CHAPTER 12

140 46 4
                                    

"Ano okay ka lang?" pagdilat ng mata ko ay pagmumukha agad ni prima ang bumungad sa akin.

"Ang pangit ng tanawin" pang-aasar ko.

"Sana pala hindi na ako nag-alala" tumalikod naman ito sa akin.

"Ano ba kasing nangyari?" dahan-dahan naman akong umupo.

"Wala kang maalala?" takang tanong ni prima.

"Wala, sino ka?" pagkukunwari ko.

"Hala bes! hindi mo 'ko maalala?!" dali-dali itong humarap sa akin.

"Bes! Ako 'to yung pinaka-magandang kaibigan mo, yung palagi kang nililibre, ako 'to si mahal na natoy natoy ka, alalahanin mo 'ko" mahabang paliwanag nito.

"HAHAHAHA! wait, ang sakit ng tyan ko! HAHAHAHA" hindi ko napigilan tumawa, nasira tuloy plano ko.

"Hindi nakakatuwa!" nakita ko namang pumula ang tenga niya, nahihiya 'to.

"Sorry na, sino ba nagdala sa akin dito?" napatingin naman ako sa paligid, parang clinic ng school?

"Ewan ko din, may nagsabi lang sa akin na nandito ka daw"

"Ano ba kasing nangyari?"

"Yak, gaya-gaya ng tanong. Wala ka bang originality" tumingin naman ito sa akin ng masama.

"Ah sige, ganto na lang" huminga muna ito ng malalim.

"Bakit hindi ka pa namatay? Sayang hindi ka na tigok no" sarkastiko nitong sabi.

"Wait ito na mamatay na, ah! patay!" nagkunwari naman akong pantay.

"Potangsna mo ezriah, nahilo ka lang kanina nagkaganyan ka na" sadyang nanahimik lang ako.

"Ezriah?" tawag nito.

"Gsgo, wag ka ng magbiro dyan" dagdag pa nito.

"Hoy ezriah! hindi nakakatuwa!" niyugyog pa niya ako.

"BOGALAAA!" biglang sigaw ko at nakita ko pa yung mukha niyang nagulat HAHAHAHAHA.

"Parang kang gsgo, umayos ka tsngnamo" kanina pa niya ako minumura ah.

"Basta naalala ko lang may kausap ako kanina" maayos kong sagot.

"Sino ba 'yong kausap mo?" tanong niya ulit.

"Ewan, hindi ko maalala" totoo naman, hindi ko talaga maalala.

"Alam mo, mapapahamak ka niyan. Kumakausap ka ng tao tapos hindi mo kilala? nako girl, baka makidnap ka pa"

"Nasa loob naman kase nang school 'yung kausap ko, parang estudyante"

"Nabobosesan ko pa nga, wait.." hindi ba si ano yon?

"Si tristan 'ata kausap ko prim, parang kaboses niya kase" nangunot naman noo niya.

"Bakit?"

"Kasama ko si tristan bumili ng pagkain, may nangyari pa nga sa cafeteria eh" mahabang sabi nito.

"Kung hindi si tristan 'yon...sino yon? eh, ka boses na ka boses niya"

"Aba'y malay ko sayo" sino yon? poteks hindi ko kase maalala 'yong pagmumukha ng lalaking nagtanong sakin kanina.

"Ano pa lang nangyari sa cafeteria na sinasabi mo?" curious ako eh, bakit ba.

"Ito na nga HAHAHAHA!"

"Ano nga?" inuuna talaga 'yung tawa kaysa sa sumagot eh.

"Diba kanina sabay nga kami bumili ng pagkain tapos nakasalubong namin si blair" mahabang wika nito.

"Oh tapos?" tagal naman niya magkwento-,-

"Syempre 'yong hipokritang babae 'yon nilandi niya si tristan girl" dagdag niya pa.

"Next" walang gana kong sabi.

"Ito na nga! Akala talaga niya papatulan siya ni tristan HAHAHHAA! Ayun! Tinapunan ni tristan ng juice, sa mukha pa ni blair! Kita mo, green flag ang bebe mo!" hala kawawa siguro mukha no'n ni blair.

"At tsaka anong bebe? nag-iimbento ka nanaman" inarapan ko lang 'to.

"Bakit parang gusto mo naman? yieee, kinikilig yaaan!" pang-aasar pa nito.

"Dalhin na ba kita sa mental? dami mo nang alam eh" baka makaabot pa ako sa klase!

"Opps, not yet" isang boses ng lalaki ang nagsalita.

"Kanina ka pa dyan?" ni hindi namin narinig ang pagbukas ng pinto.

"Kakapasok ko lang" kalmadong sabi nito.

"May narinig ka ba tristan?" nahihiyang tanong ni prima, may hiya naman pala siya eh. Matapang lang pag dalawa kami-,-

"Bakit? Pinag-uusapan niyo ba ako?" pft, natawa naman ako sa isipan.

"H-huh? hindi no!" tanggi niya ng todo.

"Walang pasok, half day" maikling sabi nito, parang napipilitan pa.

"Ay oo bes, hindi ko nasabi sayo hehe" napatingin naman ako ng masama dito.

"Alam kong maganda ako bes, pero wag ka namang ganyan makatingin" sarap niyang iduyan sa leeg, gamit kumot.

"How's your feeling?" muling nadapo ang tingin ko kay tristan.

"Kaboses mo talaga siya eh" nakita ko naman ang pagkagulat sa mata nito.

"Huh? sino?" tinitigan ko naman siya ng mabuti.

"Bakit? may dumi ba ako sa mukha?" takang tanong niya ulit.

"Ah wala, oo okay na pakiramdam ko" biglang sagot ko.

"That's good" bigla natahimik ang lahat.

"Magtatrabaho ka ba mamaya bes?" basag ni prima sa katahimikan.

"Oo, mage-excuse din ako para sa monday" hanggang monday 'yung school trip namin diba? tama ba?

"Ah, so sasama ka! yes!" nakangiti pa itong sasayaw-sayaw.

"Tumigil ka nga, sumasakit ulo ko sayo" agad naman 'tong tumigil at tumingin sa akin ng masama.

"Ikaw, tristan?" parang kanina pa occupied isip nito eh.

"Anong gagawin?" may iniisip talaga 'to hays.

"Sasama ka ba daw sa school trip?" ulit ni prima sa tanong ko.

"Oo, syempre naman" ngumiti naman ito ng kaunti.

"Eh 'yong mga kaibigan mo? Sasama ba sila? Absent nanaman kase sila sa klase kanina" mahabang wika ni prima.

"Sasama sila, hindi naman sila magpapahuli" nagkatinginan naman kaming tatlo at natawa.

"Oo nga naman, sila pa diba" biglang bumukas ang pinto.

"Hindi pa nga nag iisang buwan, nandidito ka nanaman" isang malambing na boses ng lalaki ang aming narinig.

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt