CHAPTER 2

475 68 4
                                    

Nagising ako dahil sa pagka-uhaw, kaya dali-dali akong bumaba at pumunta nang kusina.

"Anong oras na kaya?" napatingin naman ako sa orasan.

"Alas tres pa lang pala ng umaga" hays nakalimutan ko nanaman magdala ng tubig sa kwarto.

"What if magluto na lang ako?" pag kakausap ko pa sa aking sarili, mukha tuloy akong timang dito haha!

Naisipan ko na lang mag luto para wala na 'kong gawain mamaya nang may narinig akong kalabog sa labas.

"Uy! Ano yun?" dahan-dahan ko namang itong sinilip sa may bintana.

"Umagang-umaga eh, ano kayang pinagggawa ng mga kapit-bahay namin?" agad kong nilibot ang aking paningin sa labas upang mahanap kung saan nangggaling ang tunog na yun nang may nahagilap akong isang lalaki na saktong nakatingin sa akin. Hindi naman ako matatakutin pero this time nanindig ang mga balahibo ko. Hindi nito inaalis ang tingin sa akin, Nakatayo lang siya banda sa may motor, motor niya 'ata yun? naka pamulsa at pormang-porma ang damit habang nakatingin ng malalim sa akin.

"Sino naman kaya 'to?" Kahit takot ay pinilit ko paring aninagin ang mukha nito, hindi ko kase makita dahil madilim sa kinakatayuan niya. Nagulat ako nang itaas niya ang kamay niya at pinuwesto na parang babarilin ako. Nakita ko pang ngumisi siya at pinaharurot ng mabilis ang motor niya.

"Sino yun?!" Lord, kung may magtatangkang pumatay sa akin, pigilan niyo na! hindi ko deserve mamatay kaloka!

nag-asikaso na ako ng sarili dahil gusto kong maagang pumasok ngayon, binilinan pa 'ko ng professor ko na dalhin yung mga papers sa faculty. Binilinan ko na lang si lola ng sulat para hindi ito mag alala sa 'kin.

Buti na lang bukas na yung room namin, Kokonti pa nga lang yung mga tao. Agad ko namang kinuha yung papers sa desk nang prof namin para dalhin ito sa faculty. Napamasid-masid naman ako sa paligid ng school namin.

"Matagal na ako dito sa school na 'to pero hindi ko man lang nalilibot"

"Gusto mo samahan kitang mag libot?" nagulat naman ako dahil may nagsalita sa likuran ko.

"No, hindi na kailangan haha" nakakahiya! kain na sana ako ng lupa!

"By the way I'm Tristan, nice meeting you" Inilahad niya naman ang kamay niya.

"I'm Ezriah Santos, nice meeting you too" nakipag shake-hands din ako.

"Sa'n punta mo?"

"Uhm, sa faculty hatid ko na lang 'to. Una na ako ah? bye!" agad na akong umalis hindi ko na hinintay pang sumagot siya kasi nahihiya ako hindi ko naman siya kilala!

"Tristan huh? Gwapo naman siya, mapupungay yung mga mata, mapupula yung mga labi, maputi din siya, matangkad kaysa sa'kin, bampira ba siya?! hindi familiar sa'kin yung mukha niya, dito ba talaga yun nag-aaral? baka transferee"

"Good morning Sir, here's the paper"

"Oh, thank you. Ang aga mo naman pumasok ngayon ezriah"

"Maaga lang talaga akong nagising, mauna na ako sir"

Napatingin naman ako sa relo ko, 6:30 na 30 minutes na lang mag uumpisa na ang class. Pag dating ko sa room ay nando'n na si Prima. Himala hindi na siya mukhang nag party kagabi.

"Good morning Prim" ako na naunang bumati.

"Good morning din, balita ko bes may bagong transfer daw na student!"

"Ano naman ngayon?" kahit kailan talaga palaging may baong chismis 'tong kaibigan ko.

"Wala naman chinichika ko lang sayo, KJ mo naman!"

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon