Chapter 2

94.3K 3.2K 899
                                    

= 2 =

UNBELIEVABLE

*** SCARLET's POV ***

Pagkabukas ng malaking pinto ay bumungad sa akin ang Assembly Hall. Wala nang katao-tao.

"Nasaan na po yung mga tao kanina?" tanong ko sa babae. Thelessa pangalan niya diba?

"Yung mga students? Nasa mga kwarto na nila," sagot niya.

Students? Ano ba 'to? School?

Pagpasok namin ay may nakatayo sa harap. Dalawang babae at isang lalaki. Yung isa ay yung babaeng nagpadala sa akin sa dungeon. Nakangiti lang siya na parang nakakaasar.

"It's nice to see you again," nakangiting sabi nung babae. "I'm Head Mistress Ox. Call me Professor Ox."

"Hi?" Napatingin ako sa katabi niyang babae. Ang ganda niya kahit mukhang nasa 30s na siya. Tapos ang pogi pa ng katabi niya. Mag-asawa ba sila?

"State your name," sabi ni Professor Ox. "At saan ka galing."

"Scarlet Cress," sagot ko at napatingin kay Thelessa. "From Cavite po."

"Cavite? Saan 'yon?" nagtatakang tanong ni Professor Ox. "North? South? East? Or West? Malamang walang Cavite dito sa Middle dahil I've never heard such a place."

Ano daw? Di nila alam kung saan ang Cavite? Nasaang parte ba kami ng Pilipinas at di nila alam?

"Ox, she's not from here," singit ni Thelessa at tumingin dun sa babaeng maganda. Hindi ko pa pala alam yung pangalan nung babae at yung katabi niyang lalaki.

Tumingin yung babae sa lalaki at yung lalaki naman ay tinanguan siya. Sabay silang tumingin sa akin at ngumiti.

"Hello, Scarlet," ngiting sabi ng babae. "I'm Emerald."

"Queen Emerald," singit ni Professor Ox. "Tawagin mo siyang Queen Emerald."

"Queen?" nagtataka kong tanong. Bakit may Queen? Nasaan ba kami? England? Eh bakit nagtatagalog sila? WTH?

"Yes, naguguluhan ka diba? Tatlo kasi ang dimension ng mundo Scarlet. Ang isa ay ang pinanggalingan mo, ang isa ay kung nasaan ka ngayon at ang isa ay ang di mo dapat puntahan," paliwanag ni Thelessa.

"Nanggaling din ako sa mundo mo, Scarlet. I'm from Manila," sabi nung Queen Emerald. Taga-Manila siya?

"Paano po tayo napunta dito? Paano po tayo makakabalik sa dati? Bakit po tayo nandito?" sunod-sunod kong tanong.

"Hindi lahat ng tanong ay dapat masagot," singit ni Thelessa.

"Scarlet, may dahilan ang lahat. We are supposed to be here. Anak ako ng dating Queen dito. Kaya napunta ako dito. Kagaya mo, naguluhan din ako nung umpisa. But eventually, makakapag-adjust ka din," malumanay na sabi ni Queen Emerald.

"Mas malala pa nga ang naging reaksyon niya kaysa sa reaksyon mo eh," singit nung lalaki. "Ako nga pala si King Matt."

Okay, Queen si Emerald at King siya. So mag-asawa nga sila.

"Manahimik ka nga diyan Matt. Tawagin mo nalang yung anak natin, umalis ka dito," naiinis na sabi ni Queen Emerald.

"Em naman eh. Ang pikon mo," sabi ni King Matt pero wala siyang nagawa kundi sumunod nalang. "Parang di ako King."

"Pwede bang magseryoso na tayo?" sabi nung Ox. "Anong gagawin natin sa kanya, Queen Emerald?"

Hindi ako pwede magstay dito. Hindi naman ako anak ng Queen or ng King. Hindi naman ako anak ng kahit sino dito. Hindi ko nga alam kung sino ba ang mga magulang ko. Basta ang alam ko lang ay hindi dapat ako nandito.

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon