CHAPTER 1

1.2K 83 8
                                    

   EZRIAH POINT OF VIEW

  One day I will be rich too, Living in a big mansion, running my own company, and become part of the most richer in the world. Hindi naman masamang mangarap diba?

"La, tara kain na po" sigaw ko.

"Saglit lang apo at tutupiin ko lang itong mga damit natin" Siya ang lola ko, si lola pening.

"Lola mamaya na po yan, sabi niyo diba masamang pag hintayin ang grasya" sabay tawa ng mahina.

"Ito talagang apo ko! ano bang nilutong mong ulam?"

"Yung paborito mo la" napatingin naman sa akin si lola nang may pagtataka.

"At saan ka naman kumuha ng pera para pambili niyan aber?" nakataas pa ang isang kilay nito.

"La naman eh, adobong manok lang yan, hindi naman tayo gano'n kahirap para hindi makabili nang ganyan" nakanguso kong sabi.

"Ito naman hindi mabiro, bilisan mo na dyan at papasok ka pa baka mahuli ka pa sa klase mo"

"La, si Dark pakainin mo, baka makalimutan mo nanaman"  my pet dog.

Agad na akong nagligpit upang pumasok sa paaralan at baka malate nga ako.

"Good morning bes!" nasa daan pa lang ay rinig ko na ang boses ng kaibigan kong si Prima.

"Anong ginagawa mo dito sa gate?"

"Syempre hinihintay ka! gaga 'to!"

"Pwede naman sa room eh" tsaka tinarayan siya.

"Aga-aga nagtataray! let's go!"

Nag-umpisa na ang klase, habang ako ito nakikinig ng mabuti dahil malapit na ang aming midterm. Pag tapos ng taon na 'to graduate na kami. Ang sarap siguro sa feeling no'n! na-eexcite tuloy ako haha! Napatingin naman ako bigla kay Prima dahil narinig ko ang mahina nitong hilik. hay nako! hindi na talaga 'to mag babagong buhay. hindi ko siya na ginising kase alam ko nanamang pinaggagawa nito kagabi, napailing na lang ako.

"Hoy gaga! Anong oras mo balak gumising?!" puyat na puyat! kung ano-ano kasing pinaggagawa eh!

"Ano ba yun? natutulog ako eh!"

"Kung gusto mong matulog umuwi ka sa bahay niyo, huwag dito sa school bes." agad naman siyang napatayo at nag punas ng laway.

"Bes naman eh! bat di moko ginising kanina?!"

"Ayoko eh"

"pa'no yan pag bumagsak ako?! hindi na ako makakapag aral, papalayasin ako ng parents ko kase hindi ako nakapagtapos, magiging palaboy na lang ako kase hindi ako tatanggapin sa trabaho dahil hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral, pag yun talaga nangyari ikaw sisisihin ko tamo!"

"OA ah, mayaman ka remember?"

"Ay, oo nga pala. tara sa cafeteria, libre ko" sarap talaga pag may mayaman ka na  kaibigan palagi kang busog haha!

"by the way bes, ano nanamang pinaggagawa mo kagabi?"

"Pa'no mo nalaman na may ginawa ako kagabi? pina iimbestigan mo 'ko no? ikaw ha!"

"Tanga! hindi pa ba sign yung natulog ka sa room?"

"Nag party lang" simple nitong sagot.

"Saan na–" wth. Bigla na lang natapon yung iniinom kong juice.

"Uy bes! okay ka lang?" agad namang tumayo si Prima para punasan ang damit ko.

"Oo okay lang, salamat"

"Hoy ikaw! ano bang problema mo?! hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! ang lawak lawak ng daanan oh!"

"Bakit sayo ba 'tong daan?"

"Bakit sayo rin ba?!" sabat ulit ni prim.

"Hoy prim tama na!" pagsaway ko.

"Wala ka namang pake alam kung saan ako dadaam diba? hindi naman sayo 'tong daanan tama Ezriah?" sabay tingin sa akin pati yung mga kasama niyang alipores.

"Nandyan kana pala apo, nagluto na ako magbihis kana do'n at kakain na tayo" agad naman akong nagbihis para maka pagpahinga na rin.

"La, ako ng maghuhugas nang mga pinggan, pahinga ka na po. goodnight la" hinalikan ko naman ito sa noo.

"Bilisan mo dyan ha, goodnight din apo ko"

Agad ko namang hinugasan ang mga pinggan at nag ayos-ayos mo na nang mga gamit ko para bukas. Nag review na din ako at baka magkaroon ng surprise quiz. Kailangan kong i-maintain ang grades ko dahil scholar ako. mahirap lang din kami, dalawa lang kami ng lola ko tsaka 'tong bahay na tinitirhan namin ngayon ay pamana pa 'to sa lolo ko, sa kasamaang palad wala na ang lolo ko namatay dahil sa diabetes. Kailangan ko na ring maghanap ng trabaho para sa aming dalawa ng lola ko dagdag na rin sa pang tustos sa pag aaral ko.

"Pag nakapagtapos na ako, yayaman din kami ng lola ko! think positive ez, keri mo yan!"mahinang sigaw ko para i-cheer up ang sarili ko.

Papatayin ko na sana ang ilaw sa sala ng may humihip na malakas na hangin, kung saan tumaas ang mga kurtina at nakita ko ang isang itim na kotse. kanino kayang sasakyan 'to? wala naman akong nalalaman na may bagong bili ang kapit-bahay namin. bahala na! gusto ko ng matulog. umakyat na ako sa taas papuntang kwarto at binalewala ang nakita.

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now