CHAPTER 18

131 43 6
                                    

Maaga akong nagising dahil maaga rin akong natulog. Napatingin ako kay Prima na ngayon ay mahimbing na natutulog sa tabi ko. Two Person in 1 room ang rules, magkaiba ang kwarto ng mga lalaki pero ganoon rin ang napagkasunduan.

Hinay-hinay akong bumaba sa kama para hindi magising si Prima, Kinuha ko ang jacket ko sa bag at sinuot ito. Lumabas na ako ng kwarto, kailangan pa naming mag elevator pababa dahil nasa 3rd floor ang mga rooms naming lahat. Paglabas ng Hotel ay malamig na hangin ang sumamyo sa akin, maganda siguro manirahan pag malapit sa dagat 'no?

Medyo may kadiliman pa ang paligid at palitaw pa lang ang araw, nag umpisahan ng maghakbang ang aking mga paa sa baybayin ng dagat. Kahit medyo madilim ay may natatanaw akong nakaupo sa buhangin. Ang aga naman nito magising. Hindi ko namalayan na papalapit na pala ako sa taong 'yun.

"So early to wake up," kahit hindi ko pa makita ang mukha niya ay alam ko na kung sino siya. I still feel embarrassed, pero hindi habang-buhay ko siya kayang layuan. Pagtatagpuin pa rin kami ng landas o 'di kaya ng panahon.

"Aga mo rin magising, anong ginagawa dito?" umupo na rin ako sa tabi niya at nilalaro ang mga buhangin. Ngayon lang ako nakakita ng puting buhangin sa tanang buhay ko.

"Papahangin lang at nag-iisip," napalingon ako sa kaniya. Ngayon ko lang napansin na ang tangos pala talaga ng ilong niya lalo na't naka-side view ito.

"Nag-iisip ka pala?" pabirong wika ko, nasilayan ko naman ang ngiti nito.

"Bakit ikaw, hindi ba?" nagtama ang mata namin ng lumingon siya sa akin. Ang sarap sa pakiramdam ng ganitong katahimikan.

"Syempre, nag-iisip rin." napatawa ako ng mahina at napatingin sa langit na ngayon ay nakalitaw na ang maliit na bahagi ng araw.

"I'm really sorry, naunahan lang-" I cut him off, I don't want to hear an apology again. May kasalanan din ako, hindi ko rin siya masisisi dahil sa mga pang-aasar ko sa kaniya.

"That's enough, it's already in the past okay?" kailangan ko ng maging maingat sa mga gagawin ko. Hindi ko naman kase inakalang ganoon ang mangyayari dahil biro ko lang din 'yun, I crossed the line and that's my fault there.

"Let's watch the sunrise," pareho kaming napalingon sa langit at hinihintay ang pagbukang-liwayway. Mabagal ang paglitaw nito ng buo pero kahit ganoon ay parang mahaba ang pasensiya kong hintayin na masilayan ang kagandahang taglay nito. Unti-unting lumiwanag ang paligid, tanging tunog lang ng hamapas ng alon sa dalampasigan ang aking naririnig, it's so peaceful. Nakakarelax ang ganitong tanawin at katahimikan.

"Do you like sunrise?" biglang tanong niya.

"I like sunrise, but I love sunset," hindi ko namalayan na nakangiti na pala ako. Well, I'm happy to talk about my likings.

"I like you," naguguluhan akong napatingin sa kaniya.

"I mean, I love sunsets too." nakakagulat 'tong si Tristan, kung anong pinagsasabi. Napahinga ako ng malalim at napatingin ulit sa langit, nakakasilaw na ang araw at nakalabas na ang buong bahagi nito.

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon