CHAPTER 8

186 52 4
                                    

Umaga pa lang ay nandito na silang lahat, sabi ko wag pumunta eh kasi may pasok pa.

"Yo, good morning" si clyde.

"Good morning bes!" sigaw nito.

"Bakit nandito kayo?" nagkatinginan naman silang lahat, nanotice ko na wala si tristan tsaka si rage.

"May hinahanap ka yata?" agad naman akong napalingon kay kyro.

"Wala no!"

"Kunwari ka pa eh!" hirit ni prima.

"Wala bang pasok? nag aksaya pa kayo ng oras para pumunta dito at ipagliban ang klase" mahabang kong sabi.

"Gumawa naman kami excuse letters" sabi ni kyro, sabay kindat pa.

"Sure kayo? alam kong hindi niyo gawain 'yon" tumawa naman si lola sa gilid ko.

"Ano? pwede ka na ba iuwi?" tanong ni prima.

"Oo daw, sabi ni doc pupunta daw siya dito eh" biglang bumukas ang pinto.

"Oh andyan na pala, ano doc pwede na ba iuwi 'tong apo ko?" ngumiti naman siya.

"Oo pwede na, pero kailangan niyang magtake ng gamot para mapadali ang pag hilom ng sugat niya. Here's your medicine" inabot naman niya yung gamot kay lola. Ang dami naman nitong gamot ko.

"Maraming salamat po doc!" aalis na sana 'to nang may nakalimutan 'ata kaya bumalik.

"And also, Tristan already pay the bills" sabi ko naman sa kaniya ako na magbabayad eh! tigas ng ulo.

FLASHBACK.

"Uncle, do anything just to save her!"

"Alright, don't panic" halos matawa ako sa mukha niya ngayon.

"Okay, but please-"

"Nasa balikan lang ang tama ng bala, hindi pa siya mamamatay" putol ko sa kaniya.

"You sure?" I pat his head.

"Yes, so don't worry to much"

"How much?"

"What?"

"Magkanong pera ang kailangan para sa opera niya?"

"20,000 pesos" I smiled, I know the next thing his gonna said.

"I'm gonna pay, here" agad siyang bumunot ng pera sa wallet niya.

"I'm not the cashier, tristan" I laugh.

"Ow, sorry uncle. Thank you." agad na itong nagmadali umalis patungong cashier.

"Doc? doc?" napalingon naman ako sa pasyente.

"Maraming salamat po sa pag oopera sa akin" ngumiti naman ako.

"Its my work to save people's lives, excuse me" ngumiti lang ako at lumabas.

"Oh, ano uwi na tayo?" masiglang wika ni prima.

"Hindi ba talaga kayo, papasok?" nag-aalalang tanong ko.

"Wag ka na ngang mag-alala" kinuha naman ni clyde sa gilid ang wheelchair.

"Dahan-dahan apo" inalalayan naman nila akong makaupo dito.

"Ako magtutulak!" excited na sigaw ni kyro.

"Ako na!" sigaw naman ni prima.

"Ako na nga kase!" nahihilo na ako sa kanila!

"Bakit kaibigan ka ba? feeling close oh!" natawa naman kami.

"Ako na kase malakas ako kaysa sayo gets mo? final na 'to kaya umalis kana, kala mo kung sinong malakas eh ang hina-hina nga!" wala nang nagawa si prima kung hindi magpa-ubaya.

"Hindi naman ganoon kalakas tse!" agad na nagmarcha palabas ang gaga haha!

"Inaway mo kase tol eh!" pang-aasar pa ni clyde.

Nandito na kami sa bahay, kay clyde na kotse ang ginamit namin papunta dito, dumeretso na din sila sa school, hahabol sa klase.

"Aray!" nasagi yung braso ko! tanga-tanga kase 'tong pintuan bakit hindi umilag.

"bakit apo?! okay ka lang ba?!" dali-daling tumakbo si lola para icheck ako.

"la, wag na po kayong masiyadong mag-alala dyan" naaawa tuloy ako kay lola.

"Paanong hindi ako mag-aalala kung ganyan kalagayan mo!" nagulat naman ako ng tumaas ang boses nito.

"Sorry po la" yumuko lang ako, hiya ang nararamdaman ko ngayon at pag-alala.

"Paano kung mawala ka sakin katulad ng lolo? hindi ko kakayanin" nag-umpisa na 'tong umiyak.

"lola naman, wag kang mag-isip ng ganyan!" hindi ko siya mayakap dahil sa sitwasyon kong ito.

"Sorry apo, kung nasigawan kita nadala lang emosyon" pinunasan niya naman ang luha gamit ang kamay niya.

"Okay lang po la, basta wag ka na pong mag-alala, mag-iingat na ako" tumango lang ito at lumabas na.

Dahan-dahan naman akong humiga, naalay na ako dito sa kamay ko. Nag-aalala din ako sa pag-aaral ko, what if my mamissed akong lesson? test? hays, puwersiyo talaga 'to!

"Teka nga lang ano ba talagang nangyari?" medyo hindi ko matandaan tsaka nagtataka din ako kase tatlong putok ng baril ang narinig ko.

"Ah, alam ko na! Isang tama pa lang ay natumba na ako" siguro duling yung bumaril sakin? hindi ako natamaan nong dalawang putok eh!

"Ang tanga-tanga mo ezriah! bakit parang gusto mo pang mamatay" pagkakausap ko pa sa sarili ko.

"Nakakapagod, Inaantok ako" Pikit ko lang ang mata ko, baka sakaling makatulog ako.







"What the fuck?! S-she's okay right?" mararamdaman mo ang pag-aalala sa boses niya.

"She's okay, sir" kalmadong wika nang binata.

"I entrusted her to you, why did you let that happen?!" Aambag na sana ito ng suntok ng may magsalita sa likuran niya.

"We're currently investigating the mission that you asked sir" agad napalingon ang binata dito.

"We just lost the attention to her because were focusing to it, It will never happen again" nagkatinginan naman silang dalawa.

"Be sure. If you take another mistake, I will never forgive you" nanlilisik ang mga mata nito sa galit.

"I sincerely apologized" nakayukong sabi nito.

"What about the things that I asked you?" The old man ask.

"Confirmed, Its the coffin soul who did this" mahinahon pero galit ang pagbigkas sa salita ang kaniyang binitawan.

"So they're craving for a war huh?" napangalumbaba ang lalaki at ngumisi.

"I have plan, call the whole group"

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)Where stories live. Discover now