

2K 104 17
                                    

This chapter is dedicated to Binibining_Purple. Happy birthday!

__________________________________________________________

ISANG linggo, ganoon na katagal si Charlotte sa ospital. Kung totoosin ay pwede na siyang mag discharge ngunit pinipigilan niya. Gusto niyang mas makita at makasama pa ng matagal ang anak. Damien have the money to spend anyway, ito nag boluntaryong nagbabayad sa hospital bills nilang mag-ina kaya hindi siya nag-aalala.

Naalala pa niya noong magising siya five hours after the operation, kinuwento ng ina niya ang mga plano ni Damien kung saan kinontra niya. Ayaw niyang ilipat siya ng ospital, kung nasaan ang anak niya ay doon din dapat siya.

She even cried when she saw her child. Kaawa-awa ito sa liit at halatang nagkulang sa nutrients ang katawan halatang alanganin itong lumabas sa tiyan niya. May mga tubo ding nakakabit dito.

She is grateful to Damien dahil nagawa nitong papuntahin agad ang doctor niya, Doctora Ezyhia Toma arrived. Although hindi ito ang nagpaanak sa kanya, ito naman ang naging doctor ng baby niya. Hindi lang pala ito OB, kundi pedia din. She even checked her body kung may mga sequale ba sa operasyon. Right now, every day itong pumupunta sa ospital and she is happy for that. Kahit hindi naman ito doctor ng ospital na iyon, ay nagawa pa rin nitong maging doctor nilang mag-ina.

On her third day, naalala niyang dumating ang mga magulang ni Marga. They are asking for an apology at despinsa sa ginawa ng anak ang even offered to pay the bills. Biglang uminit ang dugo niya sa mga ito, parang binayaran lang ang buhay niya at ng kanyang anak.

Good thing dumating ang binata at pinalabas ang mga bagong dating.
Since then may mga men in black ng nakaharang sa pintoan niya at di pinapapasok ang mga tao maliban sa pamilya niya.

As for Damien? She is currently looking at him on her peripheral vision. Nasa may mesa ito at katapat ang isang laptop. Tila ginawa ng opisina nito ang ospital dahil dito na ito nagtatrabaho, habang siya ay nasa hospital bed at kuwari ay nag cecellphone. Actually, hinihintay niya lang ang oras na eh allow ulit siyang bisitahin ang baby nila.

Sa loob ng isang linggo ay mas nakilala niya ang lalaki. Halatang seryoso itong bumuo ng pamilya sa kanya. Ginawa na nga nilang bahay slash opisina ang presidential suite ng ospital eh. But who cares? Narinig naman niyang tsismis ng mga nurse na madalang lang ang gumagamit sa suite dahil sa mahal, well at least kumukita ang ospital sa kanila.

The man is so caring, hindi siya iniiwan at laging nakaalalay at nagtatanong sa mga gusto at kailangan niya. Tila hinaplos ang puso niya dahil kahit hindi man niya sabihin ang needs niya, agad naman nito naiiprovide. Second, ginagawa nito ang lahat upang maging mabuting asawa at tatay ng magiging anak nila.

Paano niya nalaman? Nakita niya ang librong binabasa nito. "First Time Dad" "How to be a good Husband or partner" "Maintaining Relationships for Dummies" yan lang naman ang mga libro sa tabi ng laptop nito. At nakikita niya itong nagbabasa tuwing gabi o kaya saktong alas singko after office work.

She even have this gut feeling na pinapakita nito ang timetable nito sa kanya, na after work ay quality time na.

Maybe they could try it out? For the child's sake. Besides, mas naniniwala siyang love can be developed. Malay natin di ba? Baka ma inlove nga sila sa isa't isa.

Biglang nag vibrate ulit ang cellphone niya. Kumulo kaagad ang dugo niya.

The bitch! May gana pang makipagkita after what she did!

Halos mag makaawa na itong harapin siya at makipagpakita. May hinala na siya sa nangyayari dito. Damien is a good man, just don't touch his inverse scale dahil impyerno talaga ang aabotin mo. At ang anak nila ang inverse scale na iyon.

Charlotte silent her phone like she always did and turned off the notification para hindi estorbo sa mga pinapanood o nilalaro niya ang taong gumagambala sa kanya. She'll leave everything to Damien, total responsibilidad niya sila ng baby nila.

An hour later ay parang may nagkakagulo sa labas at pamilyar na boses ang sumisigaw  mula doon. Nagkatinginan sila ni Damien, at base sa tingin nito ay hinihintay lang nito kung ano ang gagawin niya.

She shrugged saka tumayo, buti na lang at kakainom lang niya ng pain reliever kaya di sumasakit ang tahi niya sa paggalaw. Agad naman siyang inalalayan ng binata. Pumunta sila sa may pintoan at sinilip niya ang labas.

It was Marga Ocampo, her former friend shrieking like a shrew. Nasa may hallway lang ito malapit sa elevator at hinaharangan ito ng dalawang ng men in black, pinipigilan na makalapit sa room niya. Men in black tawag niya dahil di naman niya kilala ang mga ito at base na rin sa uniform at shades na suot ng mga ito.

Pinagtitinginan tuloy ang mga ito ng mga nurse sa may nurse station. The only nurse station on the floor, dahil dalawa lang naman ang presidential suite na naroon. One is occupied by them and the other one is vacant.

Kunot noong lumabas sila ng tuloyan, hawak pa rin siya ni Damien. Mabagal siyang naglakad, dahil sa tahi niya. Lubos siyang nagpasalamat ng maalala ang catheter niya, buti na lang talaga at tinanggal na.

"CHARLOTTE! Lumabas ka diyan! Ibalik mo ang kompanya namin hayop ka!" Marga shouted. She is currently frustrated and haggard.

Simula noong may ginawa sila kay Charlotte ay nagkanda deleche na ang buhay nilang magkakaibigan. Mas matindi nga lang tama sa kanya.

Marga's dad become busy lately dahil may anonymous person ang nagbabalak kunin ang kompanya nila. All their shareholders sold their shares to the same person at na acquire nga nito ang kompanya ilang araw lang.

Sinampal pa siya ng ama niya bago ito inatake. Telling her that it is all her fault na ikinagulo niya. Her mom cried asking her to see her former Charlotte at baka mapatawad siya nito at ibalik sa kanila ang nawala sa kanila.

Nagugulohan pa siya kung paano nasali ang dating kaibigan, only to find out na ang lalaking bumili ng mga shares ay trinasfer lahat ng rights and shares na nakuha nito sa pangalang itinakwil niyang kaibigan. That bitch!

Hindi pa doon nagtatapos ang pakahirap nila. Right now they are selling their properties and jewelries sa pampagamot ng dad niya and settling their debts, hindi niya alam bakit nagkaganoon ang buhay nila.

Sinisisi niya lahat kay Charlotte! Ito ang puno't dulo ng lahat! Ang lintek na babaeng yun!

"Mga hayop! Magnanakaw! Ninakaw mo kompanya namin! Ibalik mo Charlotte!" sigaw niya ulit while looking resentfully at the door kung saan may dalawang bodyguard na nakabantay.

She is freaking sure na nadoon si Charlotte, her mom told her. Ngunit hindi pa siya nakakalapit sa pintoan ay hinarangan kaagad siya ng dalawang bodyguard na nakabantay lang pala sa elevator.

Nang bumukas ang pintoan ay nakita ni Marga si Charlotte na dahan-dahan naglalakad. At dahil naka focus ang atensyon at galit niya sa babae ay di nito pinansin ang lalaking nakaalalay dito. 

Gustong pagsasampalin at sabunotan ni Marga ang babaeng papalapit sa kanya. Dinuro pa niya.

"You slut! Ano? Binenta mo katawan para magkapera at makahanap ng sugar daddy?! Nagpabuntis ka pa! Ngayon masaya ka na? Nabili mo na kompanya namin ano ang kasunod?! A whore! Ibalik mo ang amin!"

Transmigration Series 1: My Villain PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon