CHAPTER 14

120 43 5
                                    

"Pinayagan ako mag day off!" sabi ko kay Prima na ngayon ay nasa bahay namin.

"Good to hear Sis, kailan ba school trip niyo?" tanong ni kuya na ngayon ay nagliligpit ng gamit.

Ihahatid namin siya sa airport, nakwento ko kase kay Prima kaya ayon gusto daw sumama.

"Kumain ka na ba Azrou?" tanong ni Lola kay Kuya, tanging tango lang ang naisagot niya.

"Ay oo nga pala, ikaw ba Prima? kumain ka ba bago pumunta dito?" tanong ko kay Prima.

"Yes of course, nag-aalala ka ba na hindi ako kumakain sa tamang oras?" I rolled my eyes.

"Dami mong alam, wag ka na kaya kumain" tatanong lang eh, parang timang.

"Pag pasensiyahan mo muna kapatid ko ha?" sabat naman ni Kuya.

"Ayos lang, sanay na ako sa ugali niyan" nakahawak pa siya sa ulo niya na parang bang sakit ako sa ulo.

"Sige pagtulungan niyo ko, bahala ka dyan Kuya hindi kita ihahatid! Tutal, ikaw naman nagsabi sa 'kin na ihatid ka, napilitan lang naman ako eh" kunwari kong sabi.

"Ah? Sige, andyan naman 'yung kaibigan mo. Maaari mo ba akong samahan sa airport?" tanong niya kay Prima, mga lapastangan!

"Oo naman, ikaw pa ba!" sagot naman ni Prima. Mukhang hindi na nila ako kailangan dito. Makaalis na nga!

"Ezriah! May bisita ka!" Sigaw ni Lola sa sala, nandito kami sa kwarto eh.

Sino naman kaya 'yon? I'm not expecting someone.

"Sino daw La?" sabay pa talaga sila ng tanong ni Prima at Kuya ha, halatang mas excited pa sa akin malaman kung sino eh.

"Si Tristan, labasin mo muna dito" T-tristan? ginagawa niya dito?

Naramdaman ko naman ang mga matang mapagkuntyang nakatingin sa akin.

"hahaha, ito na La!" baka ano pang mangyari sa akin kung magtagal pa ako sa kwarto na 'yon.

"Good morning" bati niya.

"Morning, bakit naparito ka?" tanong ko, pansin ko lang nakaporma siya, saan naman kaya lakad niya at napadaan pa dito?

The Long Lost Mafia's Daughter (COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن