CHAPTER 4

269 60 4
                                    

"Nothing, I just notice that your prettier especially when It's closer" I saw his little smile. Dumapo naman ang mata ko sa papers niya.

"Are you finished?" I whisper.

"Yes, why? Do you want to copy my answers? It looks like your having a difficulties there" Inismiran ko lang ko siya at nagpatuloy na sa pag sagot.

"Class dismissed!" Lahat kami ay parang lantang gulay na lumabas sa classroom, pati utak ko na dry!

"May naisip ako!" Biglang sigaw ni Prima kaya lahat kami ay napatingin sa kaniya.

"Ano ba yun?" Tanong ni Kyro. Magkasunod lang kami ng mga upuan bale si Tristan, ako, si Prima, Rage, Kyro, and Clyde.

"Magparty kaya tayo mamaya, ano G?" Sumang-ayon naman agad ang tatlong mokong.

"Tsaka kana mag party prim kung nalaman mong pasado ka, malay mo bagsak ka diba?" I heard Tristan laughing.

"KJ mo palagi!" Nakabusangot nitong sabi.

"Baka hindi ako makasama, kayo na lang" Nagligpit na ako ng gamit ko para umuwi kase gusto ko ng magpahinga.

"Ipapaalam kita kay lola Pening" Pag may gusto talaga si Prima, may paraan eh.

"Wag na, alam ko namang hindi ako no'n papayagan"

"Pag ako nagpaalam sayo, papayag yun" Bigla naman itong ngumiti.

"Sumama kana kase Ezriah!" Sabay nilang sabi.

"Subukan ko, saan ba?"

"Chat ko na lang kayo" Tumango na lang kaming lahat.

Like usual, hinahatid ako ni Prima. Nakita namin si lola sa bakuran nagwawalis, bababa na sana ako ng hindi ko mabuksan ang pinto ng kotse.

"Bakit hindi ko mabuksan yung pinto?" Nakakunot kong tanong kay Prima. I saw the evil smile in Prima's face.

"Prima anong balak mo?" Pero hindi 'to sumagot. She opened the window of her car.

"Lola Pening!" Sigaw ni Prima na siyang ikinatingin ni lola sa amin.

"Bakit Prima apo?" Nakita ko namang ngumiti ng malawak si Prima.

"Gusto ko lang po sanang ipaalam si Ezriah, gagawa kami ng project namin doon sa bahay, okay lang po ba?" Masamang napatingin ako kay Prima.

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now