Chapter 21

52.1K 2.3K 283
                                    

= 21 =

Ilang oras na ba ako nandito?

"Scarlet!" Paglingon ko ay nakita ko sina Star at Patricia na tumatakbo palapit sa akin.

"Bakit nandito na kayo?" tanong ko.

"Lunch time na," sabi ni Star. Napatingin siya sa mga gamit na nakakalat sa damuhan. "Any improvements?"

Padabog ako umupo sa damuhan at humiga. Kaninang umaga pa ako nandito. Dahil nung natanggap ko yung class schedule ko ay blangko ito. Pinuntahan ko si Prof. Ox sa tower niya at ang sinabi lang niya ang mga katagang 'Ikaw lang ang makakatulong sa sarili mo'.

Badtrip. Hindi ko nga alam kung bakit ko nagagawa yung nagawa ko sa Dragon eh. Hindi ko na nga alam kung bakit pa ako nandito. Hindi ko nga rin alam kung ano ba ako.

"Nagagalaw ko sila pero sandali lang," sabi ko habang nakatingin sa langit. Umupo rin sila sa tabi ko at humiga.

"Diba sabi mo, nagawa mo 'yon dahil nagalit ka nang makita mong sinunog niya yung Dwarfs?" tanong ni Patricia. Tumango ako. "As far as I can remember, nagawa mo rin 'yon sa lola ni Rapunzel nang makita mong nasasaktan niya si Clyde. Baka naman natritrigger ang kapangyarihan mo kapag nakikita mong nasasaktan ang mga taong mahalaga sayo."

Pumalakpak si Star. "Talino talaga ni Patricia!"

"So, kailangan pa munang may masaktan para lang magawa ko ulit 'yon?" tanong ko.

"Ano ba talaga ang kaya mong gawin?" Napalingon kami sa nagsalita. Si Sky.

"Kanina ka pa nandiyan?" tanong ko.

"Hindi naman. Kakarating ko lang din," nakangiti niyang sabi. "Nakita ko kung paano mo patayin yung Dragon. Parang... nacocontrol mo siya nang hindi siya nahahawakan."

"Baka mga living things lang talaga ang kaya mong icontrol, Scarlet. Baka kaya hirap ka na icontrol ang mga bagay," sabi ni Patricia.

"Pero kung magagawa niyang icontrol ang mga bagay, malaking tulong 'to sa war. Baka kaya si Scarlet ang nasa Chant ay dahil siya nga talaga ang makakatapos ng war. Silang dalawa ni Clyde," dugtong ni Star. Nagbell na bigla. Napatayo na sina Patricia. May klase pa kasi sila. May mga schedule din sila ng training. Habang ako ay stuck dito. Tinatry na pagalawin ang mga bagay na nakakalat. Ugh.

"Bye, Scarlet! Babalikan ka namin later!" Tumakbo na sila papasok sa loob.

Huminga ako ng malalim. Nahagip ng mata ko ang isang lata sa harap ko. Dahan-dahan kong inangat ang kanang kamay ko at itinapat sa lata.

Focus.

Unti-unti kong isinara ang palad ko at kasabay nito ang pagbabago ng anyo ng lata. Naging flat ito bigla.

"YES!!!" sigaw ko.

"Ilang oras ka nang nandito, 'yon palang ang nagagawa mo?"

"Clyde," sambit ko. "Bakit ka nandito?"

"Tapos na training ko eh," sabi niya.

"Kamusta na si Lucy?" tanong ko. Noong nahimatay kasi siya kahapon, dinala na siya agad sa Clinic Wing. May sakit daw pala si Lucy.

"Stable na. Pero hindi parin siya dapat umalis sa Clinic," sagot ni Clyde. Umupo siya sa tabi ko. Naalala ko yung sinabi ni Star kanina. Na baka kaya isa ako sa tatapos ng war ay dahil may kapangyarihan akong ganito. Kung ganoon, ano ang kayang gawin ni Clyde?

"Clyde, saan ka nagtraining?" tanong ko.

"Bakit?" tanong niya.

"Sagutin mo nalang."

SCARLET (Emerald Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon