CHAPTER 7

200 55 0
                                    

May narinig akong putok ng baril galing sa aking likuran, hindi ko namalayan na tinamaan pala ako sa balikat. Nanghihina man ay pilit kong kinuha ang cellphone para lang makahingi ng tulong, agad kong tinawagan si prima at nagbabasakali na masagot niya.

"P-prim, t-tulungan m-mo k-ko"

"Where are you?! Are you okay?!" Rinig ko ang pag-aalala sa tunog ng boses niya.

"N-nasa V-village niy-" Bigla na lang naputol ang linya at nakita ko pang lumabas ang kasam-bahay nina prima na kausap ko kanina.

"Oh apo ko gising ka na pala" Agad akong napatingin kay lola.

"la, okay ka lang po ba?" Ngumiti naman ito ng malawak.

"Okay lang ako apo, ikaw? okay lang ba ang pakiramdam mo?" Dahan-dahan naman akong umupo.

"Dahan-dahan at baka bumukas ang tahi mo" Agad ko namang hinawakan ang balikat ko dahil kumirot ito.

"Si Prima nandito" Wika ni lola, nilibot ko ang tingin at nakita si prima na natutulog sa sofa.

"La, sino nagdala sa akin sa hospital?"

"Humingi daw ng tulong ang kasam-bahay nina prima kaya ka nadala dito" Buti buhay pa ako lord!

"Bes.." napatingin naman ako kay prima, nagsasalita ng tulog.

"Hoy, gumising kana dyan!" Sigaw ko, napabalikwas naman ito ng bangon nagulat ko 'ata hahaha!

"Uwaaa bes!" Mangiyak-ngiyak itong lumapit sa akin.

"Wag mo 'kong hawakan!" Yayakapin niya sana ako buti na lang napigilan ko.

"Ay, sorry! okay ka na ba? masakit ba mabaril?" Nakakasama ng loob 'yung tanong niya promise.

"Tanga! Ikaw nga barilin ko tapos sabihin mo sa akin kung masakit" Inirapan ko naman 'to ng bongga!

"Nagbibiro lang naman ako eh" Natawa naman kami, kasama si lola.

"Teka ez, may tatawagan lang ako" Lumabas muna ng kwarto si prima.

"Apo, kilala mo ba kung sino may gawa nito sayo?" Napayuko naman ako.

"Hindi po la eh, pero may nakasalubong po akong lalaki bago ako mabaril" Sa likod kase ako nabaril kanina ewan kung siya gumawa nito sa akin.

"May kilala ka bang may sama ng loob sayo?" Hinawakan naman niya ang kamay ko, sobra yata siyang nag-alala sa akin.

"Wala naman po la, kumain ka na po ba?" Gabi na kase, kita ko ang langit sa bintana ng kwarto ko.

"Hindi pa, pero okay lang"

"Anong okay lang?! magkakasakit ka niyan tapos mangangayayat!" Bigla namang bumukas ang pinto.

"It is okay to interrupt?" Naiilang na tanong niya.

"Sure, pasok ka"

"I bring fruits" Pinatong niya naman 'to sa lamesa.

"La, hindi ka pa kumakain diba? tara kain muna tayo" Aya ni prima kay lola.

"Ingat ka la" Tanging sigaw ko, ngumiti lang si lola at umalis na.

"Paano mo nalaman na nandito ako?" Tanong ko. Siguro sinabi ni prima sa kaniya?

"I just know it" Tumango naman ako.

"Do you know who did this to you?" He ask while peeling the fruits.

"Hindi eh, pero may suspect ako"

"Sino?"

"Diba private 'yong village nina prima? pero may lalaki doon na dumaan, tsaka sigurado ako na hindi nila 'yun kilala"

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon