CHAPTER 13

137 44 5
                                    

"Bakit nandito ka?" gulat kong tanong sa lalaking kaharap ko.

"Why? Mali bang nandito ako?" he laugh gently.

"H-hndi naman sa gano'n, nakakagulat lang na nandito ka" dahan-dahan akong tumayo at mabilis na tumakbo papunta sa kaniya.

"Sabihin mo lang kase na namimiss mo 'ko" napatawa naman ako sa sinabi nito, pala biro pa rin.

"Hoy bes, sino yan?" bulong ni prima.

"Ay, oo na pala, kuya magpakilala ka nga" nanlalaki ang mata ni prima sa narinig.

"Talaga?! kuya mo yan?! bakit hindi kayo magkamukha? pogi siya tapos ikaw pangit!" agad ko siyang nabatukan, ang sama niya talaga sa akin eh!

"Aray! Masakit yun ah!" kamot-kamot niya pa sa ulo niya.

"By the way, I'm Azrou Santos" nakita ko namang nilahad niya ang kamay para kay prima.

"Prima, nice meeting you" nakita ko malaking ngiti nito, malandi talaga.

"Ah kuya, si Tristan" agad itong tumayo.

"Nic-" magsasalita na sana ito nang bumukas ang pinto.

"You can rest at your home, Miss Santos" biglang wika nang nurse.

"Then, should we go home?" napatingin naman ako kay kuya na nakangiti ngayon.

"I'll be going too, take care riah" agad na itong umalis, bat kaya 'yon nagmamadali? hmm.

"How about you?" napatingin naman kami kay prima na ngayon ay parang tanga na nakangiti.

"Tol, pakicheck up ka na rin, baka may sakit ka na sa utak" agad na napalitan ng busangot ang kaninang nakangiting pagmumukha nito.

"Feel ko talaga bes, gusto ka ni tristan" she said out of the blue.

"What the fuck?! Pinagsasabi mo, inamo talaga" lagi na lang may issue 'to si prima eh, prima moments nga naman.

"Bakit hindi ba?" singit pa nang asungot kong kuya, dadagdag pa talaga eh.

"Nababaliw na ba kayo? bahala na nga kayo, magsama kayo" agad kong kinuha ang bag ko at nagmadaling lumabas.

"Biro lang eh, ang arte mo naman" rinig ko pang sigaw ni prima, habang si kuya sisipol-sipol lang.

"May work pa ako, kaya bye!" magpapaalam pa ako sa boss ko eh, hindi ko pa alam kung papayagan ako kase nga bago pa lang ako.

"May trabaho ka na ezriah?" 'tong si kuya, pasulpot-sulpot.

"Oo, gusto ko din makatulong sa bahay" ayoko naman na walang ginagawa.

"Nagpapadala naman ako ah?" ha? nagpapadala? hindi ko alam.

"Kahit na, gusto ko pa rin magtrabaho" siguro may rason si lola kay hindi sinabi sa akin, mabuting manahimik na lang.

"Nagtrabaho nga ako sa malayong lugar para masustentuhan ka sa mga pangangailan mo sa school at sa bahay, tapos magtatrabaho ka lang din naman tsk!" naglakad na 'to pauna sa akin. Pft, hindi pa rin talaga siya nagbabago, matampuhin pa rin.

"Anyari do'n sa kuya mo?" kagulat din 'tong si prima eh.

"Hayaan mo na lang siya, ganyan lang talaga yan" saad ko.

"Hoy, si rage 'yon diba? yung nasa gate" turo ko kay prima, siya talaga 'yon.

"Wala namang klase, ginagawa niya dito?" napatingin naman ako kay prima na kanina pa walang imik.

"Uy! Ayos ka lang?" tanong ko.

"ha? may sinasabi ka?" lutang ampota.

"May iniisip ka ba?" umiling lang ito.

"Oo nga naman, bat ka nga naman mag-iisip, eh wala ka namang utak" biro ko.

"Baliw! una na ako sayo ez, see you tommorow!" naglakad na 'to palayo, nahagip pa ng mata ko na hinabol ni rage si prima.

"Anong meron do'n sa dalawa?" hays, bahala na nga!

"Ikaw? hindi ka ba sasakay? gusto mo maglakad?" napatingin naman ako sa nagsalita.

"'Bat ka galit?" nakangusong kong sabi, wala naman naman akong ginawang masama.

"I'm not" hindi daw hmph! pumasok na ako sa kotse niya.

"Bakit dyan ka sa likod? ginawa mo 'kong driver, lipat" nakakainis talaga ang pagkabossy ni kuya tss.

"Ito na" daming arte eh, sampalin ko kaya 'to.

"Bakit parang napipilitan ka pa?" tamo parang ano.

"Hindi" maikli kong sagot.

"Hmm" suplado.

"Bakit hindi ka nagsasalita?" parang tanga oh, tsk!

"Paki-baba na lang ako sa pinagtatrabahuhan ko kuya" ngumiti pa ako, para pumayag.

"Sure, whatever. Drop the address" 'yon oh.

"Mahirap ba trabaho mo?" tanong nito.

"Medyo kase baguhan pa lang ako" pero masasanay naman siguro ako.

"Bakit pa kase nagtrabaho tsk!" Ito na naman tayo hays.

"Kuya, gusto ko rin kase makatulong okay? Intindihin mo naman sana ako" ngumiti naman 'to.

"Sige na nga, basta mag-iingat ka lang" ginulo ba naman buhok ko.

"Kailan uwi mo kuya?" curious lang.

"Gusto mo ba na ba ako umuwi agad?" nakataas kilay nitong tanong.

"Hindi naman, pero parang gano'n na nga hahaha" pag 'to sineryoso niya, ewan ko na lang hahahaha.

"Baliw, bukas uuwi din ako. Dadaanan ko na lang muna si lola" sabi na eh, hindi siya magsstay kahit isang gabi, hays.

"Bakit parang nalungkot ka?" wew, obvious ba?

"Hindi ah, guni-guni mo lang yan kuya!" namiss ko siya ng sobra, gusto ko din sanang makasama pa siya ng mga ilang araw, pero alam ko namang hindi pwede. Naiintindihan ko naman.

"Dito ka na diba? yan ba yung restaurant?" turo ng nguso niya, tanging tango lang naisagot ko.

"Take care of yourself sister, I missed you so much. Gonna wait you home, bye. love you sis!" agad na 'tong nagpaharurot ng sasakyan niya.

"I missed you too, kuya azrou" haaayss, hindi niya man lang hinintay sagot ko hmph!

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now