CHAPTER 24

103 42 6
                                    

"Nag-away talaga kayo, diba?" tahimik lang ako sa gilid at tinatanaw ang dinadaanan ng bus na sinasakyan namin pauwi.

Hindi pa rin kami nagpapansinan hanggang ngayon, hindi ko siya nagawang sundan kahapon para kausapin at para makipag ayos.

"Ezriah!" napabaling ang tingin ko kay Prima ng sumigaw ito.

"Bakit?" sumimangot siya at masama ang tingin sa akin.

"You're not listening to me." napagawi ang tingin ko sa pwesto nina Tristan. He didn't even bother to look at me. Did I really do something wrong? napahinga ako ng malalim at binalik ang tingin kay Prima na nakasimangot pa rin.

"Prima, I'm tired." I don't want to say that, pero hindi naman siya titigil kakatanong kung nag away ba kami ni Tristan, hindi ko rin alam ang sagot sa tanong niya. Hindi naman kami nag away, wala kaming pinagtalunan, he just distance himself.

Pinilig ko ang ulo sa bintana, buti na lang at dito ako pumwesto. Mabilis kong kinuha ang cellphone ko ng mag ring ito.

"Kuya?" sagot ko.

"Uhm, Kuya?" ulit ko ng walang sumasagot.

"Kuya! Anong meron?" mahina akong napasigaw ng wala pa ring sumasagot. Mga ilang segundo pa ay nakarinig ako ng tikhim sa kabilang linya.

"Ezriah?" napakunot ang nuo ko ng marinig ang garalgal na boses niya.

"What happened to you?" lumunok ako ng ilang beses para ikalma ang sarili, I'm a bit nervous.

"Nothing, where are you?" napahinga ako ng maluwag sa sinabi niya.

"Pauwi na kami, diba sabi ko sayo may school trip kami?" sagot ko.

"Ah yeah, Tristan is with you?" napatawa ako.

"Kuya, school trip nga. Marami kami dito." lutang siguro siya.

"Okay, take care Ez. Don't be hard on yourself. Don't be heartless." napakunot ang nuo ko sa sinabi niya, what does that mean?

"Kuya?" magsasalita pa sana ako ng pinatay na niya ang linya. Hindi niya talaga ako pinapatapos ng sasabihin, tsk.

"Ezriah, hindi ba't dito na ang baba mo?" napatingin ako sa palagid ng lahat ng mata ay sakin nakatingin, Except with Tristan and Kyro.

"Ah oo, Manong." kinuha ko ang bag ko at sinabit sa likod. Napatingin ako kay Prima ng hawakan niya ang laylayan ng damit ko.

"Bakit?"

"Take care, Ez." nginitian ko siya at hinakbang ang paa. Habang naglalakad pababa ay siyang papalapit ang kinauupuan nina Tristan, madaaanan ko ito bago ako tuluyang makababa ng bus. Nginitian ako ni Rage at Clyde, samantalang ang dalawa ay hindi man lang nag abalang dapuan ako ng tingin. Nginitan ko sila pabalik at tuluyan nang bumaba, napansin ko rin ang bangas sa kanang pisngi ni Clyde. Sino naman kaya ang nakaaway niya?

Napabuga ako ng hangin kasabay nun ang pag andar ng sasakyan palayo. Binuksan ko ang gate at handa na sanang pumasok ng biglang kumalabog ang aking dibdib, napahawak pa ako dito.

"Lola!" nagmamadali kong tinahak ang daan. Hindi mawala ang kaba sa na nararamdaman ko. Pagdating sa pintuan ay agad ko itong kinatok ng paulit ulit, ngunit walang sumasagot. Sinubukan kong buksan pero nakalocked.

"La! Lola! Buksan niyo po ang pinto!" ilang minuto pa ay naghanap na ako ng malaking bato sa bakuran at sinira ang door knob. Nangangatog ang buo kong katawan, pakiramdam ko ay may nangyaring masama...na sana wala.

Pagdating sa sala ay bumungad sa akin ang mga naguguluhang gamit sa sahig at ang basag na vase ni Lola na regalo pa sa kaniya noong dalaga pa siya. Umakyat ang takot sa aking dibdib, maagi kong sinuri ang buong bahay.

"La! Lola!" sigaw ko ng paulit ulit.

"Lola...na saan ka na ba?" nagbabadya na ang luha ko sa mata.

"Lola!" binuksan ko ang dalawang kwarto ngunit ko siya nakita, wala siya rito. Mabilis kong pinuntahan ang isang parte ng bahay kung saan hindi ko pa napupuntahan.

Tila natutop ako sa kinatatayuan ng makita ang nakahandusay na katawan sa sahig at ang dugong animo'y baha dahil sa dami.

"L-Lola...L-La," nanginginig ang buong kong katawan sa nakita. Napaupo ako sa sahig at parang nawala lahat ng lakas ko.

"L-Lola..." pagapang akong pinuntahan siya, wala akong lakas para tumayo.

"L-Lola...gumising ka...p-please..." binuhat ko ang ulo niya at niyugyog nagbabakasakaling magising siya.

"L-Lola..." tuluyan ng tumulo ang luha sa aking mata, tila may nakabara sa lalamunan ko, nahihirapan akong magsalita.

"L-Lola...sinong gumawa n-nito s-sayo...?" garalgal na rin ang boses ko. Nakita ko ang tama ng bala sa may bandang dibdib niya. Mahigpit ko siyang niyakap, mainit pa ang katawan niya, kung dumating lang ako ng maaga ay siguro naligtas ko pa siya.

"AAAAAHHHHHHH!" napahawak ako sa ulo ko ng maramdaman ang sobrang sakit at kirot.

"ARRRGGHHHH!" parang mabibiyak ang ulo ko sakit na nararamdaman. What's happening? What's happening to me?

"I'm?" mabilis kong binuhat ang katawang nasa harap ko.

"I will bury you myself."

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ